Dennis Trillo says it’s possible for him to seek revenge just like his character in My Neighbor’s Wife


Dennis Trillo plays Aaron, the husband of Cielo (played by Lovi Poe) in the upcoming sexy drama My Neighbor’s Wife. (CLICK HERE to view photos taken on the set of this movie)


Isang sexy heavy drama ang pinakabagong pelikula ng Regal Films, ang My Neighbor’s Wife, na pagbibidahan nina Dennis Trillo, Lovi Poe, Jake Cuenca at Carla Abellana. Sa pelikulang ito, sina Jake at Carla ang mag-asawa na may anak na lalake samatalang sina Dennis at Lovi ang magkapareha. Magkakaibigan silang apat ngunit magbabago ang lahat dahil sa kataksilan na gagawin ng mga karakter ni Lovi at Jake.



Ang original story na ito ay sinulat at idinerehe ni Jun Lana.

Noong nakaraang Linggo, August 7, dumalaw ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng pelikula sa Kamana Sanctuary Resorts and Spa sa Subic. Natunghayan ng PEP.ph kung gaano kasexy ang mga bida sa pelikulang ito. Kitang-kita ang kasexyhan ng dalawang leading ladies na sina Carla at Lovi suot ang kanilang two-piece swimsuits sa tabi ng swimming pool.



Di rin naman nagpatalo ang dalawang leading men na sina Jake at Dennis na very proud na pinakikita ang kanilang kakisigan habang topless sila at nakasuot ng swimming shorts. Siguradong matutuwa ang lahat ng mga manonood ng pelikulang ito, hindi lamang dahil sa ganda ng istorya kundi dahil sa mga daring scenes ng apat na bida.



Kinunan din nang hapon na iyon ang isa sa mga kissing scenes nina Dennis at Lovi. Mapapanood rin sa teaser ng pelikula na may mga eksena sina Dennis at Lovi na kinunan sa loob ng banyo habang naliligo.


During the break ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph na makapanayam ang isa sa mga bida, si Dennis Trillo.


Ano ang role mo dito sa My Neighbor’s Wife?


"Ang role ko rito, ako rito si Aaron, wife ko rito si Cielo na pagbibidahan ni Lovi Poe. Friend namin dito si Carla at Jake Cuenca, pareho rin silang mag-asawa rito," ani Dennis.

"Basically ang kuwento nito is about the two couples, nagkaroon sila ng affair in both partners, dun sa isang couple. Ang kuwento, medyo magiging kumplikado. Parang may maghihiganti. Ang mangyayari masisira rin ang relasyon nung isang couple. Ganun basically tatakbo yung istorya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang papel ni Aaron dito, siya yung tipo ng lalaking gusto mong ipakilala sa mga magulang mo. Si Jake naman yung lalaking, magimik at maporma. Kabaliktaran naman ako ni Jake. Ako yung lalaking gusto mong pakasalan.

"Meron may pangyayari sa pelikula na biglang mag-360 degrees na mag-turn yung ugali ko dito dahil sa isang nadiskubre ko. Di ko masyadong idetalye para may excitement yung movie at panoorin ng mga manonood. Dito sa karakter ko, marami sigurong makaka-relate, normal na tao lang si Aaron dito, e, pero pag nalaman niyang umaagradyado sa kanya nandun din yung instinct niyang maghiganti. Parang normal na tao na pag natapakan mo, meron siyang gagawin na counter-attact para makabawi at makaganti and I guess maraming makaka-relate."


Posible kayang gawin rin niya ang paghihiganti na ginawa ng kanyang karakter na si Aaron?


"In real life di ko maitatangging magagawa ko rin yun," pag-amin ni Dennis. "Pero kung sakaling mangyari sa akin yung ganun, malamang ganun din yung gagawin ko. Para maramdaman din niya yung sakit.


"Baka! Baka posibleng magawa ko rin yun. Iba kasi talaga yung pinagdaanan nung karakter ko rito kaya napilitan n’ya rin magawa yung ganun.

"Panoorin n’yo yung pelikula para maintindihan n’yo ’tong sinasabi ko na kung ako yung nasa sitwasyon ni Aaron, malamang gagawin ko rin yung ginawa niya. Basta maganda yung istorya nito. Ito yung very normal problem ng mga mag-asawa na hindi pinag uusapan ng mga tao kasi masyadong delicate yung sitwasyon."


Nakaramdam ba siya ng ilang habang ginagawa ang love scenes for this movie?

"Natapos na namin na i-shoot yung ibang love scene. Wala namang ilangang nangyari, kasi nakatrabaho ko naman na sina Lovi at Carla before. Nung first time medyo kinakabahan. May awkward nang kaunti pero pinag- usapan naman namin bago namin gawin yung eksena, saka guided naman kami ni Direk Jun Lana nang maayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He made it a point na walang mababastos at hindi magmumukuhang malaswa yung eksena. Nung pinanood naman namin, natuwa naman kami, kumbaga fixed na yung vision ni Direk, kung ano yung gusto niyang makitang eksena, nakakatuwa naman at nagawa naman namin ng maayos yung mga love scenes."

Gaano ka-daring ang mga eksena mo dito?

"Daring? Hindi naman ganun ka-daring yung eksena namin, hindi naman bold yung pelikula namin, medyo sexy lang siya. Si Jake yata nagpakita ng butt. Ako yata hindi ko kaya yun. Hayaan n’yo si Jake na lang yun.

"Medyo heavy drama siya na may konting sexy, maganda yung kuwento niya. Saka si Direk Jun Lana ang nagdirek, siya rin ang nagsulat kaya alam na alam niya yung buong kuwento. Kabisado niya halos lahat ng eksena na gusto niyang makita kasi nga siya yung nagsulat. Madaling-madali para sa ’min kung paano ma-envision yung mga gusto niyang mangyari."


What made you accept this role?

"Ako kasi yung isang artista na bihirang tumanggi sa trabaho. Nakita ko naman na matindi yung role at hindi pa ako nakakagawa ng ganitong klaseng role. Hindi pa ako nakakagawa ng isang heavy drama na may ganitong setting, na medyo sexy as couple, so first time kong makagawa ng ganun, kaya medyo na-challenge ako sa pelikulang ito."

Paanong pagpapa-sexy ang ginawa mo rito?

"First time kong magsuot sa movie ng swim shorts, hindi naman siya swimming trunks, never akong nagsusuot ng ganun before kahit sa TV, tapos I’m topless. Medyo mahaba lang kaunti sa swimming trunks. Medyo nakakahiya, medyo naalangan ako pero kailangan sa eksena, e. So, I have to do it."

Ipapalabas ang pelikulang My Neighbor’s Wife sa mga sinehan this September 2011.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN