Direk Yam Laranas impressed by Alden Richards’ performance in psycho-thriller film The Road


Direk Yam Lanaras (inset) said Alden Richards (main photo) was good in portraying a psychotic character in The Road. This psycho-thriller film will be screened in theaters starting November 30, 2011.


Matapos maipalabas ang Tween Academy: Class of 2012, sasabak sa isang psycho-thriller film ang ilang tween stars sa pelikulang The Road.

Ang ilan sa mga tweens na kasama sa nasabing pelikula ay sina Barbie Forteza, Louise delos Reyes, Lexi Fernandez, Alden Richards, at Derek Monasterio.

Sa bagong challenging role na ito, kinamusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press ang naging performance ng mga tweens stars na ito.

Nakapanayam ng PEP.ph ang direktor ng pelikula na si Yam Laranas kanina, Nobyembre 2, sa naganap na pocket interview niya sa 17th floor Executive Lounge ng GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

Sinabi niya na matapos mapanood ng mga tao ang kanyang pelikula’y mapapansin talaga ang galing ng mga young celebrities na ito.

Aniya, "I think, what we want to see, to show here is that after doing tweens, I think these kids have good acting skills.

"Mag-iiba ’yong tingin mo sa kanila, you’ll see them as artista."

Paliwanag niya, "I think sa acting na ’to, they’re very committed, e, they’re very committed sa acting nila, e.

"Bale kasi, ’pag may ginagawa kang shot bilang direktor gusto mong makitang pino-portray ’yong character, hindi ako mabusisi sa acting, kaya nga nando’n ’yong artista kasi alam namin magaling.

"So, hindi ko na masyado tatrabahuhin ’yong, ’galingan mo mag-acting, ha?’ Hindi naman ako artista, e, kumbaga trabaho nila ’yon, at alam kong magaling sila.

"Kaya madali kaming natatapos, mabilis kong nakukuha ’yong gusto ko, mabilis mapa-acting.

"I think because may commitment sa role, may commitment sa acting, hindi basta acting, dedicated sila sa work."

THE "PERFECT" CAST. Hindi naging madali ang pagpili nina Direk Yam, at kasama niyang sumulat ng kuwento na si Alloy Adlawan, sa mga cast members sa isasama sa pelikula.

Gayunman, nang makita niya ang main cast na sina TJ Trinidad, Alden Richards, at Renz Valerio, ay talagang napabilib daw siya ng tatlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m a visual director," panimula niya.

"’Pag tinitignan ko ’yong shot kasama na doon ’yong acting. Parang kung hindi magaling ’yong artista, or hindi maganda ’yong delivery nakikita ko din, sinasabi kong ayoko or magre-retake.

"Pero kasi itong tatlo— Alden [Richards], Renz [Valerio], and TJ [Trinidad]— as a director parang bawas ’yong trabaho ko, parang less efforts for me, parang nababawasan ’yong load ko.

"Kasi, ’pag sinabi ko ’yong gusto kong takbo ng character nila, they don’t just interpret may suggestions pa sila."

Kuwento pa niya, "Si TJ [Trinidad], hindi niya shooting day pero pumupunta siya sa shoot para makita ’yong mga eksena kaya maganda, e.

"Si Alden [Richards] nagtatanong pa sa akin, ’Direk, may gusto ka ba ipapanood sa akin na movie?’ sabi ko, ’Alden, hindi na kailangan kasi baka ’pag may ipinakita ako sa ’yo gayahin mo lang.

"Maganda ’to come in fresh, kung may gusto kang gawin sabihin mo sa akin.’"

"I DIDN’T KNOW ALDEN." Samantala, nabanggit ni Direk Yam kung papaano napasok sa pelikula si Alden.

Kung tutuusin, hindi madali ang naging role ni Alden sa pelikula na ito, dahil gaganap siya na isang psychotic teenager.

"I didn’t know Alden, I don’t know who Alden was," natatawang inamin ni Direk Yam.

"[GMA-7 told me], ’Try him, we have a new star try him, pa-read mo siya.’ Tapos sabi ko, paano ko papa-read, e, wala namang linya?

"So, kami ni Alden, nakita ko siya, nakita ko si Renz—perfect ’tong dalawang ’to.

"That’s why si TJ, which hindi ko sasabihin ’yong sekreto, later on malalaman ninyo kung bakit si TJ din."

Pero ngayon, tila hindi na makakalimutan ni Direk Yam si Alden, matapos nitong mapansin ang talento ng batang aktor.

"Ang acting ni Alden dito baka sa buong pelikula dalawang sentences lang ang linya niya, which is difficult for an actor to express, ’yong wala kang sinasabi, wala kang lines, wala kang dialogues.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako naniniwala ako na ’pag may talent ka talaga mayro’n lumalabas, e.

"Hindi nagsisinungaling ang screen, e, ’pag nakita nilang honest ka sa character mo, and I think Alden was able to pull it off, e.

"I think, if I’m not mistaken, nag-usap kami dati sabi niya dream role niya ’yong ganitong role, which is good.

"Not always pa-cute, not always pa-tweetams, gusto niya ’yong character na ’to—very strange character."

Ang ilan pang kasama sa cast ng The Road ay sina Ynna Asistio, Marvin Agustin, Carmina Villarroel, at Rhian Ramos, na ipalalabas sa Nobyembre 30.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN