Derek Ramsay does butt exposure scene in No Other Woman; his character is torn between Anne Curtis and Cristine Reyes


(From left) Anne Curtis, Derek Ramsay, and Cristine Reyes are the lead stars of the Star Cinema-Viva Films co-production titled No Other Woman.


Isang adult movie drama ang handog ng Star Cinema at Viva Films ngayong September, ang No Other Woman.

Ito ay pagbibidahan nina Anne Curtis at Cristine Reyes kasama si Derek Ramsey bilang kanilang leading man. Noong Lunes, August 29, ay nagkaroon ng pictorial ang cast members sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound. Bago magsimula ang pictorial ay nagkaroon ang writer na ito ng pagkakataon na makapanayam sina Anne, Derek, at Cristine.


Si Anne Curtis ang gaganap bilang Cara, isang "modern day" mistress na gugulo sa relasyon ng mag-asawang Ram (Derek Ramsay) at Sharmaine (Cristine Reyes).

Tungkol saan ba ang No Other Woman?


Ani Anne, "No Other Woman is really a story about how people fall in love. Two different love stories. Nandyan yung mistress and the husband, the wife and the husband, the mistress and the wife relationship. Makikita n’yo sa movie na ito how the wife intimated sa mistress at hindi siya gagawa ng eksena o scandal. You will expect sa movie na ito habang nakaupo kayo sa sinehan, siguradong tatanungin n’yo sa sarili nyo na ’Anong susunod na mangyayari, anong gagawin nila?’ Ganun siyang klaseng movie, mae-excite ka sa mga susunod na mangyayari. It ’s all about how they handle the situation na hindi nagiging cheap yung mga eksena. Basta you will see the interaction between the three characters that’s gonna evolve in this movie."

How was it like working on this movie with Derek and Cristine?


Ani Anne, "As far as I know, this the last adult film from Star Cinema and Viva Films for this year. It’s a mixture love story and a mixture of love affair. It is something with depth."

"It’s my second time working with Derek after The Wedding pero very light and charming lang siya. Dito medyo mas serious at mature ang character namin. With Cristine, it’s my first time to work with her, tapos ito kaagad yung eksena namin. Isang mistress at isang wife. I’m very excited nung una ...sabi ko sa sarili ko, kailangan ko yatang mag-prepare physically kasi ang sexy talaga ni Cristine dito, magwo-work out talaga ko para mapantayan ko yung kaseksihan ni Cristine. It’s been a pleasure working with them kasi ang light lang sa set kahit heavy yung mga eksena namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


For Anne, ano ang role mo dito sa pelikula?

"It’s my first time to play an adult role in terms of taking on the life of domesticated life, kasi it’s about married life na may ume-enter na mistress. It’s my first time to tackle this kind of role but that’s exactly the reason why I accepted the movie, kasi it’s something that I’ve never done before in my 14 years in show business, it’s a first time for me. May ibang actress na hindi pa confident or hindi pa ready to accept the role na medyo dark yung life, e, ako ready na ready na ako. Gustong-gusto ko na talaga to do something that is far from my personality, that is far from typical drama.

"That’s why I’m excited to take on the role of Cara, the mistress. Just to make it clear ha, she is not the typical mistress na basta-basta lang na naka-sexy outfit na lumalandi, hindi siya ganun, she’s a modern-day mistress. Hindi niya rin talaga ini-expect na magiging mistress siya, hindi niya nga tinanggap na mistress siya, even though in the bottom of all of it she really is, pero hindi niya talaga tinanggap sa sarili niya na mistress siya. This is a character na it will happen to anyone, hindi mo ginugusto pero pag na-in love ka mangyayari yun to become a mistress, even if you don’t want it."

Ano ang ipakikita ni Anne Curtis sa movie na ito?


"Si Anne Curtis dito is more mature, an adult Anne Curtis. You will see me as an adult actress here, more mature. She is a mature woman of the world. You will see naman in this movie how different yung character ni Cara sa ibang ginawa kong pelikula noon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

For Derek, ano ang role mo dito sa pelikula?


"Ako si Ram dito, isang husband, asawa ko si Sharmaine [Cristine]. Compared to my other movies, my character here is more serious and a lot more mature. In the other movies that I’ve done, I played the other guy, for this is one, I’m the only guy. And I get involved with the two women that I fall in love with. My character here is involved with two people, yung isa nga, yung wife ko nga na si Sharmaine then na involve ako sa isang Cara [Anne] na I give her stuff.

"Ang struggle ko rito ay anong decision ang gagawin ko, sinong pipiliin ko sa dalawa, how do I face the consequences. Makaka relate yung mga manonood sa sitwasyon ko rito. I think this is my first movie na hindi ako namatay. (sabay tawa)

"This is the hardest role I have to portray. Dito sa movie na ito ko inilabas talaga lahat ng attention ko and effort ko to this movie. This is more intense job I’ved done too. "

May butt exposure ka ba dito sa movie na ito?


"There’s a story behind that, hindi ko ini expect, pero sobrang ganda nung kinukunan namin, we were already in the middle of the scene...It has a mind of its own so it came out. Hindi sinasadyang lumabas, e. Insecurity ko yung butt ko, e, masyadong malaki. Sabi nila, ’Derek, it’s there!’ Sabi ko, ’It’s fine! Shoot!’

For Cristine, ano ang role mo dito sa pelikula?


"Ako rito si Sharmaine, wife ni Ram [Derek], simple lang ako, nakapagtapos. Yung family ko naman ay may kaya, pero hindi kami super rich dito, may kaya lang. Mahilig ako mag bake kahit may daddy akong very supportive gusto ko my sarili akong income for myself, I mean ayaw ko ng nasa bahay lang ako, gusto mayroon akong ginagawa. Maasikaso akong wife kay Ram. Hindi ko pinababayaan si Ram dito. Perfect ako rito kung baga. Yun yung role ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako dito yung wife, ako yung victim dito. Makikita rin nila na kahit victim ako rito, tatahimik lang ako, siyempre ipaglalaban mo rin yun minamahal mo. Bilang mag asawa kami ni Ram, tulad ng ibang mag asawa may mga pinagdadaanan kami. Sa character namin dito, makaka relate yung ibang mag asawa lalo na kung bago kayong mag asawa, yung mga pinagdaanan nila bilang mag asawa. Lalo na kung may darating na problema, kung paano maso solve yung problema. Ibang klaseng drama to, it’s a modern drama, hindi yung mga typical drama na napanood natin before."

Magpapatalbugan ng kaseksihan ang mga karakter ni Derek Ramsey, Anne Curtis at Cristine Reyes sa pelikulang No Other Woman. Ipapalabas ito sa mga sinehan this September 2011.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN