Superstar Nora Aunor to do two mainstream movies this year


Even though Superstar Nora Aunor is based in the United States, movie offers still come her way. She has agreed to do Reklusyon de Perpetua under Lav Diaz’s direction for the MMFF. Another film, to be directed by Mario O’Hara, is also lined up.



Kakuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isang taong malapit kay Nora Aunor. Ibinalita nitong posibleng gumawa ng dalawang mainstream movies this year ang Superstar.



Ang unang naka-lineup ay ang Reklusyon de Perpetua to be directed by Lav Diaz (Batang Westside). Intended daw ito for the January 1, 2008 playdate ng Metro Manila Film Festival (MMFF) this year. May letter of commitment na raw ang aktres na ipinadala sa executive committee ng MMFF bilang patunay na gagawin niya ang pelikula.

Noong una raw ay ayaw pirmahan ni Guy ang letter of commitment dahil kapag hindi natuloy ang pelikula ay baka sisihin siya at sabihing kasalanan niya. Ipinaliwanag sa aktres na may ganung ruling na ang MMFF at hindi tatanggapin ang isa-submit na script kapag walang letter of commitment mula sa main star. Sa July or August daw ang scheduled shooting ng Reklusyon de Perpetua at sa New York ang location nito.



Ang second movie project ni Guy is to be directed by Mario O’ Hara (Nora’s director in Tatlong Taong Walang Diyos). Wala pang title ang pelikulang ito, pero ang script ay sinulat ni Irma Dimaranan, na siya ring sumulat ng Naglalayag (2004) na pinagbidahan din noon ni Guy. Ang NV Productions ng Superstar ang producer at dito sa Pilipinas kukunan ang pelikula by September. Kung matutuloy, ang pelikula ang magpapauwi kay Guy sa Pilipinas.



May independent producer din na planong i-remake ang Ina Ka Ng Anak Mo (1979), isa sa pinakamagandang pelikula ni Guy na pinagsamahan nila ni Ms. Lolita Rodriguez. Sa update ng movie, ang Superstar na raw ang magpo-portray sa role ni Lolita at si Judy Ann Santos naman ang gaganap sa role ni Guy.



Kung magpu-push through ang update ng Ina Ka Ng Anak Mo, baka next year na ito gawin. If ever, second time na magkakasama sa pelikula sina Guy at Judy Ann. Gumanap din silang mag-ina sa Babae (1997) ng Premiere Productions, kung saan nakasama nila ang yumaong si Nida Blanca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN