Sarah Geronimo says it was not awkward seeing Gerald Anderson bare his abs for their movie


Sarah Geronimo says of her first heartbreak, "Ang hirap kasi kalimutan yung sakit dun sa experience na ’yon. Siguro as of now, wala pa sa isip ko mag-entertain din ng mga suitors, kung meron man."Her upcoming movie Catch Me... I’m In Love will open in cinemas nationwide starting March 23 .


Nalalapit na ang pagtatambal nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson para sa pelikulang Catch Me... I’m In Love. Kasama nila sa love triangle ng movie ang host ng Happy Yipee Yehey! na si Matteo Guidicelli.


Isang taped interview kay Sarah ang pinakita sa March 12 episode ng Entertainment Live na ginanap sa Tanay, Rizal kunsaan nag-shoot ng ilang eksena ang Popstar Princess.


Ibinuko ng E-Live host na si Nikki Gil na may crush raw si Matteo kay Sarah.


Kinuwento ni Nikki kay Sarah, "Alam mo bang yung isa sa mga leading men mo dito sa Catch Me... I’m In Love na si Matteo Guidicelli ay dating may crush sa ’yo? May kwento pa na may hawak siyang dyaryo na may picture ka dun, at sabi n’ya nung makita n’ya yung picture mo sa dyaryo, [sabi niya], Si Sarah G! At parang kinikilig si Matteo dun sa picture mo. Na-picturan pa nga naming nakadikit sa face n’ya yung dyaryo."


Tanong ni Nikki: "Hindi ba kayo nagka-ilangan ni Matteo sa set ng inyong movie?"


Hindi agad naniwala si Sarah na may crush sa kanya si Matteo pero inamin ng dalaga, "May ilangan ng kaunti, pero eventually okay na rin. Kumportable na kami sa isa’t isa."


At 22 years old, happy ba siya sa life niya?


Sagot ni Sarah: "Hindi! Joke! (sabay tawa) I’m very, very, very happy. Sobra akong blessed sa pamilya ko. Tapos ito, tuloy-tuloy ang trabaho."


Natawa uli si Sarah nang tanungin siya ni Nikki: "Kamusta ang puso mo right now?"


Pabirong sagot ni Sarah "Okay naman, tumutibok pa rin naman, may dugo pa naman na dumadaloy!"

Hindi na tinukoy ni Nikki ang nakaraang heartbreak ni Sarah, ngunit tinanong na lang niya kung anong mga natutunan nito sa experience na iyon. "Ano sa palagay mo ang maibabaon mo pag mag-enter ka sa bagong chapter of your life?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ani Sarah, "Masyado akong thankful kay Lord na, na save n’ya ko kung ano man yung hindi maganda na nangyayari sa buhay ko, yung mali na kala ko ay tama. At sobra akong grateful na na-save yung relationship naming magpa-pamilya. At na-save din yung puso ko, kasi di naman ganun kalalim pa. Saka pina-realize din sa akin ni Lord na... Anak, hindi tama!"


Dagdag pa ni Nikki, "Sabi nga ni Mommy Divine... hindi ka pa handa na mag- suitors. Pero ikaw sa sarili mo, kailan mo malalaman na ready ka [mag-entertain ng] suitors?"


Seryoso itong sinagot ng Popstar Princess. Aniya, "Ang hirap kasi kalimutan yung sakit dun sa experience na ’yon, siguro as of now, wala pa sa isip ko mag-entertain din ng mga suitors, kung meron man."


Tinanong rin ni Nikki si Sarah kung kamusta si Gerald Anderson bilang leading man. "Sabi ni Gerald na parang di pa rin daw s’ya makapaniwala na ikaw na talaga ang kanyang leading lady n’ya sa pelikulang ito. Anong masasabi mo tungkol dito?"


Tuwang-tuwa naman si Sarah at kinuwento niya: "Ako rin, nung pictorial nga namin para sa pelikulang ito, nung nagpo-pose ako kasama si Gerald, sabi ko ’Ano ba? Feeling ko ako si Kim [Chiu]!’" sabay tawa niya.


Sa topless scene ni Gerald na ipinakikita sa trailer ng pelikula, hindi ba siya nailang sa eksenang yun?


Pagpapaliwanag ni Sarah, "Nailang ba ko? Actually, bago pa yung eksena namin na yun, may nauna nang eksena si Gerald na nag-topless at hindi ako kasama, kaya nung eksena na naming dalawa sa kabukiran na nag-topless siya, okay na, sanay na ko."


Anong masasabi niya sa AshRald Fans Club na nabuo para sa love team nila?


"Sobra kaming nagpapasalamat, nagulat nga ako na may nabuong ’Ashrald’ at narinig ko rin na willing din namang suportahan ang ilang mga Kimerald [Kim Chiu and Gerald Anderson fans] para sa pelikula naming ito ni Gerald."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Bago nagtapos ang interview, sinabi ni Nikki na nagtanong sila sa mga Kimerald fans kung okay lang ba sa kanila na si Gerald ang magiging first kiss ni Sarah. Natuwa raw ang mga ito at nag-cheer pa raw sila dahil sa posibilidad na ito.


Pabirong sagot ni Sarah, "Di ah, nag-kiss na kami ni John Lloyd [Cruz] sa movie namin na A Very Special Love ha! Hindi, biro lang! Bakit hindi? Sabi nga ni Gerald kung sa ikagaganda ng movie namin. Tingnan natin!"


Catch Me...I’m In Love will open in cinemas nationwide starting March 23.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN