John Lloyd Cruz to start shooting for Kanto Boys movie; Angel Locsin to topbill In the Name of Love with Aga Muhlach


After being paired in the fantaserye Imortal, John Lloyd Cruz and Angel Locsin will be busy shooting and promoting different movies. Star Cinema reveals that they are not addressing fans’ clamor for an Imortal movie because they don’t want to "raise false hopes."


Nakatakda na ang pagtatapos ng Imortal sa ika-29 ng Abril. Ito ang kwento nina Lia (Angel Locsin), ang itinakdang Lobo, at Mateo (John Lloyd Cruz), ang itinakdang Bampira. Ito ang isa sa mga primetime shows ng ABS-CBN under Star TV.


(CLICK HERE to read related article)


NEW SHOWS.
Sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Mico del Rosario ng AdProm na marami silang naka-line up na shows ngayon.


"
Mayroong Maria la del Barrio with Erich [Gonzales] and Enchong [Dee]. We’re currently taping. It’s directed by Rory Quintos kasama din si Ai-Ai [delas Alas] na special participation and Angel Aquino. In addition there’s K Brosas."


"
Then we have Atom, we will be making an announcement next week for Atom. Medyo fantasy ito."

Nabanggit din niya ang isa pang pinag-uusapan at inaabangan na programa, ang Alta. "We have Alta starring Gretchen Barretto, Angelica Panganiban, KC Concepcion, Zanjoe Marudo, and Sam Milby."


Ipapakita sa palabas na ito ang magkaibang mundo ng mga alta sociedad o mga miyembro ng high society.


Dagdag pa sa mga palabas na ito ay ang drama-love story starring Bea Alonzo, Robin Padilla. "We have Guns and Roses with Bea, Robin Padilla, Diether Ocampo, saka si Empress, and Ejay Falcon. Drama love story, romance with bit of action, of course, Robin is there."

UPCOMING MOVIES. Ipinagtaka ng lahat ang hindi pagkatuloy ng pelikula na pagtatambalan sana nila Piolo Pascual at Kim Chiu. Nang tanungin ang tungkol sa bagay na ito, simple lamang ang sagot ng Star Cinema, "Not pushing through. You might want to ask Star Magic pero hindi siya tuloy."


Nang alamin naman kung may balak ba silang gawan ng pelikula ang patapos na palabas nila na Imortal, nilinaw ni Mico na sa ngayon ay walang ganoong plano.


"For now wala. Kasi we have been deluged by questions... hindi namin siya ina-address kasi sa ngayon... We just don’t want to raise hopes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Isa sa mga sinasabing dahilan nito ay ang magkaibang planned schedules ng dalawang bida ng palabas, si Angel Locsin at John Lloyd Cruz. Si John Lloyd ay nakatakdang magkaroon ng tour sa America kasama ang iba pang talents ng Star Magic. Si Angel naman ay tatapusin ang last sequences para sa pelikulang In the Name of Love kasama si Aga Muhlach. Nakatakdang ipalabas ito on May 11, 2011.


Bukod dito, si John Lloyd ay gagawa din ng pelikula kasama ang Kanto Boys, ang all-male boy group na kinabibilangan nina Luis Manzano, Billy Crawford at Vhong Navarro. Magsisimula daw si John Lloyd ng taping sa pelikula pagkagaling sa kanyang bakasyon, pagkatapos ng U.S. tour ng Star Magic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN