Iza Calzado bags her original role in Hollywood's "The Echo"


Iza Calzado makes her Hollywood debut via the remake of the Filipino horror film Sigaw. Iza will reprise her role as a ghost in The Echo, to be directed by Sigaw’s original director, Yam Laranas. Iza will co-star with Hollywood actor Jesse Bradford.



Tuwang-tuwa si Iza Calzado habang ibinabalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na siya pa rin ang gaganap sa original role niya para sa Hollywood remake ng Sigaw. Sinigurado na sa kanya ni direktor Yam Laranas na siya ang napiling gumanap sa multong character sa The Echo, the same character na ginampanan niya sa Sigaw.

Tuesday ng tanghali, July 17, wala pang kaalam-alam si Iza—na humarap sa mga publicists ng kanilang soap ni Sunshine Dizon sa GMA-7 na Impostora—na napasakanya na pala ang role na inaasam-asam niyang gawin.

Sa pakikipag-usap ng PEP sa kanya, Iza stressed what she said during the presscon of Ouija last week, na hindi niya sinabing mag-a-audition siya for the role. But since wala pa rin naman daw naka-cast, ang sinabi niya ay sana mapag-audition siya.

Tanghali ng Miyerkules, July 18, nalaman ni Iza ang balita na siya ang napili ng Hollywood producers ng The Echo na gumanap sa dati niyang role. Mismong si Direk Yam, who will also direct the Hollywood version starring Jesse Bradford, ang nagsabi kay Iza ng napakagandang balita.

"Sure na po," sagot ni Iza sa tanong ng PEP sa kanya sa text kung nakuha na niya nga ang role.

"Direk Yam was the first one who told me," pahabol niya.

Mid-August aalis si Iza patungong Toronto, Canada, para sa shooting ng The Echo.

"I still have Impostora. Salamat naman po, pinayagan akong umalis ng GMA. Napakabait ni God," sabi pa ni Iza.

Umaasa rin si Iza na maayos ang schedule niya dahil bukod sa Impostora ay mayroon pa siyang isang committment for Regal Entertainment’s Desperadas na entry sa 207 Metro Manila Film Festival. Nakapagsimula na ring mag-shoot ni Iza for the said movie.

"Wala pa pong details but I’ll be back in time to finish Desperadas. I think maayos naman po lahat ’yan," sabi ni Iza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-promise siya that when she gets the final details of her schedule ay ibabalita niya rin sa PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN