Jolina Magdangal misses chance to promote her new movie "Ouija" on ABS-CBN


Jolina Magdangal echoes the question, "Bakit?" (by Judy Ann Santos) concerning ABS-CBN’s refusal to promote the horror movie Ouija, produced by GMA Films and Viva films.



Nagpahayag na ng kanyang saloobin si Judy Ann Santos tungkol sa hindi pagpayag ng ABS-CBN na mag-promote sila ni Jolina Magdangal ng pelikula nilang Ouija. Ang nasabing horror film na pinagbibidahan nina Juday at Jolens ay co-production ng GMA Films at Viva Films. Si Juday ay talent ng Kapamilya Network samantalang si Jolina naman ay Kapuso, na nanggaling din sa ABS-CBN.

Bagama’t hindi masama ang loob ni Juday ay nagtataka siya kung bakit hindi pumayag ang kanyang home network na mai-promote ang pelikula nila ni Jolina para sa GMA Films. Pumayag kasi noon ang GMA-7 na i-promote ang Paano Kita Iibigin? nina Regine Velasquez at Piolo Pascual ng Star Cinema, film arm ng ABS-CBN, at Viva Films.

Sa pagkakataong ito ay si Jolina naman ang kinuhanan ng reaksiyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa desisyong ito ng kanyang dating home network.

"Ang negative nga, kasi parang feeling ko... Ngayon ko lang nalaman ‘yon. Nagulat kami ni Juday, nagulat kami na sana, naibalita sa amin na may mga ganun palang mga something, para naman napagdiskusyunan na namin, para hindi kami nagugulat ng ganun.

"Tama si Juday, e, may malaking ’Bakit.’ Kasi before nung Ouija, merong magandang nangyari dun sa movie ni Ate Reg [Regine Velasquez] ’tsaka ni Piolo [Pascual]. Pero in a way, parang nakaka-hurt din dahil siyempre, ang pagkakasabi sa amin, nakaplano na, naka-sked na ang bawat guestings [sa ABS-CBN], so nakaka-excite lang sana," nanghihinayang na sabi ni Jolina.

Excited na nga raw sana si Jolina na makitang muli ang Megastar na si Sharon Cuneta at ang mga staff ng Dos na dati niyang kasama sa trabaho. "Pero since may mga ganyan na issue, nakakalungkot lang na hindi pala matutuloy," ani Jolens.

May hinanakit ba si Jolens sa dati niyang istasyon?

"Ayokong lagyan niyan kasi magpo-promote pa kami ng movie, e," sagot niya. "Parang feeling ko, kung maghihinanakit lang ako, baka hindi ko mai-promote...baka puro kalungkutan lang ’yung masabi ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto kong i-enjoy. Kung paano namin in-enjoy ’yung horror movie na ginawa namin, ganun din namin ie-enjoy ’yung pag-promote namin.

"Kung hindi man kami makapag-promote sa ibang channel dito sa Pilipinas, at least happy kami na mapo-promote namin siya sa ibang bansa, sa ilang cities sa U.S.—sa San Diego, Florida, Las Vegas, Chicago, ’tsaka New York. So masaya kami. So huwag nang magpaapekto kung ayaw sa kabila," sabi ni Jolina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN