Bulong cast members reveal their thoughts on the superstition

by Mark Angelo Ching
Jan 27, 2011
"Pag bumulong ka sa patay, nakakatakot, baka sumagot, e...So parang hindi ko carry yung ganun," admitted Vhong Navarro, one of the lead stars of Bulong. He will be joined by Angelica Panganiban (left) and Bangs Garcia in this horror-comedy directed by Chito Roño.

Sa pelikulang Bulong ng Star Cinema, tatalakayin ang isa sa
maraming pamahiin ng mga Pilipino. Ito'y ang
paniniwalang madaling magkatotoo ang isang hiling na ibinulong sa patay.


Ang mga bida ng naturang horror-comedy ay sina Vhong Navarro, Angelica Panganiban, at Bangs Garcia. Kasama rin nila sina Jon Avila at Teddy Corpus na siyang kasamahan ni Vhong sa talent search na Showtime.

Si Chito S. Rono ang direktor ng Bulong, na gumawa rin ng mga pelikulang tumalakay din sa mga pamahiin, tulad ng Feng Shui (2004) at Sukob (2006).


Sa presscon ng Bulong noong January 17, ipinahayag ng direktor at ng
cast ang kanilang pag-aalinlangan sa pamahiin ng bulong.

Ayon kay Angelica, narinig niya sa kanyang pamilya ang pamahiing ito, at nagawa niya na ito para mawala ang kanyang mga sakit.

"Gumagaan naman ang pakiramdam ko," saad ng sexy comedienne.

Ayon naman kay Bangs, hindi siya naniniwala sa pamhiing ito.

"Relihiyoso po kasi ang pamilya ko," saad niya. "Kaya sa amin, mas
mabuti pa pong magdasal."

Natatakot naman si Vhong kapag iisiping bubulong siya sa patay.

"Parang nakakatakot bumulong, e. Kaya tulad nga ng sinabi namin sa
presscon, pag bumulong ka sa patay, nakakatakot, baka sumagot, e... So, parang hindi ko carry yung ganun," sagot ng TV host-actor.

Dagdag pa ni Vhong, kay Direk Chito niya lang nalaman ang pamahiing ito.

"Hindi ko alam ang bulong. Nalaman ko na lang kay Direk Chito ang
bulong, na may mga ganun palang mga pamahiin," pahayag niya.
"Na-excite ako kasi, a, meron pala tayong ganun. Marami pala tayong
mga pamahiin na wala ang ibang bansa. Yun yung lamang natin."

Pagpapatuloy niya, "Ang alam ko lang kasi pag may patay, hinahakbang ang bata, di ba, yung mga ganun, para hindi raw dalawin o bisitahin. O pag pupunta ka sa lamay, wag ka muna umuwi kasi baka sumunod. Pagpag, di ba? Yun yung mga alam ko."

Paglilinaw ni Vhong, hindi raw siya takot sa patay, kundi sa multo.
"Hindi naman patay. Takot ako sa multo. Naniniwala ako sa multo. Kaya medyo hindi ko kayang gawin na bumulong sa patay."

Continue reading below ↓


DIREK CHITO EXPLAINS. Pahayag naman ni Direk Chito, maging siya ay hindi naniniwala sa pamahiin na bulong. Kamakailan niya rin lang raw ito nalaman.


Paliwanag niya, "Personally kasi, hindi ko talaga habit yung
bumubulong. In fact, nasa personal experience ko, kumbaga, it was more of expressing your love for... the departed one, kung family siya o friend. Nagpapasalamat ako't nagdadasal, na nakilala ko kunwari siya, or whatever.

"Hindi kasi 'yan, parang, popular sa amin. Actually, dito ko 'yan sa
Maynila nalaman, nung may nagpapaalam sa akin na puwedeng bumulong. In-explain na ginagawa daw talaga yun ng ibang tao. Sabi ko, go ahead. Kung iga-grant niya yung wish mo, e di, good for you.

"Pero hindi kasi 'yan habit, e. It's not like sukob, na maliit pa lang
ako, meron na. Like, a personal experience, namatay yung parents ko.
Hindi kinasal yung kapatid ko. Nag-antay pa ng... kasi sukob daw sa
patay, ganun, magagalit daw yung matatanda.


"Anyway, itong sa Bulong, from friends, mga kilala ko, naririnig ko.
And, I know that they do it, but its not something na, siguro,
binubulong lang nila sa may kakilala nila. Pero I guess, it's still a
form of prayer. I guess ganun pa rin sila. And, its another Filipino [custom], kumbaga, ating kinaugalian na gumagawa tayo ng paraan para mas mapadali yung ating mga hinahanap o wini-wish, o pinapangarap."

Saad pa ni Direk Chito, pipiliin na lang niyang magdasal kaysa
bumulong sa patay.

"Pero personally, I've heard of it but it's not a habit of mine to do
it. Usually, nagdadasal lang ako," sabi ng direktor.

Continue reading below ↓

Mapapanood ang horror-comedy na Bulong sa mga sinehan simula February 2, 2011. Magkakaroon ito ng premiere night sa SM Megamall on February 1.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pag bumulong ka sa patay, nakakatakot, baka sumagot, e...So parang hindi ko carry yung ganun," admitted Vhong Navarro, one of the lead stars of Bulong. He will be joined by Angelica Panganiban (left) and Bangs Garcia in this horror-comedy directed by Chito Roño.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results