Model-actors Daniel Matsunaga, JC Tiuseco, Ervic Vijandre, Ian Batherson, and Fabio Ide are now Regal Babies


Daniel Matsunaga, Ian Batherson, Ervic Vijandre, JC Tiuseco, and Fabio Ide are the newest Regal Babies. Present at their contract signing at the Imperial Palace Suites last night, May 12, were Regal matriarch Lily Monteverde and Mercator Talent Agency boss Jonas Gaffud.


"Regal’s Desirable Men" ang bansag sa bagong contract stars ng Regal Entertainment na sina Daniel Matsunaga, JC Tiuseco, Ervic Vijandre, Ian Batherson, at Fabio Ide.

Ginanap ang contract signing ng limang bagong Regal Babies kagabi, May 12, sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa may Tomas Morato, Quezon City.

Present sa contract signing ang matriarch ng Regal Entertainment na si Mother Lily Monteverde at ang manager ng limang hunky model-actors na si Jonas Gaffud.

Bago ang contract signing at presscon proper ay rumampa muna ang limang bagong Regal Babies.

Isa-isa silang lumabas na naka-tight-fitting white shirt at jeans.

Pagkatapos ay bumalik sila na walang suot na pang-itaas kaya naman tuwang-tuwa ang ilan sa press nang makita ang naglalakihang katawan ng lima. Maging si Mother Lily ay panay ang palakpak at sigaw nang lumabas ang bago niyang contract stars na topless.

Sa huling pagrampa ng lima ay naka-coat na sila.

Ibinuko ng emcee noong gabing ’yon na si Jun Nardo na ang nagdirek ng mini-fasion show ay walang iba kundi si Mother Lily mismo.

NEW REGAL BABIES. Sina Daniel, JC, Ervic, Ian, at Fabio ay pare-parehong models ng Mercator Talent Agency at lahat sila ay lumalabas din sa GMA-7.

Si Daniel, 22, ay Brazilian-Japanese model. Two years na siyang nasa Pilipinas at isang taon na siyang gumagawa ng soaps sa Kapuso network. Ilan sa mga naging shows niya ay The Last Prince, Langit sa Piling Mo, Machete, at Grazilda.

Si JC, 23, ay dating varsity basketball player ng San Sebastian College at nagsimula rin bilang model. Sumali siya sa unang season ng Survivor Philippines kunsaan siya ang itinanghal na Sole Survivor. Pagkatapos nito ay nabigyan na siya ng acting projects sa GMA-7, kabilang ang Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin, Langit sa Piling Mo, Sana Ngayong Pasko, at ang upcoming afternoon soap na Sisid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ervic, 24, ay dati ring basketball player at model. Sumali siya sa Survivor Philippines Celebrity Showdown kunsaan umabot siya hanggang sa finals. Ang unang acting project niya ay ang currently airing na Captain Barbell.

Si Ian, 22, ay half-Filipino, half-British na lumaki sa U.S. Taga-Naga ang kanyang ina. Nagsimula bilang commercial model, sumali siya sa artista search na StarStruck V at sa reality show na Survivor Philippines Celebrity Showdown. Kasama rin siya sa afternoon soap na Sisid.

Si Fabio, 24, ay half-Brazilian, half-Spanish na ipinanganak sa Brazil. Nag-aral siya noon para maging lawyer sana, pero hindi niya ito nagustuhan. Pitong taon na siyang nagmo-model at noong isang taon ay pinasok niya ang mundo ng showbiz. May tatlong shows siya ngayon sa GMA-7—Comedy Bar, Tweetbiz, at ang upcoming comedy series na Andres de Saya.

Maliban kay Daniel, na boyfriend ng aktres na si Heart Evangelista, lahat daw sila ay single ngayon.

Pero si Ervic ay naging boyfriend ni Marian Rivera, at si JC naman ay rumored ex-boyfriend ni Maxene Magalona.

Samantalang si Fabio ay nali-link ngayon kay Rufa Mae Quinto, pero sinabi niyang magkaibigan lamang sila.

QUESTIONS FROM THE PRESS. Pagkatapos ng contract signing ay tinanong na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang invited press ang "Desirable Men" ng Regal.

Ano ang feeling na ngayon ay under contract na sila ng Regal Films?

Daniel: "Siguradong-siguradong masaya ako ngayong may bagong assignment with Regal. It was really, really nice meeting Mama Lily and Roselle..." (Nag-react naman si Mother Lily sa pagtawag sa kanya ni Daniel ng "Mama" at napasabing, "He calls me Mama!")

Ian: "Sobrang excited na ako ’tsaka nagpapasalamat ako kay Mother Lily, kasi sobrang excited ako to be part of Regal Films family. Basta positive vibes. Yun lang, sobrang excited lang ako."

Ervic: "Gusto ko pong magpasalamat sa manager ko, kay Jonas Gaffud. Kung hindi po dahil sa kanya, wala po ako dito. Siyempre po kay Mother Lily. Mother Lily, maraming salamat po sa chance, sa opportunity na ’to. Kay Ms. Roselle... Sana po magawa po namin nang maayos yung projects na ibibigay sa amin ni Mother."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JC: "I’m honored to be part of Regal family. Thank you to Mother Lily for giving us a break. Thank you to our manager, Jonas Gaffud... Siyempre super-excited for the upcoming projects na magagawa namin."

Fabio: "I would also like to say maraming salamat, Mother Lily, Ms. Roselle, to Jonas our manager. Salamat po kasi nabigyan ako ng bagong opportunity, so magandang experience ito para sa akin. Siyempre looking forward to working with Regal Films. I’m sure it’s gonna be a lot of fun."

Lumaki sina Daniel at Fabio sa Brazil, samantalang si Ian naman ay lumaki sa Amerika. Ngayong pinasok na nila ang showbiz dito sa Pilipinas, importante na matuto silang magsalita ng Tagalog. Ano ang ginagawa nila para mahasa nang husto ang pagta-Tagalog nila?

Daniel: "Ngayon, naiintindihan ko lahat. May class ako tatlong oras araw-araw sa school, hindi ako meron tutor. Ngayon, I’m really working to study and learn as much as I can, to learn Tagalog. Para yung bagong project ko, mas magaling magsalita."

Ian: "Nahihirapan pa po ako sa Tagalog accent kasi taga-U.S. ako. Pero palagi kaming nagta-Tagalog ng nanay ko. ’Tsaka palagi akong pinapanoorin yung mga bagong Filipino movies, ’tsaka nagbabasa ako ng Filipino komiks. Tapos may teleserye ako ngayon, Sisid, kasama ko si JC Tiuseco. So, parang, it helped me talaga."

Fabio: "Meron akong teacher na nagtutro sa akin ng Tagalog... So, gusto ko magsalita ng Tagalog. Para mas mabilis matuto, siyempre sa shows ko, I really try to make an effort to speak Tagalog para mas mabilis matuto. Gusto ko maging magaling na artista dito, di ba, saka gusto ko mag-stay ng mas matagal dito, ’tsaka matuto ng maraming bagay, gaya ng Tagalog, gano’n. So, very, very slowly... Sobrang mahirap!"

Sa ngayon ay limited roles pa ang maibibigay kina Daniel at Fabio dahil hirap pa silang magsalita ng Tagalog. Bukod dito, ang pangunahing bentahe nila ay ang kanilang kaguwapuhan at magandang pangangatawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero pagtagal ay tiyak na pagsasawaan na rin ito ng mga manonood at posibleng may mga bagong mukha nang papasok. Kaya ano ang mga paghahandang ginagawa nila para masiguro na magtatagal sila sa showbiz?

Daniel: "Siyempre ano, gusto namin always perform ng Tagalog. Jonas, he always has somebody to teach us how to perform, to actually act better.

"Of course it depends on the experience na lang. Of course, everybody starts from the beginning. For sure, slowly, we will perform much better.

"So, ngayon, we’re really doing the best effort to learn Tagalog... We are here to learn."

Fabio: Siyempre yung pinakaimportante muna yung Tagalog. Kailangan kong magsalita ng Tagalog.

"Siyempre yung acting workshop, I think that’s one of the most important things. Pero I think doing the shows, especially sa taping namin, we are learning a lot... Not just acting—singing lessons, dancing lessons.

"Of course, we work out a lot para maganda yung katawan namin... I think slowly we can get all the skills and then we can improve as an actor. Of course, depende yung roles na binibigay sa amin and we will gonna try to study for the role...

"Pero I think yung pinakaimportante muna yung Tagalog."

Willing ba silang magpa-sexy at hanggang saan ang kaya nilang ipakita?

JC: "Topless? No nudity. Siguro hanggang sa kung ano ang makikita n’yo sa Sisid. Medyo sexy na yung suot ko do’n. So, abangan n’yo na lang siguro."

Ervic: "Ako po, siguro kung ano ang ibigay sa akin, magpapasalamat po ako sa ibinigay sa akin. Malaking pasasalamat na po.

"Kung hanggang saan po yung pagpapa-sexy, siguro pag nandun na po tayo saka natin malalaman. Depende po sa manager ko ’yon kung hanggang saan siya papayag para sa akin."

Ian: "Depende po sa role ko, pero kaya ko po yun lahat... Sa Sisid, hindi po. Hindi naman masyado kasi mayaman yung role."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Daniel: "Alam ko si Heart, bawal. Pero everything’s up to my manager, Jonas. I’m sure we will have a very good relationship with Regal. So, kung may sexy scenes, you know, it’s really up to them to decide. Pero alam niya kung ano gusto ko."

Fabio: "As Mother Lily said kanina, negotiable! No, joke lang. Siyempre depende, kasi kung topless, okay naman.

"Pero it really depends on the role, you know. Like your character, if it really has to do something like more sexy, of course you have to talk about it. Pero I don’t know, siguro."

Paano napadpad sina Daniel at Fabio sa Pilipinas, at bakit gusto nila mag-stay dito?

Fabio: "Pumunta ako dito first time, 2006. Pero una as a model. And then I’ve been coming back and forth since 2006.

"And then ever since I stayed in the Philippines, sobrang gusto ko talaga dito. Kasi yung mga tao sobrang mabait, super mabait. Saka yung pagkain, sobrang masarap, yung weather...everything, like pareho.

"Of all the places I’ve traveled as a model, dito yung pinakapareho sa Brazil—the culture, everybody is Catholic, the food is good... We can have such a great life here, lifestyle here, being happy kung without so much money.

"And siyempre, this is the place where they gave me the opportunity to go to the next level in my career. So I really decided to stay here for good, and also my ex-girlfriend was a Filipina so that helped me a lot to always come back and come back...

(Ang ex-girlfriend ni Fabio ay ang 2006 Bb. Pilipinas-Universe na si Lia Andrea Ramos.)

"Bago na ’to for me, nabigyan ako ng bagong opportunity... I really don’t know when I will leave kasi masaya ako dito."

Daniel: "I think Fabio said everything already... I’ve been traveling [as a model] for almost seven years, I started really young. And I’ve been modeling to more than 20 countries already and have been given a lot of opportunities everywhere.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero since I got here, I saw different culture... I found Heart dito. Also meron akong kapatid dito, si Vanessa Matsunaga. So, may asawa siya, Filipino.

"Being here is amazing just like Brazil, as Fabio said. And we have great opportunities to do showbiz... Maraming bagong experience ngayon, so gusto ko talaga."

Sino ang sexiest local actress para sa kanila?

Fabio: "Solenn Heussaff."

JC: "Solenn Heussaff."

Ervic: "Iza Calzado."

Ian: "Rhian Ramos... I think Solenn too, she’s hot."

Daniel: "Si Heart po, of course."

Their dream project and dream leading lady?

Fabio: "I’ve been part of two movies already here sa Pilipinas—D’ Survivors and You To Me Are Everything. I’ve been doing a lot of comedies now, nabigyan ako ng maraming comedy shows. So, gusto ko bago yung experience ko... I think I would like to do something like comedy-drama para bagong experience sa akin.

"And I would love to work with Iza Calzado, kasi sa tingin ko siya yung pinakamagaling na artista, sa woman here sa Philippines. And she was the first artista I met in 2006. So, it would be like a dream come true to work with such talented person."

JC: "Siguro sa akin po, something sporty na medyo drama... Kahit naman po sinong partner, okay lang sa akin... Marian [Rivera] siyempre... Baka may magalit sa akin!" (Ang tinutukoy ni JC ay ang katabi niyang si Ervic na ex-boyfriend ni Marian.)

Ervic: "Horror, pang-Regal Shocker... Iza Calzado."

Ian: "Kasi, medyo bago rin sila, if ever we can grow with them, like Solenn saka si Lovi Poe. Maganda sila, ang bait nila, they’re very nice. Saka nagagandahan ako kay Isabel Oli. Gusto ko maging secret agent, pero gusto ko rin ng dramatic para challenging."

Daniel: "Sigurado gusto ko ang bagong pelikula kasama ko si Heart. Dream ko action-war movie, parang Troy... Si Solenn, si Lovi, si Marian."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN