Valerie Concepcion unsure if she can join "Angels" cast in US premiere


Young actress Valerie Concepcion has been granted a US visa, but because of scheduled taping, she is not yet sure if she can join the Angels premiere in the States.


Naaprubahan na ang U.S. visa ng young actress na si Valerie Concepcion. Multiple visa ang ibinigay kay Valerie sa loob ng limang taon.

Alas-siyete y medya pa lang ng umaga last June 28 ay nasa US Embassy na si Valerie, at alas-onse na natapos sa interview at pag-aasikaso ng mga kakailanganin niyang papeles para makapunta sa Amerika next week. May kinalaman ito sa US premiere ng pelikulang Angels ng Eagle Eye Productions.

Sa kabila nito, hindi pa rin sigurado kung makakasama si Valerie sa grupo ng Angels cast—na kinabibilangan din nina Angel Locsin at Jennylyn Mercado, na mga "kapatid" niya sa talent manager na si Becky Aguila.

"Baka po kasi may trabahong masagasaan. Ang alam ko po kasi, may taping kami for Sinasamba Kita ng July 4 and 6. E, ’yun po ’yung mga dates na supposedly ay nasa Amerika kami," paliwanag ni Valerie.

Speaking of Sinasamba Kita, masaya si Valerie dahil sa mataas na ratings ng afternoon Sine Novela nila nina Sheryl Cruz, Carlo Aquino, at Wendell Ramos for GMA-7.

Samantala, hindi rin ikinaila ni Valerie na nag-audition siya for the role of Marimar. Okay lang daw sa kanya kung si Marian Rivera ang napili at hindi siya.

"Okay lang po ‘yon. Siguro may mas magandang projects na nakalaan para sa akin. Besides, sobrang happy nga po ako na part ako ng Sinasamba Kita," sabi ni Valerie.

Hindi rin ikinalungkot ni Valerie na hindi siya napasama sa Top 10 List ng 100 Sexiest Women ng FHM. Nasa 14th place si Valerie.

"Hindi ko nga po ini-expect na magiging Number Fourteen ako," sabi niya. "Kasi po, last time, ang alam ko, nasa Number Forty-four po ako. Kaya nga po nagpapasalamat ako sa mga taong bumoto para sa akin.

"Natutuwa po ako na may kinapuntahang maganda ang paghihirap ko. Kasi po, tiis talaga ako sa pagkain at sa pagda-diet."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Valerie, mas lalo siyang na-inspire ngayon na disiplinahin ang sarili para ma-maintain ang magandang korte ng kanyang katawan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN