Maricel Soriano did "Paraiso" for free to boost Gawad Kalinga cause


"Wala nga akong talent fee, pero ang luwag-luwag sa dibdib ko. Magaan sa kalooban ko ang pagtatrabaho," says Maricel Soriano about working for free in an episode of the movie Paraiso.


Divine intervention para sa Diamond Star na si Maricel Soriano ang pagtanggap niya ng episode na "Umiyak Man Ang Langit" sa pelikulang Paraiso: Tatlong Kuwento ng Pag-asa, produced ng APT Productions ni Mr. Tony Tuviera for Gawad Kalinga.

Natawa muna si Maricel sa press con ng movie sa Cibo Restaurant sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City, kahapon, June 20, nang tanungin siya kung bakit niya tinanggap ang project kahit wala siyang talent fee.


"Noong una, tinanong ko pa kung ano ang Gawad Kalinga dahil wala naman akong kaalam-alam talaga kung ano ’yon. Si Tatay [Tony Tuviera] ang nag-explain sa akin kung ano ‘yon," nakangiting sagot ni Maricel sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ikinuwento pa ni Maricel na noong nabasa niya raw ang script ng "Umiyak Man ang Langit" ay namugot ang mata niya sa kakaiyak.

"Naramdaman ko as a mother ang feeling ni Jocelyn Llorente matapos matabunan ng landslide ang bahay nila sa Liloan, Leyte, at nawalan din siya ng isang anak. Ito ang dahilan kaya tinanggap ko ang project at hindi nga ako nagpabayad ng talent fee.

"Wala nga akong talent fee, pero ang luwag-luwag sa dibdib ko. Magaan sa kalooban ko ang pagtatrabaho. Naisip ko na noong araw, binabayaran na nga ako, tinotopak pa ako at nagrereklamo. Pero dito, wala akong reklamo.

"Alam naman ninyong ayoko ng putik. Pero dito, puro putik talaga ako dahil na-trap nga kami ng landslide. Nag-try nga silang hindi talagang putik ang gamitin sa akin, pero ako na ang nagsabi na totoong putik na ang gamitin dahil nahahalata na iba ang kulay ko. Natawa na lang ako na pagkatapos ng eksena, sinabi kong basain nila dahil naninigas ako, hindi ako makakilos dahil tumigas na ang putik.

"For a good cause, doon napapatunayan na gumagalaw talaga ang Diyos sa pamamagitan ko at ng mga kasama ko sa pelikula. Kaya ang hiling ko na lang ay panoorin sana ito ng mga kababayan natin simula sa July 4. Ang ibabayad nila sa sinehan, makatutulong iyon para madagdagan ang pondo ng Gawad Kalinga at makapagpatayo pa ng maraming bahay para sa mga less fortunate nating mga kababayan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento rin ng Diamond Star na um-attend siya ng premiere night ng Paraiso sa Los Angeles, California. Na-touch daw siya dahil pagkatapos ng screening ay binigyan ng standing ovation ng mga nakapanood ang pelikula. Higit pa rito ay nakapag-uwi rin daw ang Gawad Kalinga ng mahigit $200,000 mula sa ticket sales and donations mula sa mga Pinoy roon.

Samantala, tinanong din ng PEP si Maricel kung ano ang feeling niya na malapit na siyang maging lola dahil sa nalalapit na panganganak ng pamangkin niyang si Meryll Soriano.

"Excited na rin dahil first baby," sagot naman ng aktres. "Sa September pa siya magsisilang ng baby boy. Pero siyempre, nariyan naman ang nanay niya, si Ate Bec-Bec, mas excited ’yon."

As for her lovelife, hindi raw niya ito hinahanap. Kung mayroon daw ibibigay si Lord, tatanggapin niya.

Bigay rin daw ni Lord ang sunud-sunod na projects niya. Two shooting days na lang daw siya sa first movie nila together ni Aga Muhlach, ang Love Affair (tentative title) ng Star Cinema under the direction of Maryo J. de los Reyes. Sa August na raw ang playdate nito.

Sinabi na rin daw ng manager ni Maricel na si Wyngard Tracy na may gagawin siyang movie for the 2007 Metro Manila Film Festival, ang Bahay Kubo ng Regal Entertainment, na ididirek ni Joel Lamangan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN