Art Mendoza will have minor role in upcoming Piolo Pascual-Angelica Panganiban movie


Art Mendoza, the first runner up of The Biggest Loser Pinoy Edition, will play the boss of Piolo Pascual in his upcoming movie with Angelica Panganiban.


Matapos ang 125 days na training para sa The Biggest Loser Pinoy Edition, nagkaroon ng final weigh in ang Fab 5 sa grand finale na ginanap sa Ynares Gym sa Pasig City noong October 8, 2011. Tinanghal na 1st Pinoy Biggest Loser winner si Larry Martin at pumangalawa naman si Art Mendoza.

Noong nakaraaang Biyernes, October 14, ay nagkaroon ng thanksgiving celebration ang Fab 5 ng The Biggest Loser Pinoy Edition na ginanap sa 9501 restaurant sa ABS-CBN. Doon ini award ang lahat ng kanilang napanalunang cash prizes at ibang premyo tulad ng motorsiklo at condo unit para sa first Pinoy Biggest Loser na si Larry.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph na makapanayam ang 1st runner up na si Art tungkol sa paggawa niya ng pelikula kasama sina Piolo Pascual at Angelica Panganiban.

Kamusta po ang pakiramdam after winning 1st runner up sa Pinoy Biggest Loser Finale?

"It’s good kasi, again, as I said before, yung pagkapanalo ko is not for the prize or for the title, is for...pagkabawas ng timbang ko yung pinaka importante, coming from 341 pounds, last weigh in ko 212 pounds, it’s a very very big accomplishment for me. Masayang masaya ako."

Tungkol saan ang movie kunsaan kasama kayo?

"The only thing I can share with you is, it’s a Piolo Pascual movie with Angelica Panganiban. I just have a small role, vice president of a company, and the boss of Piolo."

Paano ini offer sa inyo yung movie? Paano n’yo po nalaman na part kayo ng movie?

"Actually, tinawagan lang ako ni Direk Mae Cruz, sabi niya, ’I have a small work for you, but we have to shoot now. Can you come now?’ She asked permission from the management and they approved it."



Ano ang initial reaction mo noong i-offer sa inyo yung cameo role sa Angelica and Piolo movie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tanung ko kay Direk Mae, ’are you serious? I don’t know what to do.’ I’m very, very thankful."

It means po ba tapos na i-shoot yung part n’yo sa movie?

"Not yet, ongoing pa, I have taping again this Thursday."

Nakapag shoot na kayo with Piolo? How was it po working with Piolo?

"I was nervous, kasi I don’t have any idea how to do any movie, they just gave me the script, I said ’ah ok!’

Ano naman pong sabi ni Direk Mae Cruz?

"Sabi nya, for a first timer, natural daw yung acting ko, at least hindi ko siya naipahiya. I was happy that she gave an opportunity for exposure."

Anong masasabi n’yo po na sa Fab 5 po kayo unang nagkaroon ng pelikula?

"Hahaha! I felt honored kasi it’s really for the audience how they foresee me, if the demand is there for me, I owe it to the audience kasi sila naman nagbigay ng opportunity sa akin for the show. If the demand is they want to see me more on TV, then it’s my duty to give that to them."

Tinanong nyo po ba si Direk Mae kung bakit kayo yung napili sa role na boss ni Piolo?

"Hindi ko pa natanong, e, nahiya ako, e. (sabay tawa) You know, I’m just so thankful na binigyan nila ako ng opportunity for exposure."

Kamusta po ka trabaho si Piolo?

"He’s a very nice guy! Alam ko na he’s been in the business for a long time but he is still down to earth. We were in ASAP Rocks last Sunday, Piolo and the rest of the guys serenaded us. After the program he talked to me and he said, ’How are you?’ Hindi ko alam na makakatrabaho ko pala siya sa isang pelikula."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naka-eksena n’yo na rin po ba si Angelica Panganiban?

"Not yet, I don’t know kung maka eksena ko siya, sa mga susunod na taping."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN