Will Gerald Anderson shoot a kissing scene with Sarah Geronimo?


Sarah Geronimo and Gerald Anderson have created nicknames for each other, namely Sasa and Gege. Gerald reveals, "Actually kay Sarah nagsimula yun, e!" The two will be paired in the Star Cinema movie, Catch Me...I’m in Love, which will open in cinemas starting March 23.


Dahil sa Lunes, March 7, na ang birthday ni Gerald Anderson, nagpakita ng ilang taped messages mula sa tatlong babae na naging parte ng buhay ng actor.


Sa video presentation na inihanda ng Entertainment Live para kay Gerald noong Sabado, March 5, unang bumati ang kanyang partner sa Kimerald tandem na si Kim Chiu. Inamin nito na may nabili na siyang regalo para kay Gerald pero secret daw kung ano iyon.

Pangalawang bumati ay ang current leading lady niya sa teleseryeng Buhawi Jack na si Jewel Mishe at ang ikatlo ay ang love team partner niya sa bago niyang pelikula na si Sarah Geronimo. Tuwang tuwang pinanood ng actor ang greetings ng tatlo habang nasa tabi niya si Nikki Gil para sa kanyang interview.


Unang tanong ni Nikki Gil ay kung ano ang regalo ni Kim sa kanyang kaarawan. Pabirong sagot ni Gerald: "Balita ko kotse, pero sa Monday pa naman ang birthday ko kaya tingnan na lang natin! (sabay tawa)


Nang tanungin kung sino ang makakasama ng actor sa darating niyang birthday, kinuwento ni Gerald: "Actually, meron akong gagawing charity sa Monday. It’s with the Cancer Foundation, so yun, sila yung mga makakasama ko."


Dagdag na tanong naman ni Nikki, "Pero kung sakaling magkaroon ka ng family birthday dinner, meron ka bang isang someone special na gustong imbitahan?"

Sagot ni Gerald, "Sa ngayon, no one! But, its ok, kasi birthday ko naman at kasama ko naman yung pamilya ko."


ON WORKING WITH SARAH GERONIMO. Dahil malapit nang ipalabas ang kanyang movie with Sarah Geronimo under Star Cinema, ang Catch Me...I’m in Love, tinanong ni Nikki si Gerald kung kamusta katrabaho si Sarah?

Ani Gerald, "It’s a great experience! Kung puwede ko lang ikuwento sa inyo lahat-lahat. Siguro, ikukuwento ko na lang sa inyo kung paano kami naging close dun. Sobra!"


Ano naman ang reaksyon ng mga Kimerald fans sa bagong proyekto na ito ni Gerald na hindi kasama si Kim?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Gerald, "Like, what I said before, talagang yung support nila hindi nawawala kahit nung shoot naming ni Sarah, nandyan sila, pumupunta sila sa shooting. Yun nga yung sinabi na kahit magkahiwalay na kami ni Kim nand’yan sila to support us."


Tanong uli ni Nikki: "E, yung support naman ni Mommy Divine [Sarah’s mother] nandyan rin ba?

Sagot ni Gerald, "Actually, yung support ni Mommy Divine nandiyan din, she’s very nice, very sweet. Nagpapadala pa nga siya ng food, cupcakes, yung ate ni Sarah kasi nagluluto ng cupcakes, tapos ayun pinadadalhan kami sa set. Wala namang nangyayaring ilangan sa amin ni Sarah at ni Mommy Divine sa set."


Ang isang eksena nina Gerald at Sarah ay kinunan sa isang bukid at pinakitang naglalaro sila sa putikan. Gaano katotoo ang balitang kahit off-cam daw ay inaalalayan ni Gerald si Sarah at nagmimistulang escort siya ng Pop Princess?

Pag-amin naman ni Gerald, "Kumbaga, siyempre ako yung leading man niya dun, e. Yung eksena namin medyo mahirap, maraming tao, nasa bukid pa kami. So, siyempre di ko maiwan si Sarah."


Dahil first time nilang makapareha bilang love team, paano binuo nina Gerald at Sarah ang kanilang chemistry in a short span of time?

"Actually, hindi ko rin talaga alam, e," sabi ni Gerald. "Ito yung first time na magkakasama kami ni Sarah sa movie. Siyempre nung una medyo may ilangan factor. Pero pag napanuod mo na yung trailer, yung ibang tao tuwang tuwa. Kilig na kilig sila. We’re just very happy na may fruit yung aming hard work on this movie."


ONSCREEN KISS WITH SARAH? Ang tanong ng karamihan sa fans ni Sarah ay kung dito na ba magaganap ang first kissing scene ni Sarah on the big screen?

Nangiti at natahimik muna si Gerald bago sinabing, "Hindi ko alam, e! I hope so! Para mas maganda yung movie namin. And it’s a great honor for me kung ako yun, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Bukod kay Gerald, parte rin ng pelikula si Matteo Guidicelli at ibang veteran stars tulad nina Dawn Zulueta at Christopher de Leon.


Mapapanood ang Catch Me...I’m in Love simula March 23 sa mga sinehan.


(CLICK HERE to read related article)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN