Cesar Montano negotiating for two possible Hollywood projects


"Siyempre, dadaan tayo sa tamang proseso. Iba ang kalakaran sa Hollywood, lalo na kung may film role na maganda, hindi ka basta-basta makukuha," says Cesar Montano.



Magpapabalik-balik pa rin si Cesar Montano sa Los Angeles, California, para makipag-meeting sa ilang Hollywood producers doon. Bale dalawang pelikula ang inaasikaso niyang masara, pero hangga’t maari ay ayaw pa niya sanang ipagsabi ang mga ito hangga’t hindi pa siya nakasisiguro.

Pero napilit din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na magbigay ng kaunting impormasyon tungkol sa dalawang possible projects niya sa Hollywood, after ng Hollywood debut niyang The Great Raid.

Ang unang pelikula raw na nine-negotiate niya ay ang Babylon’s Ark. Fifty percent pa lang daw sure si Buboy (palayaw ni Cesar) kung makakasama siya. Maging ang pagsali sa cast ni John Travolta ay hindi pa raw sigurado.



"They are considering John Travolta for the lead role, pero hindi pa ‘yon sigurado talaga. Kahit na ang pagkakasama ko sa cast ay nasa alanganin pa. Siyempre, dadaan tayo sa tamang proseso. Iba ang kalakaran sa Hollywood, lalo na kung may film role na maganda, hindi ka basta-basta makukuha.



"Willing naman akong daanan lahat ‘yan at maghintay dahil hindi lang naman kasi ako ang susubok para sa isang role doon. May mga kinu-consider silang iba. Ipinagdarasal naman namin na sana ay ma-consider ako," sabi ng actor-director.



Ang pangalawang pelikula naman ay kay Cesar daw manggagaling ang storyline. May mga inalok daw siyang mga istorya sa nakausap niyang Hollywood producers at pag-aaralan daw nila ang mga ito. Ito ang dahilan kaya pinababalik si Buboy sa Los Angeles para sa ilang series of meetings at hopefully ay ma-approve ang mga ibinigay niyang mga istorya.



Natutuwa rin si Cesar dahil tapos na ang issue tungkol sa paghihiwalay diumano nila ng asawa niyang si Sunshine Cruz. Nagsalita na sila sa wakas na hindi totoo ang mga balitang kumalat at may mga tao lang daw na gustong sirain ang relasyon nilang mag-asawa.

"Masaya kami ni Shine that it’s over," sabi ni Cesar. "Normal na ulit ang buhay naming mag-asawa. It’s a good thing na nilinaw na namin lahat ‘yan at hindi na namin pinatagal. The next time na may magtsismis ulit na hiwalay kami, mabilis kaming magpapa-interview to deny it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN