Gerald Anderson talks about his upcoming movie with Sarah Geronimo and teleserye with Jessy Mendiola


Gerald Anderson and Sarah Geronimo are already preparing for their second movie together after topbilling Catch Me, I’m in Love.


Matapos ang pagtatambal nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa light romance film na Catch Me, I’m In Love last March, pinaghahandaan na nila ngayon ang isa pang pelikula kunsaan pagsasamahin sila ng Star Cinema.



Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Sarah at Gerald nang i-launch sila bilang endorsers ng isang telecom company sa presscon na ginanap sa 9501 restaurant sa 14th floor, ELJ Bldg sa ABS-CBN compound noong August 11.

Si Gerald ang bagong endorser ng Globe Telecom para sa bagong promo ng company. Nagkuwento si Gerald tungkol sa mga ginagawa niyang proyekto tulad ng movie niya with Sarah at ang upcoming teleserye na Budoy kunsaan makakapareha niya si Jessy Mendiola.

Anong update sa movie ninyo ni Sarah?

"Yung movie namin ni Sarah, under negotiation pa. Meeting-meeting pa, inaayos pa siyempre yung mga schedule ko, of course yung schedule ng Pop Princess [Sarah], alam ko marami pang trips abroad si Sarah. Pero tuloy na tuloy na yun."

Matutuloy na ba ang kissing scene n’yo ni Sarah dito sa second movie n’yo?

Biglang sumigaw at nagbiro si Sarah, "May love scene kami! (sabay tawa) Hindi kissing scene, love scene na! (sabay tawa uli) Hindi, wala! Saka huwag po tayong masyadong mag-rely sa intimate scenes kasi nagwo-work naman kahit walang love scenes or kissing scenes, di ba?"

Dagdag naman ni Gerald:

"Nasa meeting-meeting stage pa yung movie namin kaya siguro in three or four weeks from now, pag tinanong niyo uli kami about our movie ni Sarah, mas marami na kaming maisasagot sa inyo about the movie."

Kamusta ang pagkakaibigan n’yo sa ngayon ni Sarah?

"Alam naman po natin lahat na dun kami ni Sarah naging magkaibigan sa unang movie namin, pero hindi naman ibig sabihin nun na wala na kaming communication after ng movie. Aaminin ko po na naging successful yung movie namin dahil nakita ng mga tao na may chemistry kaming dalawa, pero hindi naman po ibig sabihin na may chemistry kami ay pipilitin na maging kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We’re happy working together at magkaibigan po kami. Tulad po nang sinasabi namin ni Sarah na hayaan lang natin ng ganun, dahan-dahan lang, step by step. Kung darating dun, darating dun. Huwag na po nating pilitin, kumbaga, sobrang saya po namin pag nagkikita, pag may ganitong events, just leave it at that muna."

PREPARING FOR BUDOY. Nakatakda namang gumawa si Gerald ng teleserye para sa ABS-CBN pagkatapos niyang maging bida sa action series na Buhawi Jack.



Ano ang kwento ng Budoy?

"Yun yung pangalan ko dun sa bago kong teleserye, ako si Budoy. It’s a family drama, about friendship, loyalty ng isang tao. Marami kayong matutunan sa teleseryeng ito. Maipapangako ko po na talagang iiyak ang mga manonood, especially sa first pilot week po namin. Madadala kayo sa mga performances ng cast at mga eksena sa teleserye.

"Kasama ko sina Ms. Janice de Belen, Tirso Cruz III, Ms. Zsa Zsa Padilla, Ms. Mylene Dizon, Jessy Mendiola at marami pang iba."

Paano siya nag-prepare para sa role niya dito?

"Marami akong preparation na ginagawa. Dati balbon pa ako, ngayon kita niyo po nag-shave na po ako sa braso, kasi kailangan sa eksena. Nagpapayat ako. Nagbabawas ako ng pagkain tapos tumatakbo po ako. Nag-lose ako ng 10 pounds for this teleserye."


Tungkol saan ang Budoy?

"Ang istorya po nitong Budoy, isip-bata po ako dito, ang pag-iisip ko po dito ay 10 years old, pero ganito pa rin yung katawan ko. Para kay Budoy, wala pong mali para sa kanya, walang mali sa mundo, lagi siyang masaya. Lahat mahal n’ya pero hindi siya tanggap ng mga tao dahil nga iba siya, dahil may diperensya siya. Mentally retarded si Budoy dito."

Nakapag-shoot ka na ba ng kissing scene with Jessy Mendiola para sa TV show?

"Kung may kissing scene kami ni Jessy dito? Meron, pero hindi pa namin na-shoot. Next week pa isu-shoot yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami nang nanliligaw kay Kim Chiu ngayon. Anong reaksyon mo dito?

"Hindi ko na po yun hawak, wala na po akong magagawa dun. Magandang magandang babae si Kim Chiu, dadami at dadami pa ’yang mga manliligaw n’ya and I’m happy for her, she’s very beautiful right now. She’s busy rin ngayon kasi, meron din siyang project ngayon, yung My Binondo Girl, so sana suportahan niyo rin po yung teleserye niyang ito."

May communication ka pa rin ba with Kim? Love mo pa rin ba siya?

"Of course meron pa, nagte-text pa rin po kami. Kung love ko pa rin siya? Oo naman, mahal ko pa rin siya, kung anong klaseng love yun, alam niya naman na lagi akong nandito para sa kanya. I care for her. Pag may problema siya, alam niya naman na nandito ko palagi, kung may kailangan siya sa akin, supportive ako sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN