'Reyna' ni Keanna, magre-reyna kaya sa takilya?


The stars of Reyna (L-R) Jayson Gaiza, IC Mendoza, Keanna Reeves, and Diego Llorico gaily invite everyone to watch their comedy film


Nagkaroon ng premiere night noong December 5 ang pelikula ni Keanna Reeves na Reyna under Viva Films sa SM Megamall. Hindi gaya ng ibang pelikula, walang ipinatawag na malaking press con ang pelikulang pinagbibidahan ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition winner.

Idinirehe ng batikang stage director na si Soxy Topacio, ang Reyna ay isang pelikulang sinasabing sumasalamin sa nakakabaliw ngunit nakakaaliw na daigdig ng mga bading sa mundo ng gay beauty contest.

Sa pelikulang ito ay dual role ang ginagampanan ni Keanna—ang laging talunan na pageant candidate na si Ginnifer at ang baklitang si Ivanka La Strada.

Ina naman ni Keanna ang role ng 1979 Miss International na si Melanie Marquez.

Si Eugene Domingo ang kunsintidorang luka-lukang tiyahin ni Keanna na nagtatrabaho bilang waxer sa isang cosmetic clinic.

Kasama rin sa pelikula ang veteran actor-director na si Eddie Garcia, na gumaganap bilang aging gay makeup artist. Nasa cast din mga kilalang artistang sina Paolo Contis, Bobby Andrews, at Manny Castañeda. Nanduun din sina Diego Llorico, Belly Flory, at Pinoy Big Brother 1 ex-housemates Franzen Fajardo and Jason Gainza. Di pahuhuli, nanduun din ang isang batalyong gay beauty contestants.

"Nakakabaliw ang kabaklaan ng Reyna! Lalaki, babae, bading man o hindi ay siguradong gugulong sa kakatawa," sabi ni Direk Soxy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN