Jesse Bradford reprises Richard Gutierrez's role in the Hollywood remake of "Sigaw"


The Flags of Our Fathers star Jesse Bradford (left) has already signed to star in The Echo, the Hollywood remake of the Pinoy thriller Sigaw. Jesse will reprise the role originally played by Filipino matinee idol Richard Gutierrez.


Ang Hollywood actor na si Jesse Bradford ang siyang gaganap sa role na unang ginampanan ng Filipino young actor na si Richard Gutierrez sa The Echo, ang Hollywood remake ng acclaimed Filipino thriller na Sigaw.

Sa report ng Reuters/Hollywood Reporter, pumirma na raw si Jesse para gawin ang The Echo. Hindi binanggit kung sino ang makakasama ni Jesse sa nasabing pelikula na ididirek mismo ng direktor at writer ng Sigaw na si Yam Laranas, in his Hollywood debut as a director.

May pagkakaiba lang ang karakter na gagampanan ni Jesse sa Hollywood remake at ang karakter na ginampanan ni Richard sa original film.

Kung si Richard ay isang yuppie (young professional) na bumukod sa kanyang mga magulang at umupa ng unit sa isang lumang apartment building, sa Hollywood version naman ay gagampanan ni Jesse ang isang young ex-convict. Pero na-retain ang original storyline na may kapitbahay siyang isang pulis na binubugbog ang kanyang misis at ang kanilang anak na babae.

Bukod kay Richard, kasama rin sa Sigaw sina Angel Locsin bilang girlfriend ni Richard na palaging bumibisita sa kanya, si Jomari Yllana bilang abusadong pulis, Iza Calzado bilang asawa ni Jomari na binubugbog nito, at si Ella Guevarra bilang anak nina Jomari at Iza.

Magandang abangan kung sinu-sinong Hollywood stars ang gaganap sa iba pang characters sa pelikula.

Sa mga hindi nakakakilala kay Jesse Bradford, siya ang isa sa gumanap sa acclaimed Hollywood film na The Flags of Our Fathers, na idinirek ng Oscar winner na si Clint Eastwood.

Nagsimula si Jesse bilang child actor. Aside from Flags of Our Fathers, his other films are King of the Hill (1993), Far From Home (1995), Hackers (1995), Romeo+Juliet (1996), Bring It On (2000), Clockstoppers (2002), Swimfan (2002), Heights (2004), Happy Endings (2005), among others.

Natapos na ring i-shoot ni Jesse ang Hollywood remake ng Korean blockbuster film na My Sassy Girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatakdang magsimula ang shooting ng The Echo sa kalagitnaan ng August this year sa Toronto, Canada.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN