Carlo Aquino and Cristine Reyes portray a married couple in the horror film Tumbok


Cristine Reyes and Carlo Aquino shoot a love scene for Tumbok, a horror film directed by Topel Lee.


Sa May 4 na pala ang opening day ng first horror movie nina Carlo Aquino at Cristine Reyes. Nagkaroon ang PEP ng pagkakataon na mabisita ang mga artista sa second to the last shooting day nila sa set ng isang abandoned building sa Escolta, Manila.


Bakit Tumbok ang title ng horror movie na ito na idinirek ni Topel Lee at produced by Viva Films?


"Ang ’tumbok’ po ay iyong madalas nating marinig na kasabihang malas daw ang bahay mo kung tinutumbok nito ang kalye, o kahit ang mga pinto ng bahay na tumbok sa hagdanan o stairway," paliwanag ni Carlo.


"Sa story, mag-asawa po kami ni Cristine, member ako ng SOCO team at naiiwanan lamang sa bahay si Cristine, na isang bored housewife. Lumuwas po kami ng Manila mula sa province matapos ipamana sa akin ng tatay ko itong bahay. Pero iyon nga, malas daw itong bahay dahil ang mga rooms, tumbok sa katapat na room, kaya bumuhos din ang malas sa amin. May mga nakikita kami, sinusundan kami ng patay. Hindi ko na po muna ikukuwento ang story, pero sinisiguro naming magugustuhan ito ng mahihilig sa horror movies."


Sila ba ni Cristine o ang mga kasama nila sa trabaho, wala namang nararamdamang kakaiba habang nagsu-shooting sila?


"Ako po, wala namang nararamdaman," sagot ni Carlo. "Siguro po kung meron man, hindi sila magpapakita doon sa hindi takot sa multo. Hindi po ako takot sa multo. Saka lagi pong maraming tao sa set. Kapag naka-akyat na kasi kami dito sa fourth floor ng building na siyang location namin, hindi na kami bumababa, kaya hindi kami naiiwanang mag-isa rito. Saka si Cristine po, laging kanta nang kanta sa set. Kahit gusto ko nang magpahinga sa air-conditioned tent ko, kanta pa rin siya nang kanta. Natatahimik lamang ako kapag tinawag na siya para mag-take."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Dagdag naman ni Cristine, "Sa totoo lang po, hindi naman ako talaga kumakanta, nambubulahaw po ako. Kaya kung mayroon man kaming kasama rito, hindi po siguro magpapakita kasi nabubulabog ko. Hindi po kasi ako takot sa multo."


Bilang mag-asawa ang role, may kissing scene o love scene ba sila?


"Meron po, pero one kissing scene and one love scene lamang ang ginawa namin, marami lamang takes dahil iba-iba ang anggulo ng shot ni Direk."


Paglalarawan naman ni Carlo tungkol sa kanyang leading lady, "Malambot po ang lips ni Cristine."


Sagot naman ni Cristine, "Lahat po naman ng lips, malambot."


Kumusta naman ka-trabaho si Direk Topel Lee?


"Matagal ko na pong kilala si Direk Topel kasi friend sila ng kaibigan kong si Direk Ato Bautista na madalas kong director sa mga indie films. Pero ngayon lamang niya ako na-idirek. Mahusay po siya, hindi siya nananakot through the special effects, nananakot siya sa isip ng mga manonood," wika ni Carlo.


"Napaka-cool po niyang director, walang pressure sa amin. Hindi siya sumisigaw, at ini-explain niyang mabuti ang dapat naming gagawin kaya po very smooth ang trabaho namin."


Natanong namin si Carlo kung hindi ba dumadalaw sa shooting nila si Rayver Cruz, ang boyfriend ng leading lady niya?


"Opo, dumadalaw po sa set namin si Rayver Cruz. Hindi po naman ako naiilang dahil friend ko naman si Rayver."


Ngayong tapos na ang shooting ng Tumbok, ready na sina Carlo at Cristine para sa kanilang susunod na mga proyekto. Tamang-tama naman dahil hindi pa nagsisimulang mag-taping si Cristine ng bago niyang teleserye after Kristine.


Si Carlo naman ay hindi makakasama sa taping ng TV5 show na Utol Kong Hoodlum sa Australia dahil mapapasabay ito sa pagpu-promote nila ni Cristine ng Tumbok.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN