Rayver Cruz comments on the sexy image of his girlfriend Cristine Reyes


The suspense-horror film Tumbok is topbilled by (top frame, from left) Ryan Eigenmann, Cristine Reyes and Carlo Aquino. Cristine’s boyfriend, Rayver Cruz (bottom frame), was present during the May 3 premiere night of Tumbok. As of April 29, Cristine was in third place in the partial poll for FHM’s 100 Sexiest Women.


Dinumog ng mga fans ang premiere night ng Tumbok noong Martes (May 3) sa SM Megamall Cinema 10 upang makita ang mga bida ng pelikula na sina Cristine Reyes, Carlo Aquino at Ryan Eigenmann.


Handog ito ng Viva Films sa ilalim ng direksiyon ni Direk Topel Lee. Ang suspense-horror movie na ito ay graded B ng Movie and Television Review and Classification Board. Kasalukuyan itong pinapalabas sa mga sinehan.


(CLICK HERE to read PEP’s review of this horror film)


Sina Ryan at Carlo ang kasama ni Cristine sa paglalakad sa red carpet. Hindi man sabay sa red carpet, magkasama naman sina Cristine at ang kanyang boyfriend na si Rayver sa loob ng sinehan at maging sa cast party pagkatapos ng screening.

Dumalo rin nang gabing iyon ang kasintahan ni Carlo Aquino na si Kristine Nieto ng all-girls singing group na Eurasia. Sabay-sabay na rumampa sa red carpet sina LJ Moreno, Ana Capri at Ara Mina, na pare-parehong may cameo role sa nasabing pelikula.

Bagamat maliit lang ang role ng kapatid ni Cristine na si Ara Mina, buong giliw na pinalakpakan ng mga manonood ang performance ni Ara Mina.

Nagkaroon ang PEP.ph nang pagkakataon na makapanayam si Ara Mina sa cast party ng Tumbok.


Ano ang masasabi mo sa performance ng kapatid mo sa pelikula?


Ara: "Nagugulat ako, kasi pag tumitingin ako sa screen, akala ko ako siya. Naaalala ko yung mga movies ko noon. The way I act, the way I portray the character. Nakikita ko yung sarili ko sa kanya. Minsan nga pag nakikita ko yung pictures n’ya sa mga dyaryo kala ko ako, ’Ay! Si AA [palayaw ni Cristine] pala ito’.

"Tinatanong ko nga sarili ko, naging role model ba ako ni Cristine pagdating sa acting? At least naga-guide siya in a way. Si Cristine, the way I see her, nagma-mature na siya ngayon. Tahimik na buhay nya ngayon, pati lovelife niya tahimik na at mukhang masaya siya with Rayver."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natuwa ka ba nang palakpakan ng mga viewers ang performance mo sa movie?


Ara: "Siguro na miss lang nila ako na lumabas uli sa pelikula. Maraming salamat sa pag-appreciate ng acting ko kahit maikli lang ang role ko rito sa Tumbok."

Nakuhanan rin nang PEP.ph si Rayver Cruz ng pahayag hinggil sa reaksyon niya sa performance ng kanyang girlfriend sa Tumbok.

Ano ang masasabi mo sa pelikula ni Cristine Reyes?


Rayver: "Ayun, nakakatakot! Ang galing nilang lahat. In fairness, natakot ako sa movie. Saka nakakagulat. Ang galing-galing ni Direk Topel. Kitang-kita naman sa reaction ng mga tao sa loob ng sinehan kung paano sila nagulat sa movie. Congratulations sa lahat ng staff at cast ng movie, lalo na kay Cristine, ang galing niya!"

Anong masasabi mo doon sa love scene nina Cristine at Carlo? Di ka ba nagselos or nag-react sa eksena nila?


Rayver: "Kissing scene lang naman, ’saka wala sa kin yun. Kahit mas marami pa run okay lang sa kin kasi trabaho lang naman yun, wala namang dapat pagselosan dun."

Bakit di mo sinamahan si Cristine sa paglalakad sa red carpet?


Rayver: "Siyempre naman dapat ang escort niya sina Ryan Eigenmann at Carlo Aquino dahil pelikula nila yun. Ang importante ay nandito ako para suportahan si Cristine."

Noong naging kayo na ba ni Cristine ay nagkaroon na ba ng limitasyon ang pagpapasexy ni Cristine?

Rayver: "Wala, wala! Wala akong pinakikialaman sa work niya. Kung ano man yung mga desisyon niya sinusuporatan ko lang yun. Ganun di naman siya sa akin. Di naman kami mahigpit sa isa’t isa."

Anong masasabi mo na 3rd daw ngayon si Cristine sa partial poll ng FHM 100 Sexiest Women?


Rayver: "Nakakatuwa kasi sexy naman talaga si Cristine, e. Di naman nakakapagtaka yun. Nag-Number 1 na nga siya noon, di ba?

Ano ang reaksyon mo kung bansagan si Cristine na ’sex symbol’ dahil sa pagiging sexy niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Rayver: "Hindi naman! Hindi naman! Sa tingin ko hindi naman. Kahit siya alam niya yung limitation niya. At yung pagpapasexy niya hindi naman yung sobrang sagwa."


Napapansin namin na medyo ni-lilimitahan na yata ni Cristine ang pagtanggap ng mga sexy role pati mga pananamit n’ya medyo conservative na. Dahil ba pinag-uusapan n’yo yun?


Rayver: "Wala akong kinalalaman doon, ah. Desisyon niya lahat yun."

Pero mas masaya ka ba nang ganun na, di na siya masyadong nagpapa-sexy sa screen?


Rayver: "Siyempre! Pero lahat naman ng gagawin niya okay lang talaga sa akin. Di ko pinakikialam yun basta trabaho niya."

Botong boto daw si Ara Mina sa ’yo? Anong masasabi mo?


"Ang galing! Close kaya kami nun."

Nakausap din namin si Cristine.


Ano ang pakiramdam mo sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa pelikula?


Cristine: "Sobrang happy ako, so far, feeling ko naman halos lahat naman ng mga nanood ng premiere night ay nagandahan, natakot sila at sigawan sila nang sigawan mula umpisa hanggang sa dulo. Kahit ako rin, napasigaw din. Sobrang happy ako sa outcome ng movie namin. Maraming salamat sa lahat ng staff. Napakagaling ni Direk Topel."

Napapansin namin na medyo nililimitahan mo na yung pagpapa-sexy ngayon? Meron ba kayong usapan ni Rayver na limitahan mo na yung pagpapa-sexy mo?


Cristine: "No, wala! Sariling desisyon ko yun at desisyon din ng management."

Anong masasabi mo na ikatlo ka raw sa partial poll ng FHM 100 Sexiest Women ngayong taon?


Cristine: "Maraming salamat kasi hanggang ngayon nandun pa rin ako at hindi ako nawawala. Maraming salamat sa mga bumoboto."


As of April 29, ang top contender ay si Marian Rivera samantalang si Angel Locsin ay nasa second place.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN