Anne Curtis and Luis Manzano did their own stunts for Who’s That Girl?


"Mahihirapan naman si Direk mag-anggulo kung gagamit pa ng double," says Luis Manzano about one scene in Who’s That Girl? wherein he climbed up a narrow ladder in a construction site. Anne Curtis also did a dangerous stunt for this movie directed by Wenn Deramas.


Halos tapos na ang pinakabagong pelikula ni Direk Wenn Deramas na Who’s That Girl? na pinagbibidahan ng best friends na sina Anne Curtis at Luis Manzano.

ONSCREEN KISS. Bilang romantic lead stars ng pelikula, di makaiwas sa mga tanong sina si Anne Curtis at Luis Manzano tungkol sa kissing scenes nila.

"Natatakot ako minsan matulog sa set kasi feeling ko, ninanakawan ako ng halik," biro ni Luis. "Minsan, magigising na lang ako, may lip gloss na ako!"

Ayon kay Anne, niloloko ni Direk Wenn si Luis: "Naku, natutuwa na naman si Manzano. Wish come true na naman ito for him..."

Aminado naman si Anne na nakakatulong ang pagiging close nila ni Luis sa kanilang mga eksena-lalo na ang mga kissing scene sa pelikula. "At the end of day, it helps kasi ’di kami nagkakailangan."

"We have to do it over and over again, for the different angles and different shots," pahayag ni Anne. "We just go: ’okay, let’s do this.’ Wala namang special feeling at all."

WENN’S UNIQUE DIRECTING STYLE. Ayon sa kuwento ni Anne, ongoing ang proseso ng paggawa ng kuwento ni Direk Wenn-kahit na nagsimula na ang shooting ng pelikula.

"Whenever Direk Wenn comes up with a story, it’s always original. It’s always nakakatawa, a different attack."

"Sometimes, he writes the script on set. He’s famous for his yellow pad paper and red ballpen," salaysay ni Anne, na unang naka-trabaho sina Direk Wenn at Luis sa teleseryeng Kampanerang Kuba. "Dinadaan pa sa dictation minsan. Mahilig siya sa dictation, instantly niyang naiisip yung istorya."

"That’s what makes it unique. It’s not your typical love story. May malaking twist, e. [Kadalasan, ang plot ng mga romantic movies] either mag best friend or magkaaway. Dito, nag-uumpisa na may black comedy nang kaunti."

Luis agrees. "I’ve seen my fair share of romantic comedy movies. I’m a fan of romantic comedies. Wala pa kong nakikitang ganitong plot."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THAT’S WHAT FRIENDS ARE FOR. Matagal na nga silang magkaibagan at kilala na nila ang kiliti ng bawat isa, so to speak.


"Kapag minsan, may mga araw na iritable ito, e," sabi ni Luis tungkol sa leading lady niya. "Pero kahit gaano kainit ang ulo niya, wala akong pakialam, kukulitin ko pa rin siya."

"Napapatawa niya ako, siya lang nakakagawa noon," dagdag ni Anne. "Kailangang masanay ka. Kundi mapipikon ka, maaasar ka."

"Kahit anong pinagdadaanan ko na-she-share ko din. Siya ang isang taong nahihingan ko ng prayers. Whatever it may be, lovelife man ’yan o ano... aabot din kay Anne at one point or another kahit papaano," sabi ni Luis.

"Anne is a very, very constant part of my life."

As for Anne, maituturing niyang confidant niya si Luis. "For the past 9 or 10 years, nagsasabihan kami ng lahat. Most especially when I’m feeling down. He’s one of the people that I open up to completely."

"I don’t think that will ever change, hanggan sa pagtanda namin. Siya ’yung pinagsasabihan ko talaga ng lahat ng pinagdaanan ko, good and bad," dagdag pa ng dalaga.

Sa tanong ukol sa posibilidad na sila din ang magkatuluyan sa bandang huli. Parehong open-ended ang sagot ng dalawa.

"You’ll never know. I’ll never put a full stop to anything," saad ni Anne.

"She has a very special place in my heart," pag-amin ni Luis. "Whatever we may have is a very good foundation for the future. Kung ano man ’yun."

DOING THEIR OWN STUNTS. May bahagi ng pelikula na kinunan sa isang construction site. Makikita sa trailer kung gaano kataas ang naturang construction site na ito na naging delikado para kina Anne at Luis pero pinili nila na sila mismo ang gumawa ng stunt na ito. Umakyat si Luis sa narrow ladder samantalang si Anne naman ay sumakay sa isang gondola na ginagamit ng mga trabahador.


Ang kuwento ni Anne: "When we were shooting it, sabay-sabay kaming umakyat nina Direk at Luis. Ang saya, nagkukulitan kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagbibiro ’to: ’ano kaya, talon ako? Para umalog lang? Para masaya lang?’" kuwento ni Anne tungkol sa ginawa ni Luis.

"Lahat kami [ang sabi]: ’huwag mong gagawin ’yan. Subukan mo lang!’"

Sa pag-shoot sa maselang eksena, ’di na kumuha ng body double para sa mga lead stars.

"Mahihirapan naman si Direk mag-anggulo kung gagamit pa ng double," paliwanag ni Luis.

"When we got to the rooftop, sabi ni Direk Wenn: ’O, Anne, sakay ka doon, ikaw lang."

"Sabi ko: ’Sure!’ Ang tapang ko pa," salaysay ni Anne.


"It’s really different ’pag ikaw na lang mag-isa. Nanginginig yung tuhod ko. So yung mga sigaw ko sa eksena, totoo ’yun!"

"Pero masaya. Kulitan...Nag-picture-taking pa kaming lahat doon," kuwento pa ni Anne.

"Sobrang saya sa kanya kasi ang nag-aakyat sa kanya ay makina. Ako, inakyat ko talaga yung ladder na yun, hindi nakakatuwa yun. But it was an experience," nakangiting sinabi ni Luis.


Ipapalabas ang Who’s That Girl? sa mga sinehan simula March 2, 2011.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN