Young film director Quark Henares says Rakenrol might be his last movie before going to the U.S.


Young indie film and music video director Quark Henares says he will be going to the U.S. to study a business course. "I will stay there maybe two years... or more. So, this might be the last you’ll see of me," he declares, laughing.


Sa wakas ay maipalalabas na rin ang Rakenrol, ang indie film na idinirek ni Quark Henares, na sinimulan niyang trabahuhin mula pa noong 2005.

"The first draft [of the script] was Feb 2005 and then, first day of shoot was November 2007.

"So, siguro, six years, maybe..?" Tila nanghuhulang banggit ng indie film at music video director sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panayam dito kahapon, June 9 sa Blow-up Babies photo studio sa Serendra, Bonifacio High Street, Taguig City.

Kung isasama nga pati ang paggawa ng script ay lumalabas na six years in the making ang Rakenrol, pero apat na taon lang talaga kung ang pagsu-shoot naman ng mga eksena ang pag-uusapan.

Pero bakit nga ba tumagal nang gano’n ang pelikula niya?

"Um.. because well, maraming ano, e... Like for example, ever since we wrote the script, [siya at ang gitarista ng bandang Sandwich na si Diego Castillo] ano siya, medyo niche.

"I mean, hindi siya art film, I think it’s very, very palatable, feeling ko very digestable film siya. Pero dahil theme niya is rock culture, parang naging resistant.

"So, it really passed through everyone. It was supposed to be Star Cinema, ’tapos naging Viva, ’tapos naging Regal, ’tapos naging Unitel, so it really passed through so many people before finally na, ’O, sige, let’s do it indie with Reality.’

"So, medyo ano siya, long, long process," paliwanag ni Direk Quark.

Reality Films ay ang indie film company na pagmamay-ari ni Dondon Monteverde, anak na lalaki ng Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde.

Hiningan ng PEP ang 29-year-old filmmaker ng kaunting background o summary tungkol sa Rakenrol.

"Best friends si Glaiza [de Castro] and Jason Abalos, their characters are Odie and Irene.

"Na-in love si Odie kay Irene, he started writing songs about her. Narinig ni Irene yung mga songs, hindi niya alam it’s about her, pero dream niya talaga magkabanda. So, sabi niya, ’Oy, gawa tayo ng banda!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So they collect these guys—a barista na former punk and then yung school bully—’tapos nagbuo sila ng band. ’Tapos yun, you follow their misadventures.

"Eventually, Glaiza kinda falls in love with a real rock star who is played by Diether. Super super rockstar, si Jackie Rocha ang name niya, vocalist siya ng Baronmunchausen and, uh, yun, that’s basically the gist of the story."

TRIBUTE TO LOCAL ROCK. Anak si Quark ng beauty surgeon na si Dr. Vicki Belo kay Atom Henares, ang may-ari ng defunct rock radio station na NU 107.

Lumaki sa tunay na rock and roll environment, tribute daw ni Quark sa mga tao sa local rock scene ang Rakenrol. Maging ang mga characters sa pelikula ay inspired ng mga taong nakasalamuha ng young director.

"Lumaki talaga ako sa rock," sabi ni Quark.

"Since 7 years old ako, puro mga bands na ang kasama ko. And I had a band when I was in high school, nag-manage ako, diyan ako nagsimula.

"Nag-start ako directing music videos for bands like Imago, Sugarfree, Itchyworms, and after that... I also have a band, Us-2 Evil-0. I used to host a radio show, kami ng co-writer ko na si Diego.

"So, ano talaga yun, parang yun yung genesis ko. Lumaki ako sa bands and we wanted to make a movie that was a tribute to local rock.

"The characters, they’re a mix of different people.

"Like Jason Abalos’s character was based on the vocalist of the band Ciudad, si Mikey Amistoso. Kasi songwriter siya. Brilliant pero very low key.

"Yung character ni Ketchup [Eusebio], based on yung mga hardcore punk theme.

"And then si Glaiza is more the hipster type, mga tumatambay sa Cubao X, yung mga gano’n. Yung mga younger type of rock crowd. Yung mga ’fashon’, into Lomo [photography]. Parang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then [yung character ni] Diether is also an embodiment of many different rockstars that I cannot name!" sabay tawa ni Direk Quark.

GOING AWAY TO STUDY. Balita rin ni Quark sa PEP, ang Rakenrol ang huli niyang gagawing pelikula bago umalis patungong U.S.

"After this, mag-aaral na ako sa States. Ito na yata ang last film ko.

"Mag-aaral ako ng business."

Tanong ng PEP, mukhang sa kanya na yata ipapatakbo ang mga negosyo ng pamilya nila.

"Yeah, maybe... The empire. Hindi ko alam!" biro ni Quark.

Dadalo lang daw siya muna ng premiere ng Rakenrol sa July 15 at pagkatapos ay aalis na siya sa July 17.

"July 18 ang first day of class ko.

"I will stay there maybe two years... or more. So, this might be the last you’ll see of me!" pagtatapos ng young director.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN