Anne Curtis and Luis Manzano depict an unusual love story in Who’s that Girl?


Anne Curtis says that in the past, it took Luis Manzano an hour for him to prepare for his crying scenes, but now it just takes him 10 minutes.


Hindi nakadalo sa first presscon ng Who’s That Girl? si Direk Wenn Deramas dahil maysakit siya. Kung nandoon si Direk Wenn, tiyak na marami itong kuwento tungkol sa mag-best friend na sina Anne Curtis at Luis Manzano.


Ito ang ikaapat na beses na magtatambal ang dalawa. Naunang naipareha sina Anne at Luis sa fantaseryeng Kampanerang Kuba sa ABS-CBN, sumunod ang pelikulang All About Love ng Star Cinema, at ang huli ay Ang Cute ng Ina Mo with Ai-Ai delas Alas, produced by Viva Films.


May nakita bang pagbabago si Anne sa acting ni Luis?

"Yes, and I’m very proud of him," sagot ni Anne. "A lot of improvement na sa acting niya. Kung noon, kapag may iyakan ang eksena, one hour siyang naka-iPod, nakikinig ng music na magpapalungkot sa kanya, ngayon 10 minutes na lamang, nakakaiyak na siya. At di ba, may acting award na nga siya, sa In My Life.

Pinasalamatan naman ni Luis ang mga tumulong sa kanya upang makuha ang Movie Supporting Actor of the Year sa 26th Star Awards for Movies at ang Best Supporting Actor trophy mula sa Gawad TANGLAW.

"At utang na loob ko po iyon kay Anne, kina Tita Ai-Ai, Tita Uge [Eugene Domingo] na malaki talaga ang naitulong sa akin sa mga una kong nagawang movies," ani Luis. "At ang maganda dito sa bago naming movie ni Nippy [tawag niya kay Anne], nilagyan ito ng ibang twist ni Direk Wenn, ayaw na niya ng mga kuwento na boy meets girl.

Aminado rin si Luis na malaking parte ng buhay niya si Anne.
"Naalaala ko tuloy nang una kaming nagkita ni Anne sa isang gimikan, mga eight or nine years ago na iyon na sabi raw ni Anne, ’Balang araw, magiging boylet ko ’yan,’ kahit hindi pa niya ako kilala. Wala pa ako sa showbiz noon. After a week, tinawagan daw siya ni Cheska Garcia at sinabing, ’Si Luis Manzano pala ang boylet na iyon.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The rest is history. Pumasok na ako sa showbiz. Hindi man naging kami talaga, naging best of friends naman kami. Walang sekretuhan sa aming dalawa. Kaya happy ako nang muli kaming kunin ng Viva Films para gumawa ng isa pang movie na light romantic comedy kaya tiyak na mag-i-enjoy ang manonood nito."

Ang script ng Who’s That Girl? ay sinulat ni Mel Mendoza-del Rosario. According to Anne, may ten shooting days pa silang natitira. Sa March 2 ang opening day ng pelikula in theaters nationwide.

SYNOPSIS. In Who’s That Girl? Anne Curtis plays Bea, a wallflower, while Luis Manzano is John Eduque, a campus heartthrob, who is Bea’s ultimate crush. John hardly takes notice of Bea. But one day at her lowest, John surprisingly gives Bea a pep talk. This becomes life-changing for her.

Bea transforms into a beautiful and successful career woman and John remains her dream man. So when she reads his name in the obituary, Bea is shattered with grief and goes to the wake in hysterics, to everyone’s shock. It turns out that the deceased is John Eduque Sr., John’s father.

Realizing her mistake, Bea hurriedly leaves, unaware of the damage she has caused especially on the widow, played by Eugene Domingo. Thinking that Bea is the mistress of the deceased, Mrs. Eduque succumbs to depression. Seeing his mother’s misery, John looks for Bea to rectify the situation. But the revenge ploy backfires as he falls in love with her. Fearing his mother’s reaction becomes a dilemma for the young man.

Bukod kina Anne, Luis, at Eugene, kasama rin sa movie si Ms. Dina Bonnevie as the mom of Bea, Dennis Padilla, Candy Pangilinan, DJ Durano, Dino Imperial, Abby Bautista, Nadine Lustre, Bobby Yan, Joy Viado, Ricky Rivero, Mac-Mac and John "Sweet" Lapus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN