No Other Woman stars receive bonus; Direk Ruel Bayani says Anne Curtis has the same spirit as Vilma Santos


(L-R) Cristine Reyes, Derek Ramsay and Anne Curtis are the lead stars of the Star Cinema-Viva Films co-production No Other Woman.


"Unpredictable and unexpected." Ito ang description ni Direk Ruel Bayani sa kanilang movie na No Other Woman na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Derek Ramsey at Cristine Reyes. Sa unang limang araw ng movie ay kumita ito nang halos P100 million, ayon sa Star Cinema na siyang nag-co-produce nito kasama ang Viva Films. Bagama’t hindi natuloy ang naka-schedule na premiere night nito noong September 27 dahil sa bagyong Pedring ay pinilahan pa rin ito ng mga manunuod sa unang araw nito kinabukasan.


Ayon sa Star Cinema, nalampasan na ng No Other Woman ang kinita ng Catch Me...I’m in Love, ang pelikula nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo na nagtala ng box-office gross na P133 million. Kumita na daw ng P130 million ang No Other Woman as of October 5, 2011. At ayon sa kanilang projection, aabot raw ng P200 million ang kikitain ng pelikula by this Tuesday, October 11.

Sa victory party ng No Other Woman, nakita ng PEP.ph ang kasiyahan hindi lang ng mga staff, cast members at production ng nasabing pelikula, kungdi pati na rin ang mga ABS-CBN executives tulad nina ABS-CBN channel head Cory Vidanes, Direk Olive Lamasan, Star Cinema managing director Malou Santos, at ABS-CBN president Charo Santos-Concio.


Personal namang inabot ni Mr. Gabby Lopez, ABS-CBN Chairman and CEO, ang sobre na naglalaman ng cheque kina Cristine Reyes, Anne Curtis, Derek Ramsey at Direk Ruel Bayani bilang kanilang mga bonus para sa success ng No Other Woman.


Bukod sa tatlong bida, bahagi rin ng pelikula sina Carmi Martin, Tirso Cruz III, John Arcilla, Ron Morales at Kitkat.

During dinner ay nagkaroon ang PEP.ph ng pagkakataon na makapanayam si Direk Ruel Bayani at ang mga main cast members na sina Derek, Anne at Cristine at ito ang kanilang ilang pahayag:


Anne Curtis:

Anong masasabi mo na very successful yung movie n’yo na No Other Woman?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"It’s super and unexpected surprise talaga. Overwhelming, I guess yun yung pinaka-best word na pwede kong gamitin kasi hindi mo ini-expect eh, all the more you appreciate it."

Nag sink-in na ba ang success nung movie ninyo?

"Hindi pa, hindi pa nga, e. Na-o-overwhelm pa nga ako. Especially, on the first weekend, I wasn’t here, I was in Bangkok. I was shooting a commercial, so hindi pa rin sya nag si-sink-in, so when I got back in five days P100 million na, I was so shocked, sobrang grateful."

Ano ang best compliment na natanggap mo tungkol sa pelikula?

"I guess ang pinaka-flaterring comment that I got was, it was written, may nagtanong...Bakit ganun, kahit si Anne yung mistress sa kanya akong nagsi-symphatize sa ending. I think, that’s the most flattering comment that I got, that’s means we’re effective. It means na kahit yung role mo was wrong, ikaw may mali, tanong ko nga, bakit ganun nagsi-symphatize sila sa akin sa movie, e, ako naman talaga ang mali. It means effective yung pagganap ko nung role."

Napanood ba ng boyfriend mong si Erwan Heusaff yung movie at anong sabi niya sa role mo rito?

"We watched together, buong barkada kami nanood at the same time, so ang iingay, pero they all enjoyed it, kasi it was so now, it was so relatable, hindi sila nabaduyan kasi it was so relatable."

Hindi ba na shock si Erwan sa mga eksena mo with Derek?

"Of course not, kasi people our age, we watch a lot of Hollywood movies, it’s not really shocking anymore."

Anne, malakas sa takilya ang movie mo at malakas rin daw sa market yung album mo, ano ang masasabi mo rito?

"Yung album talaga yung hindi pa nagsi-sink in, ’yun talaga hindi pa. Natutuwa ako kasi dun sa Showtime may lumalapit sa akin with my album, tapos nagpapa-pirma. Sabi ko, ’Uy! Binili mo? Thank you so much.’ Para bang ako mismo takang-takang bumili sila ng album ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Are you expecting an award for this movie?

"Huwag mag expect pero hindi naman masamang mag hope. So, sana!"

Direk Ruel Bayani:

Kanina po na describe n’yo si Anne Curtis as your Vilma Santos, bakit po?

"Because, I’m truly a Vilmanian. Isa akong Vilmarian, when I was an assistant director to Ishmael Bernal, sobra silang close ni Vi, sabi ko sa sarili ko, I would wish to find my own Vilma one day—someone na muse mo. Kami ni Anne kasi magkaibigan, napakadali para sa ’min mag-communicate. At sinabi ko sa kanya na ’Anne, Vilma ’to, Vilma mode tayo!’ Hindi ko dine-deny yun, dahil sobrang hanga kay Vilma na wish ko na mai-direk si Vilma at Anne together in a movie. Pareho kasi sila ng spirit.

"Alam mo, si Ate Vi, kaya siya naging Vilma Santos, when people are saying, hindi niya pwedeng gawin ang role na ito, pumunta siya dun sa role na akala natin ’di n’ya kaya or di ini-expect sa kanya, she was very daring. Matapang siya, e, at ’yun yung gusto ng audience—very empowered modern woman, siyempre kung paano ginawa ni Ate Vi ’yun sa mga movies n’ya noong araw, I guess turn naman ni Anne ngayon. One day, how wonderful, how inspiring for me to direct my real idol si Vilma and my new muse, new Vilma together. I just want to correct ha, I’m not saying that Anne is replacing Vilma, no way! No one will replace my Vilma Santos, my idol."

Derek Ramsey:

Anong sabi ng girlfriend mo na si Angelica Panganiban sa performance mo sa movie?

"She’s so proud of me. We had a private screening which na surprise ako, all my friends and family. The surprise private screening was set-up by Tita Virgie Ramos and Angelica. Akala ko manonood kami ng foreign film na Abduction. Sabi ko, ’I don’t wanna watch that.’ May prize nga siya sa akin as best actress kasi umiyak pa siya para lang pilitin ako manuod. Sabi niya, ’We will spend time together.’ So tapos, punta na kami dun. Nung umakyat na kami ng escalator, nakita ko na yung dad ko. And my dad has never watched a movie in his life! I knew already na may balak na sila, my families and friends were there for that private screening, after that we had an after party."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Cristine Reyes:

Anong sabi ng boyfriend mong si Rayver Cruz sa success ng movie ninyo?

"Actually, mas tuwang-tuwa pa siya sa ’kin, alam mo yun, panay ang text niya sa akin, ’O, nanuod daw si ganito, ang dami daw tao.’ Sobrang proud niya daw sa ’kin at ’di nya inaakala na magiging ganun ka-successful yung movie namin nina Anne. Parang feeling ko, mas natutuwa siya for me. Nakakatuwa rin kasi very supportive siya."

Sa palagay mo naging lucky charm mo si Rayver sa success na nangyayari sa career mo?

"Oo, I guess, kasi palagi syang nandiyan palagi for me. Umiintidi ng lahat sa akin, so thankful ako sa kanya."


Ito ang schedule ng international screenings ang No Other Woman sa mga sumusunod na venues:


Venue
Date
Hawaii

Screening Schedule:

  • 11:35am, 2:15pm, 4:45pm, 7:20pm, 10:00pm

Pearlridge West Theatres
98 - 1005 Moanalua Road
Aiea, HI 96701


October 7-13, 2011
Las Vegas

Screening Schedule:

  • 1:45pm, 4:45pm, 7:40pm, 10:20pm

Regal Village Square Stadium
9400 W Sahara Ave.,
Las Vegas, NV 89058
October 7-13, 2011
Los Angeles- Cerritos, CA

Screening Schedule:

  • 12:00nn, 2:20pm, 4;40pm, 7:30pm, 10:00pm

Cerritos Stadium Cinema
12761 Towne Center Drive
Cerritos, CA 90701
October 7-20, 2011
NJ - Clifton

Clearview Allwood Theatre
96 Market Street
Clifton, NJ 07012
October 7-20, 2011
NJ - BergenfieldClearview Bergenfield Cinemas
58 South Washington Ave.
Bergenfield, NJ 07621
October 7-20, 2011
San FranciscoUA Stonestown Twin
501 Buckingham Way
San Francisco, CA 94132
October 7-13, 2011
New Jersey - HobokenClearview Hoboken Cinemas
409 14th Street
Hoboken, NJ 07030
October 14-27, 2011
Chicago

Screening Schedule:

  • Fri, Sat, Sun: 2:00pm, 4:30pm, 7:00pm & 9:15pm
  • Mon, Tue, Wed, Thu: 4:30pm, 7:00pm & 9:15pm
Pickwick Theatre
5 South Prospect Ave
Park Ridge, IL 60068
October 14-20, 2011
San Diego, CA

UA Horton Plaza
475 Horton Plaza
San Diego, CA 92101
October 14-20, 2011
Seattle, WAParkway Plaza Stadium 12
5910 South 180th Street
Tukwila, WA 98188
October 14-20, 2011
Union City, CACentury 25
32100 Union Landing
Union City, CA 94587
October 14-27, 2011


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN