Former PBB housemate Princess Manzon says about kissing scene with Piolo Pascual: "Walang personal gain for me."


Princess Manzon arrived solo at the fifth Star Magic Ball last September 3 at the Manila Peninsula Hotel. The former reality show contestant is part of two movies: Regal Films’ My Neighbor’s Wife and the Piolo Pascual-Angelica Panganiban starrer from Star Cinema.


Isa si Princess Manzon sa mga makukulay na karakter sa Pinoy Big Brother Double Up edition noon.

Maaga siyang nag-voluntary exit mula sa reality show dahil sa hindi pagkakaunawaan sa ibang housemates.

Humupa naman agad ito bago siya lumabas sa bahay ni Kuya at ngayon, halos dalawang taon makalipas ang kanilang PBB season ay nananatili silang magkakaibigan ng mga ka-batch nila.

Katunayan, noong September 3 sa Star Magic Ball 2011 ay nagkita silang muli nina Melai Cantiveros, Jason Francisco at Paul Jake Castillo na siyang nakasabayan niya sa naturang programa.

Nananatili ring aktibo sa showbiz si Princess. Bagamat walang regular show ay paminsan-minsan siyang lumalabas sa telebisyon o pelikula bilang guest.

Sa katunayan ay bahagi siya ng pelikulang My Neighbor’s Wife na pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Dennis Trillo, Carla Abellana at Lovi Poe.

Kasama rin siya sa cast ng upcoming movie nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban under Star Cinema.

Ang role niya dito ay, "Just, you know, sexy girl na dumaan lang but they’ll be surprised because I had a kissing scene with Piolo in the first part of the movie; if they did not change the script. So, I’m excited for that."

Hindi kaila kay Princess na napaka-swerte niya dahil nabigyan siya ng oportunidad na makatrabaho ang isang sikat at mahusay na aktor tulad ni Piolo.

Bukod dito ay nahalikan pa niya ang aktor sa labi na tiyak na kaiinggitan ng sinumang humahanga sa aktor.

Ano ang naging pakiramdam niya nang mahalikan si Piolo?

"Well, with a kissing scene kasi you can’t expect anything from it because it’s all work.

"You think about the camera and the angles and everyone in the room so walang personal gain for me. If not, it’s just for the art."

Humanga naman si Princess sa pagiging professional ni Piolo sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "He’s really nice. He’s very quiet. He’d really earn your respect."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN