PBB hunks Bruce Quebral and Zanjoe Marudo pulled out from "Desperadas"


Pinoy Big Brother ex-housemates Bruce Quebral (left) and Zanjoe Marudo (right) were supposed to play two of the leading men in the 2007 Metro Manila Film Festival entry Depsperadas. But due to schedule problems, the two PBB hunks had to back out.



May pagbabago sa male cast ng Desperadas, ang entry ng Regal Entertainment sa 2007 Metro Manila Film Festival. Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na out na sa cast ang Pinoy Big Brother (PBB) ex-housemates na sina Zanjoe Marudo at Bruce Quebral dahil sa conflict of schedules.



Si Zanjoe sana ang leading man ni Ruffa Gutierrez at si Bruce naman ang basketball player na love interest ni Marian Rivera. As of this writing, pagmi-mitingan pa raw kung sino ang ipapalit sa dalawa. Kailangan ding aprubado ng producer ang papalit sa kanila.



First movie sana ni Bruce ang Desperadas. Six days sana siya kailangang mag-shooting, pero four days lang ang kayang ibigay na schedule ng ABS-CBN and after August 4, hindi na siya puwedeng mag-shooting dahil may national tour ang PBB. Hindi rin siya makakapag-report sa Saturday shooting schedule na importante dahil Saturday lang makukunan nang kumpleto ang buong cast.



Ang toxic schedule din ni Zanjoe ang naging problema kung bakit naalis siya sa cast sa first Regal movie niya. Nadagdagan ang TV show niya, kaya pati ang T-TH-S shooting sked niya ay nasagasaan.



Hinahabol ng Regal ang deadline ng MMFF at hindi na mahintay si Zanjoe, kaya nag-decide ang Regal at si Direk Joel Lamangan na palitan na sina Zanjoe at Bruce. Sina Wendell Ramos at TJ Trinidad ang dalawa pa sa leading men ng pelikula, kung saan kasama rin sina Rufa Mae Quinto at Iza Calzado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN