"StarStruck" winners Mart Escudero and Kris Bernal join the cast of "Kulam"


Kris Bernal and Mart Escudero will be the first stars from StarStruck Batch 4 to do a feature film. The Ultimate Loveteam winners will be introduced in the horror flick Kulam, which stars Judy Ann Santos and Dingdong Dantes.


Ipakikilala pa lang ang StarStruck 4 Ultimate Loveteam na sina Mart Escudero at Kris Bernal as a pair sa The Boys Next Door, ang replacement show ng Magic Kamison, on June 24. Nauna nang naipakilala si Mart separately sa Impostora nina Sunshine Dizon and Iza Calzado with two different partners, Jenica Garcia and Charee Pineda.

Sina Mart at Kris din ang mauunang gaganap sa big screen among their batch dahil, if plans pushed through, kahapon ang first shooting day ng first movie nila for Regal Films, ang Kulam.

Kulam stars Judy Ann Santos and Dennis Trillo, written and directed by Jun Lana. Ito ang isa sa dalawang pelikulang pinirmahan ni Juday for Regal Entertainment, the other one ay ang Through The Years nila ni Ryan Agoncillo from the script of Allan Tijamo and direction by Joel Lamangan.

Naunang gawin ni Juday ang Kulam dahil hindi pa tapos si Ryan sa isa pa niyang Regal movie, ang My Kuya’s Wedding, also written by Allan under the direction of Topel Lee naman.

Makakasama rin nina Juday, Dennis, Mart, at Kris si TJ Trinidad sa Kulam, plus a child star from ABS-CBN.

Kulam ang second movie nina Juday and Dennis, although hindi sila ang magka-partner sa first nila, ang Aishite Imasu. Originally, si Dingdong Dantes sana ang gaganap na partner ni Juday sa Kulam, pero hindi ito natuloy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN