Psycho-thriller The Road is partly inspired by the Chiong sisters rape-murder case


Director Yam Laranas (in photo) on making horror movies: "Parang ayaw mo nang gawin ’yong mga nagawa na, e, parang kasi nga the masa is so smart, gusto nilang matakot, gusto nilang matuwa."


Matapos iderehe ang Sigaw (2004), Echo (2008), at Patient X (2009), isang bagong psycho-thriller film ang ginawa ng direktor na si Yam Laranas, ang The Road.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press si Direk Yam kahapon, Nobyembre 2, sa ginanap na pocket interview nito sa 17th floor, Executive Lounge ng GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

Ikinuwento niya sa amin kung ano ba ang synopsis ng pelikulang The Road.

"I think ’yong kuwento has a lot of surprises," pahayag niya.

"You wouldn’t think it’s actually the story, alam mo ’yon, at the end of the movie you will still be shocked [to know] what happened.

"When three things disappeared on the road, mayro’n case na na-discover, twelve-year-old [unsolved] case, na iimbistegahan nila bakit nawawala ’yong teens, then they’ll discover na haunted pala ’yong road.

"Then when they found out its haunted, they investigated further and mayro’n palang crime na nangyari almost thirty years ago sa road na ’yon."

HIS INSPIRATIONS. Ang pelikulang ito daw ay inspired mula sa mga paboritong pelikula ni direk Yam, tulad ng The Shining (1980) at Psycho (1960).

Hanggat maaari ay hindi nila minadali ang paggawa sa pelikulang ito. Kaya naman ng sabihin ni GMA Network’s Vice President for Program Management Joey Abacan na October 20 ang showing ng pelikula ay agad niyang kinausap ito.

Kuwento niya, "Original nga October 20 ang palabas nito, e, pero ang sabi ko kala Joey [Abacan] hindi ko kaya, kailangan ko ng at least 8 weeks for the whole production.

"Kahit magkasabay, simultaneous, ’yong editing ko 4 weeks ’yong editing, tapos to score it another 4 weeks.

"So, kahit isabay mo ’yon you’ll need a lot of time, hindi naman siya special effects driven pero you have a lot of [preparations].

"Tulad ng The Road na ’yon, kahit papaano may bahay-bahay doon, e, binubura namin ’yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No’ng sinabi nilang November 30 ay perfect, eksakto ’yan!"

PARTLY INSPIRED BY RAPE-MURDER CASE. Ang kuwento ng The Road ay "indirectly inspired" mula sa iba’t ibang real life stories: kuwento ng mga iresponsableng mga bata, pagbabale-wala ng mga magulang sa kanilang mga anak, at ang kidnapping incident ng Chiong Sisters.

"Okey, itong The Road na lang is inspired by three stories," panimula niya.

"Kasi ’yong story is told backwards, na kapag napanood ng tao hindi naman siya, kumbaga per story may mga tanong ka, pagdating sa second, ayon may sagot!

"Pagkatapos ng second, may tanong ka sa second story, you will to the third and everything will be answered on the third, madali siyang intindihin.

"Inspired by three different stories, ’yan, e. ’Yong middle story, which is ayaw ko lang i-divulge kung ano ’yong kuwento, it’s inspired indirectly by the Chiong sisters of Cebu, it’s indirectly inspired by that.

"Parang, ’uy, magandang isulat ’to,’ pero hindi siya ’yong kuwento, pero na-inspire ako do’n.

"The third one is how parents neglect their children, that they do whatever they want, na may kinukulong sa kulungan ng aso para makapagsugal, mayro’n sa Tondo lang, e, nasunog ’yong bahay dahil naiwan ’yong kandila kasi nakipag-inuman, mga gano’n, e.

"’Yong first story naman is like recklessness ng mga bata, ’yong mga gano’n, mga nababalitaan ko sa tabloids.

"So, more than Sigaw, it’s more personal."


Ang tinutukoy ni Direk Yam ay tungkol kay Jacqueline and Marijoy Chiong na diumano ay na-kidnap, na-rape at pinatay noong July 1997 sa Cebu City. Ang katawan ay Marijoy ay natagpuan sa isang bangin samantalang ang katawan ni Jacqueline ay hindi pa rin natatagpuan hanggang ngayon.

BETTER THAN PATIENT X. Noong 2005, matapos i-direct ang pelikulang Sigaw, ay sinimulan na ni Direk Yam ang pagsulat sa pelikulang ito, at katulong niya ang director-script writer na si Alloy Adlawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Direk Yam, mas gusto niya ang pelikulang ito kumpara sa huling horror film na ginawa niya, ang Patient X.

"Of course," mabilis niyang sagot nang tanungin kung "better" ba ang pelikulang ito kaysa Patient X.

"Kasi ganito, ang Patient X is creatures. There are things that I could’ve done better.

"Maraming reasons na ang bottomline no’n wala ka nang sisisihin kung hindi ako, di ba, direktor ako, e, ako may desisyon do’n.

"I realize na, a, siguro hindi ako para sa creature [films].

"So, I had to go to my comfort... Not comfort zone but siguro mas gusto ko ’yong mas psychological."

Pero, bakit nga ba kay Direk Aloy siya nakipagtulungan at hindi sa iba pang direktor o manunulat?

"Si Aloy ang ka-collaborate ko its because ’yong collaboration namin ni Aloy is very good," paliwanag niya.

"Maganda ’yong batuhan namin, ’yong exchange of ideas, e, and I think mas comfortable ako sa kanya.

"Ang pinaka big problem kasi noon, no’ng sinusulat namin kaya matagal, is three stories siya, e, in three different decades.

"Thirty years nangyari ’yong kuwento, paano mo siya itutuhog into one story, doon kami nagtulungan ni Aloy."

Ipinagmalaki pa ni Direk na, "It was made by a Filipino, produced by a Filipino company."

Dahil dito, ayaw biguin ni Direk Yam ang mga manonood, mapa-local man o international.

Sa kasalukuyan kasi ay may mga agent sila sa United States na nagbebenta ng kanilang pelikula doon.

Katunayan ay may dalawang screeners na silang naipadala na binu-view pa sa ngayon ng isang malaking film distribution company.

Sabi ni direk Yam, "Parang ayaw mo nang gawin ’yong mga nagawa na, e, parang kasi nga the masa is so smart, gusto nilang matakot, gusto nilang matuwa.

"Pero, ’pag nasabi nilang, ’napanood ko na ’yan,’ nakakahiya sa kanila, e, kasi nagbayad sila, e, ibu-boo ka pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi alam nila either binu-bola mo sila, or nagawa mo na ’to.

"’Yon nga ang nakakatuwa, kasi I think it’ll be across the board, e, and I don’t want to under-estimate ’yong masa."

Kaya naman pangako niya sa mga manonood ng pelikulang ito: "Maiintindihan nila ito, matutuwa sila kasi I think part sila no’ng, kasama sila sa pag-investigate no’ng nangyari sa kuwento, nang nangyari sa The Road, ’yong gano’n."

Kasama sa cast members ng The Road sina TJ Trinidad, Alden Richards, Renz Valerio, Barbie Forteza, Louise delos Reyes, Lexi Fernandez, Derek Monasterio, Ynna Asistio, Marvin Agustin, Carmina Villarroel, at Rhian Ramos, na ipalalabas sa Nobyembre 30.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN