Dingdong Dantes gets good reviews for his directing debut in "Angels"


Dingdong Dantes is no amateur in film direction. He took a course at the Ateneo de Manila University and has directed several TV shows. He’s ecstatic over the success of the Angels episode "Daddy’s Angel"—his first venture into movie directing.


Sabi ng mga nakapanood sa premiere night ng pelikulang Angels, na first venture ni Angel Locsin in producing movies through her Eagle Eye Productions, ang episode na nagtampok kina Marvin Agustin at Nash Aguas na "Daddy’s Angel" ang nakatanggap ng napakalakas na palakpak sa mga manonood.



Si Dingdong Dantes (na ginamit ang tunay niyang pangalang Jose Dantes III) ang nagdirek ng nasabing episodee. Ito bale ang first directorial job ng young actor sa big screen, having directed several TV shows like Kakabakaba Adventures and some episodes of Encantadia and Atlantika.



A day after the premiere night, humarap sa press si Dingdong at tuwang-tuwa naman ito sa magagandang papuring kanyang inabot. Paano ba naman, pati raw pusang ginamit sa eksena ay napaarte nito.



"Makulit lang ‘yong mga pusa!" tawa ni Dingdong. "May mga araw naman na okay. Kaya there was a time nga na ang daming kalmot ni Marvin. No, hindi ako gumamit ng special effects doon. Talagang ‘yong pusa ‘yon.

"Kumuha kami ng tatlong pusang pare-pareho ang kulay. Kaya pag medyo may sumpong ang isa, may naka-stand-by. Napa-pacify naman namin. At nakisama naman dun sa mismong eksenang kailangang ganoon ang maging arte niya. Kaya sabi ko nga, ang angel ko naman sa pelikulang ito, e, ang pusang ginamit namin dahil nakadagdag siya sa emosyon ng istorya."



Tuluy-tuloy na ba ang pagdidirek ni Dingdong?



"Hindi naman," sagot niya. "Although I took up film directing [major in film and TV production] sa Ateneo, I still have a year to go to get my diploma. Iyong sa Film, tapos ko na ang course ko. Meron na lang natitira.



"I was able naman to use what I have learned dahil nauna kong ginawa ang pagdidirek on television sa Kakabakaba, then sa Encantadia, and then sa Atlantika. I would say na first love ko pa rin ang pag-aartista. At alam ko rin na marami pa rin akong kailangang i-explore sa craft ko. Directing can wait.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung meron lang talaga sigurong proyektong gaya nitong Angels, na nagustuhan ko na agad ang script nang ipadala sa akin, gagawin ko pa rin. Hindi nga lang magiging hectic gaya ng pag-aartista. Dahil sa craft ko bilang aktor, parang there’s not much time left," paliwanag ni Dingdong.



Nasa plano ba ni Dingdong na idirek sa pelikula ang kanyang girlfriend na si Karylle?



"Why not?" sagot niya. "Nagawa ko na sa TV, so hindi malayong mangyari rin sa movies. Iyon, e, kung gusto rin niya. Sa pagiging direktor ko naman, full support naman ang ibinigay sa akin ni Kaye.

"Like, when I had to decide sa magiging ending ng istorya ng pelikula ko, nagtanung-tanong din ako sa mga kaibigan at kakilala ko kung ano ‘yong sa akala nila na maging ending ng istorya ko. Nanghingi ako ng different opinions. Nagbigay din naman ng input si Kaye. Pero ang sinabi niya sa akin, kung ano raw ang nararamdaman ng puso ko, ‘yon ang sundin ko," kuwento ni Dingdong.



Muli ring pinabulaanan ni Dingdong ang mga balitang nagkakalabuan sila ni Karylle.



"We just celebrated our second anniversary noong April 3. Wala kaming problema," paniniguro niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN