Melai Cantiveros says her boyfriend Jason Francisco is talented in kissing


Soxie Topacio (top frame, rightmost) directs The Adventures of Pureza: Queen of the Riles, which will open on July 13, 2011. This Star Cinema movie stars (top frame, from left) real-life couple Jason Francisco and Melai Cantiveros as well as Gina Pareño. Their co-stars include (bottom frame, from left) Joem Bascon, Bekimon and Bianca Manalo.


Nagkaroon ng presscon ang nalalapit na movie na unang pagbibidahan ni Melai Cantiveros The Adventures of Pureza: Queen of the Riles na directed by Direk Soxy Topacio sa (place). Kasama rin niya sa movie ang kanyang real life sweetheart na si Jason Francisco.


Si Melai ay isang masipag na dalaga na nais iahon ang pamilya niya mula sa kahirapan. Iba’t ibang odd jobs ang ginagawa ni Melai upang kumita.


Si Jason naman ang matalik niyang kaibigan na handang gawin ang lahat para tulungan siya.

KISSING SCENE AT BED SCENE. Napag-usapan sa presscon ang bed scene at halikan na naganap sa mga karakter nina Melai at Jason sa pelikula. Tinanong sa presscon kung ngayon lang ba nagawa ni Melai sa totoong buhay ang mag-bed scene.

"Sa TV po? Kung hindi po ako nag TV po?" nalilitong tanong ni Melai.

Sinundan niya ito ng isa pang tanong: "Kung nag-bed scene po ako sa buhay ko dati? Pero walang TV?"

"Pero siyempre nag-bed scene naman," pabirong sabi niya.

"Pero hindi po talaga, ito ’yong sa movie," nilinaw ni Melai.


Samantala, parang napailing ang kanyang boyfriend na si Jason dahil sa mga kakatawang sagot ni Melai.

Pagkatapos masagot ni Melai ang katanungan, may nagtanong naman sa press kung paano naman kaya hinalikan ni Jason si Melai, paanong klase ng halik? At humingi pa talaga ang mga tao ng sample, kung kaya’t lalong nabalot ng tawanan ang presscon na ginanap kamakailan sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

"Ah, wala namang technique po, Ma’am. Wala. May, may technique ba sa kiss?" tanong ni Jason kay Melai.

Sumang-ayon naman si Melai, "Wala. Talent po niya, talent."

Patuloy na nagtawanan ang press dahil sa mga kuwelang sagot ng Melason.

SUPPORTING CHARACTERS. Ipinaliwanag naman ng ibang kasama sa pelikula ang magiging papel nila sa buhay ni Pureza, tulad nila Joem Bascon at Bekimon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang naging pahayag ni Joem ay, "Bale ako po dito si Gerald Anderson. Ayon, ako ’yong ah...triangle ni Jason kay Melai."

"’Tapos ayon the same time ayon nanggugulo si, hindi naman nanggugulo, nagkasundo kami do’n nila Bianca [Manalo] so ayon po."

Ang magiging papel naman dito ng beauty queen actress na si Bianca Manalo ay isang Brazilian model na tinatawag na Daniella.

Pinaliwag ni Bekimon ang role niya sa comedy film na ito: "Ang pangalan ko po dito ay Zeppy. Ako po ay isang malaking okra—puro po okray, pang-ookray ang ginagawa ko kasi dito kay Melai, ayon po."

NATURAL COMEDIANS. Dahil sa pagiging natural nila Melai at Jason sa pagpapatawa, tinanong din ng mga press kung nag-aadlib din sila paminsan-minsan o kung sumusunod sila sa exact instructions ng kanilang direktor na si Soxie Topacio.

"Sa totoo lang ayon po ’yong gusto talaga naming lahat, napakabait po ni Direk kasi e, kung ano ’yong, ’yong script tinuturo niya po sa ’min pero pagka may gusto kaming idagdag ah parang free lang po kami," sagot ni Jason.

"’Tapos pag nagustuhan ni Direk, e, di approve sa kanya pero pagka medyo OA tapos hindi masyado OA sasabihin naman po niya sa amin, di ba?" biglang tingin kay Melai.

"Pero karamihan talaga do’n mga nag-adlib, adlib kami ’tsaka mas pinapaganda po namin kasi mas maganda ’yong tulungan po para mas mapaganda po ’yong palabas," saad ng aktor.

Sumang-ayon din naman si Melai. "’Yon din po, Ma’am, ’yong parang kumbaga sinasabi ng direktor anong gawin namin pero sobrang bilis namin sa aksyon."

"Sobrang bilis namin do’n, sa isang day namin, nakailang sequence kami, isang blocking lang hanggang June na kami!" pagbibiro ng aktres.

"Kaya parang sobrang happy namin kay Direk kasi kung ano man ’yong sabihin niya, gawin namin at kung meron kaming dadagdag, approve din naman sa kanya," ani Melai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbigay pa ng halimbawa si Jason pagkatapos ng pagsagot ni Melai, "Sinasabi namin sa kanya po na parang ’Direk, puwede po ba naming gawin ’to para mas maganda?’ ok sa kanya."

DIREK SOXY TOPACIO. Napansin ng press na masiyahin ang naturang direktor, na tila parang hindi nagagalit. Nagiging strikto o mainitin din kaya ang ulo niya pagdating na sa trabaho?

"Ah oo naman ha," tugon ng direktor.


"At nagkataon lang na mahaba ’yong pasensya kaso pag meron na ’kong mainit ang ulo, naglalaro lang ako ng pickup sticks," natatawang sabi ni Direk Soxy.

"Ano ’yan, I think it’s ah, my trademark na talagang mahaba ’yong pasensya ko. It will take siguro mga ilang init ng ulo bago ako mag-burst," dagdag pa niya.

"Pagsumigaw ako, nanginginig kasi ako kaya ayoko, ’yong ninenerbyos, ’yong nanginginig ako, so I don’t want to get angry as much as possible," paliwanag niya.

"Pag medyo that intense ako lalayo na ’ko sa set maglalaro ako, mamaya babalik na’ko."


Bukod sa Melason, tampok din sa pelikula sina Bianca Manalo, Bekimon, Joem Bascon, Martin del Rosario, Nico Antonio, and Ms. Gina Pareño.

Mapapanood na ang The Adventures of Pureza: Queen of the Riles simula ngayong Wednesday, July 13, 2011.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN