Sharon Cuneta and Direk Chito Roño to work simultaneously for GMA Films and Star Cinema


Sharon Cuneta (right) and Direk Chito Roño (left) will be working together in Star Cinema’s Caregiver (working title). Individually, they will also be working for GMA Films; Sharon with Robin Padilla in their reunion movie and Direk Chito on a horror movie starring Richard Gutierrez and Dingdong Dantes.



Magsasabay ang paggawa nina Sharon Cuneta at Direk Chito Roño ng mga pelikula sa GMA Films at Star Cinema.

During the presscon of Ouija last July 19, naibalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nina Noel Ferrer at Joey Abacan ng GMA Films na tuloy na ang Sharon-Robin Padilla reunion movie sa GMA Films in co-production with Viva Films. Si Joey Reyes ang magsusulat at magdidirek ng pelikula.

Nabanggit din sa PEP na tuloy na rin ang isa pang GMA Films project, a horror movie na pagsasamahan nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes, to be directed by Chito Roño.

During the thanksgiving party na ibinigay ng mag-asawang Sharon at Senator Kiko Pangilinan, Tuesday night, July 17, sa La Mesa Grill TriNoMa branch, nabanggit din ni Sharon ang movie niya sa GMA Films, pati na ang pelikula niya for Star Cinema. Sinabi ng Megastar na siya na lang ang hinihintay ng direktor niyang si Chito para sa pelikula niya sa Star Cinema.

Sa July 18 presscon ng A Love Story—ang pinakabagong pelikula ng Star Cinema—nakausap ng PEP si Roxy Liquigan. Naikuwento namin sa kanya na nabanggit na ni Sharon ang gagawin niyang pelikula for Star Cinema. Roxy said na tapos na raw ang script revision for the movie kung kaya’t ready na itong magsimula.

Nasabi rin namin sa kanya na may gagawin ding pelikula si Sharon sa GMA Films, so we asked him kung ano ang mauuna. Ayon kay Roxy, magsasabay raw malamang ang shooting ng dalawang pelikula starting August. Pero ang priority ay sa Star Cinema by September or kapag lumipad na sila patungong London, kung saan kukunan ang ilang bahagi ng Caregiver. Hindi pa ito ang final title as Star Cinema practices the working title concept. Makakasama ni Sharon ang child actor na si Makisig Morales sa London shoot as he portrays Sharon’s son.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din namin kay Roxy na may movie rin si Chito sa GMA Films. Paliwanag niya, ganoon din daw ang mangyayaring set-up. Magsasabay ang shoot ng dalawang movies, but once the Star Cinema movie flies to London, sa kanila na muna ang priority.

Ang parehong pelikula ni Sharon sa GMA Films at Star Cinema ay malamang na next year na ipalalabas. Although ang Richard-Dingdong movie ni Direk Chito for GMA Films, pipilitin daw na this year ipapalabas.

May isa pang project si Direk Chito, for ABS-CBN naman, ang Lastikman starring Vhong Navarro. Ito ang ipapalit sa Da Adventure of Pedro Penduko and the Engkantao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN