Melai Cantiveros and Jason Francisco grateful for support shown to The Adventures of Pureza: Queen of the Riles


Jason Francisco and Melai Cantiveros led the cast members who graced the special screening of The Adventures of Pureza: Queen of the Riles held last night, July 12, at the Podium.


Napuno ang maliit na sinehan ng Podium kagabi, July 12, nang ganapin ang special screening ng The Adventures of Pureza: Queen of the Riles, ang pelikulang pinagbibidahan nina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Kumpleto ang cast ng pelikula na sina Ms. Gina Pareño, Bianca Manalo, Martin Del Rosario, Joem Bascon, Bekimon, Nico Antonio, at Bentong. Dumalo rin ang director ng pelikula na si Direk Soxie Topacio. Nandun rin sa red-carpet event si Pokwang na may "cameo role" sa pelikula.

Bukod sa cast members, dumating rin ang mga kaibigang artista nina co-hosts nina Melai and Jason sa noontime show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey! Magkakatabi sina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez at Bianca Gonzales sa upuan kung kaya’t masasabing reunion ito ng tatlong magkakaibigan.



Nagsisimula pa lang ang movie ay biglang humabol ang asawa ni Mariel na si Robin Padilla para manood at sumuporta sa movie nina Melai at Jason.



Ang mga housemates dati nina Melai at Jason sa Pinoy Big Brother Double Up na sina Sam Pinto, Paul Jake Castillo, Tibo Jumalon at Carol Batay ay nakita rin sa Podium para panoorin ang The Adventures of Pureza. Personal na inimbita ni Melai ang Pilipinas Got Talent Season 2 second runner-up, ang magkapatid na bumubuo ng Happy Feet, para mapanuod ang kanilang pelikula. Nandun din ang ilang kasamahan nina Melai at Jason sa comedy show na Banana Split.

Sinuportahan din ng ABS-CBN executives ang unang pelikula na pinagbidahan nina Melai at Jason; present din sa nasabing special screening sina Ms. Linggit Tan, Ms. Malou Santos, Direk Enrico Santos at Direk Olivia Lamasan.

Umaatikabong tilian, sigawan at tawanan ang maririnig habang pinapalabas ang pelikula kagabi. Tuwang tuwa ang mga MELASON fans, lalo na sa puntong maghahalikan kunwari ang real-life couple na sina Melai at Jason.



Pagkatapos ng special screening, nagkaroon ang PEP.ph ng pagkakataon na makapanayam sina Melai at Jason kung ano ang pakiramdam nila na ipapalabas na ang unang pelikula na kanilang pinagbibidahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Para kay Melai, naging mahirap man ang paggawa nila ng pelikula, natuwa naman siya sa kinalabasan ng pelikula.



"Sobrang happy po namin, kasi nakita na namin ang aming sarili sa big screen na kami ang bida. Tuwang tuwa talaga kami sa sarili namin, di namin mapigilan ang tawa namin habang nanonood. Sobrang saya! Naibsan yung pagod namin at effort after naming mapanood yung movie namin. Sobrang na-relieve kami mula sa pagod. Marami ring salamat sa lahat ng mga kaibigan naming artista na sumuporta para panoorin ang aming pelikula. Maging yung mga Melason na patuloy na sumusuporta. Lalo na sa mga ABS-CBN executives na sumuporta sa amin ni Jason."

Natuwa naman si Jason na dumalo sa special screening ang idol niya.

"Siyempre masaya rin ako kasi first time ko na mapanood ang sarili ko sa big screen, ay! Hindi naman pala first time kasi nakasama na kami sa ibang pelikula pero extra lang. Ibig kong sabihin yung talagang pelikula namin na kami yung bida. Nagpapasalamat kami sa lahat ng mga co-stars namin pati mga production staff, kasi maganda yung kinalabasan nung pelikula namin. Kaya sobrang sarap ng pakiramdam namin na nakikita at naririnig naming tumatawa yung mga nanunuod sa pelikula namin. Salamat din sa mga kaibigan namin ana dumalo para sumuporta at nanuod. Lalo na si Idol Robin Padilla na pumunta talaga para suportahan kami."

Nagkaroon din ang PEP ng pagkakataon na makapanayam si Toni Gonzaga para matanong kung ano ang masasabi niya sa pelikula nina Melai at Jason.

"Naku, nakakatuwa, ang galing-galing ni Melai at ni Jason. Iba talaga pag magkasama sila. Nakakatuwa si Melai kasi kayang-kaya niya nang magdala ng isang pelikula. Gustung gusto ko yung mga simpleng hirit ni Melai. Nakakatuwa yung mga eksena nila. After ng pelikula nilang ito, talagang nanininiwala ako na they deserve to have their own full length movie, na follow up for this movie. Kasi siyempre, itong movie na ito ay launching lang nilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nararamdaman ko na masusundan pa ito. Gustung gusto kong makatrabaho ang dalawang ito kasi nakatrabaho ko na sila sa Kokey @ Ako. Ang husay-husay nila, natutuwa ako para sa kanila dahil meron na silang full length na pelikula na para sa kanila. Nakakatuwa si Melai kasi makikita mong talagang binuhos niya yung kanyang husay at puso sa proyektong ito at yun naman ang napanood naming lahat."

Nang tanungin naman si Toni kung ano ang payo na pwede niyang ibigay sa dalawang komedyante, ito ang sinabi ni Toni:

"Tuwang tuwa ako sa kanilang dalawa, dahil napakatotoo nila," ani Toni, isa sa mga hosts ng PBB Double Up. "Saka di sila nagbago mula pa noong una ko silang makasama sa PBB House at lumabas sila sa Bahay ni Kuya hanggang ngayon. Ang advice ko sa kanila, siyempre huwag makakalimot, panatilihin lang nila yung pagmamahal nila sa trabaho at always be open to learn new things."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN