John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo movie shelved indefinitely


Star Cinema and Viva Films have decided to cancel the first movie team-up of John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo due to schedule problems. The young actor’s commitments can’t wait for Sarah’s availability.



Kanselado na ang unang pelikulang dapat ay pagsasamahan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa pagsasanib puwersa ng Star Cinema at Viva Films sa taong ito. Gawa na sana ang script at humihingi na lamang ang Star Cinema sa Viva—na siyang nagha-handle ng career ni Sarah—ng schedule ng pop star para sa shooting ng first team-up nila ni John Lloyd.



Unfortunately, walang maibigay na schedule ang Viva sa Star Cinema within the next three months. May schedule na raw kasi si Sarah para sa series of shows sa abroad by September.

Hanggang sa susunod na buwan ay magiging busy si Sarah sa pagtatapos ng pangalawa niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Pangarap Na Bituin, kung saan makakatambal niya si Jericho Rosales. Katunayan, posibleng wala rin sa bansa si Sarah sa presscon at pagsisimula ng Pangarap na Bituin sa telebisyon either next month or by September.

Samantala, hindi na kaya ni John Lloyd na maghintay pa kay Sarah dahil may commitment din siya para sa iba pa niyang projects sa ABS-CBN. Kaya napagdesisyunan ng Star Cinema at Viva Films na kanselahin na muna this year ang first movie together sana nina John Lloyd at Sarah.



Pero maagap naman ang Star Cinema na hindi mabakante si John Lloyd sa mga susunod na buwan. So, muling ibinabalik ng Star Cinema ang original tambalan nila ni Bea Alonzo.



Last week ay pumirma na ng panibagong three-picture contract si John Lloyd sa Star Cinema. Kasama dapat sa kontratang ito ang pelikulang pagtatambalan nila ni Sarah.

Anytime now ay magsisimula nang mag-shoot sina John Lloyd at Bea for their new movie na ididrek ni Cathy Garcia-Molina. But last week, three days nag-shoot ang magka-loveteam para isang bagong product endorsement na shampoo. May nag-offer din kina John Lloyd at Bea ng isa pang shampoo endorsement na napunta kina Sam Milby at Anne Curtis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Habang tinatapos ni John Lloyd ang movie nila ni Bea, by September or October, magsisimula naman siya para sa Book 2 ng Maging Sino Ka Man.



By October, mag-a-alternate din ang schedule ni John Lloyd between taping ng Maging Sino Ka Man Book 2 at ang much-awaited movie nila ng Star For All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos. Nag-commit na raw si Vilma ng kanyang schedule for the project kaya tuluy na tuloy na raw ang first movie nila ni John Lloyd.



Aalis sina John Lloyd at Vilma Santos in November papuntang New York at mananatili sila roon for more than 17 days. Kaya posibleng sa New York na rin ma-celebrate ng kanyang birthday, November 3, ang Star for All Seasons.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN