Hollywood actor Jeremy Renner will shoot new Bourne movie in the Philippines in January 2012


Sa bagong Bourne movie, iba ang karakter na gagampanan ni Jeremy Renner, na na-nominate for an Academy Award para sa mga pelikulang The Hurt Locker (2009) at The Town (2010).


Tuloy na tuloy na ang shooting ng Hollywood actor na si Jeremy Renner sa Pilipinas para sa susunod na pelikula sa Bourne franchise.

Ito ang kinumpirma ni Mr. Briccio Santos, head ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) noong October 19.

Nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon para sa Moviemov Italian Film Festival na ginanap sa isang hotel sa Makati.

"They’re coming January, I think. They will be here for five weeks," ang mabilis na kumpirmasyon ni Santos.

Ang Bourne movies ay ang series ng pelikula tungkol kay Jason Bourne, isang dating CIA assassin na may memory loss.

Tatlo na ang na-produce sa franchise na ito: The Bourne Identity (2002), The Bourne Supremacy (2004), The Bourne Ultimatum (2007).

Si Matt Damon ang gumanap sa lead character sa tatlong pelikula.

Sa bagong Bourne movie, iba naman ang karakter na gagampanan ni Jeremy Renner, na na-nominate for an Academy Award para sa mga pelikulang The Hurt Locker (2009) at The Town (2010).

Gaganap din si Jeremy bilang Hawkeye sa Avengers movie na ipapalabas sa 2012.

Hindi pa alam kung ano ang script ng bagong Bourne movie, pero halos kalahati ng pelikula ay kukunan sa Pilipinas.

Pagpapatuloy ni Santos, Manila talaga ang ide-depict sa pelikula.

"It’s going to be in Manila. So it’s going to be Manila as Manila, unlike previously, when they’re doing something, they’ll go ’Manila as Bangkok’ or something. It’s Manila as Manila.

"So it’s a good advertisement for the country."

Maganda raw ang idudulot ng pagsu-shoot ng isang Hollywood film sa Pilipinas.

Noong 1970s pa raw kasi ang huling Hollywood production na nag-shoot sa Pilipinas: ang pelikulang Apocalypse Now ni Francis Ford Coppola.

"Because it will provide, also send signals to the international film community that we’re back in business. As you know, the last time that we had this was Apocalypse Now, which was a long, long time ago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So now, it’s a new opportunity. We have a lot of inquiries now for other productions, projects coming in. We feel that this is a new beginning," paliwanag ni Santos.

Ngunit hindi kaya magiging masama ang imahe ng Pilipinas, kung ang tema ng pelikula ay tungkol sa korupsyon o iba pang hindi maganda aspeto sa bansa?

"Hindi naman, hindi naman," sagot niya.

"I think we can much stand on our own grounds that we have beautiful places to shoot, and very exotic point-of-interest.

"What we are also trying to promote is that even provinces, we’re trying to promote and educate the local government that it provides venue, and be aware that provinces have beautiful locations for shooting."

Dagdag pa niya, hindi naman daw mahihirapan ang production team dahil sa magandang trabaho ng kanyang ahensiya.

Saad ni Santos, "Well, we convened our one-stop-shop, which means, you know, we want to entice film production in the country. Especially all the facilities, and also facilitate na hindi ganoon katagal masyado, na mabilis.

"In our coordinative body, there’s the Customs, the Immigration, Defense... So whatever these productions would need, it will just go through one office. It will not hamper and take too much time."

So, may susunod pa bang pelikula matapos ang Bourne film?

"There is, but we cannot divulge. Because it’s not yet official. But we are being considered."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN