Roxanne Guinoo has two movies in this year's MMFF


Roxanne Guinoo is one of the busiest young actresses today. Aside from co-hosting the noontime show Wowowee, she is also in the cast of two 2007 Metro Manila Film Festival entries—Resiklo and Shake, Rattle & Roll 9.



Kung si Roxanne Guinoo ang tatanungin, mas gusto niya na makuha bilang regular co-host din sa noontime show na Wowowee si Michelle Madrigal.

Dalawa ang mahigpit na pinagpipilian ng Wowowee para maging possible replacement ng umalis na si Janelle Jamer sa show. Nandiyan si Michelle at ang isa pang taga-Star Magic, si Paw Diaz, na kamakailan ay nabalitaan natin na nahila na ng bangko ang hinuhulugang kotse.

Wala raw galit o inggit si Roxanne kay Paw. Kaya lang, mas malapit daw kasi siya kay Michelle dahil matagal silang nagkasama sa unang batch ng talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Si Paw naman ay mula sa second batch ng naturang artista search.

Samantala, sa anim na pelikulang pumasok sa screening committee para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) this December, dalawa rito ay kasama ang pangalan ni Roxanne sa isinumiteng members of the cast. Una ang Resiklo na pagbibidahan ni Senator Bong Revilla under Imus Productions at ang pangalawa ay ang Shake, Rattle & Roll 9 ng Regal Entertainment.

Ayon sa bagong ruling ng MMFF committee dapat ay isang pelikula lang bawat artista ang entry for the filmfest. Sa kaso ni Roxanne, siya ang leading lady ni Bong sa Resiklo at isa naman siya sa lead stars ng Shake, Rattle & Roll 9. Kung papipiliin siya, aling pelikula ang gagawin niya?

"Siyempre po, gusto ko both. Ang hirap pong mamili," sabi niya.

Hindi kaya si Roxanne ang bagong pagselosan ng misis ni Bong na si Lani Mercado pag nagsu-shooting na sila ng pelikula?

"Naku, hindi naman po," agad niyang tugon. "Sa ngayon kasi di ko pa talaga alam. Pero kung kukunin po ako ni Senator Bong para sa movie, it’s an honor po."

Payagan naman kaya siya sa Wowowee na maglagare ng dalawang pelikula? At paano na si Willie Revillame na pilit inili-link kay Roxanne kapag may movie na siya with Bong Revilla?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iyon na nga po, e. Hindi ko pa alam kung papayagan nila ako. Or kung makakapag-shooting ako ng dalawang pelikula. Araw-araw din kasi ang Wowowee at nakakahiya naman kay Pappy [Willie] na-umabsent sa show, lalo na kabagu-bago ko pa lang sa show," sabi ni Roxanne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN