Ai-Ai delas Alas and John Lloyd Cruz win top acting honors in 59th FAMAS Awards

by William R. Reyes
Dec 12, 2011
Ai-Ai delas Alas and John Lloyd Cruz bagged the Best Actress and Best Actor trophies, respectively, during the 59th FAMAS Awards.

Sa ginanap na 59th FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences), nanalong Best Picture ang pelikulang pinagbidahan ni Ai-Ai delas Alas, Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To).

Ginanap ang naturang awards night noong Sabado, December 10, 2011, sa Tanghalang Leandro Locsin ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa Intramuros.

Sa unang pagkakataon, si Ai-Ai din ang nag-uwi ng tropeyong FAMAS bilang Best Actress.

"Ah, mabigat nga! Parang isang drum [ang timbang]," kuwelang panimula ni Ai-Ai habang hawak-hawak ang napanalunang trophy.

"Nakakatuwa po, kasi, sabi nga nila, noong bata pa ako, 'pag kunwari umaarte-arte ka, 'Wow, pang-FAMAS!' Yun lang po kasi ang alam natin na award!

"Sabi ko sa sarili ko, kumpleto na yung career ko, dahil nakatanggap na ako ng FAMAS award... kasi, ito na lang ang kulang na award sa akin, e. Ay, meron pa pala, Oscar's!" biro pa ng komedyana.

Mula rin sa Star Cinema, si John Lloyd Cruz, ang isa sa bida ng Miss You Like Crazy, ang napiling Best Actor.

Continue reading below ↓

Hindi makapaniwala si John Lloyd na siya ang best actor ng taon sa FAMAS.


"Wala hong exaggeration, talagang nakakagulat ho," sabi ni Lloydie sa kanyang acceptance speech.


"Halos hindi ako makapaniwala na kasali ako, o isa ako sa mga pararangalan ngayong gabi.

"Pero ako'y nagpapasalamat nang taos-puso... at alam n'yo, sa lahat ng co-nominees ko... sa totoo lang ho, talagang imposible ho ito! Imposible ho ito! Ang hirap paniwalaan, pero maraming maraming salamat po. Sa FAMAS, nagpapasalamat ako...."

Kapwa binanggit nina Ai-Ai sa kanilang pasasalamat, among others, ang mga bosses nila sa ABS-CBN at Star Cinema, si Charo Santos-Concio at Malou Santos.


In-acknowledge din ni Ai-Ai sina Direk Wenn Deramas, ang manager niyang si Boy Abunda at kaibigang Lito Alejandria (kasosyo ni Ai-Ai sa negosyo).

Kinilala naman ni John Lloyd ang tulong ni Cathy Garcia-Molina, ang director ng Miss You Like Crazy, at mga kasama sa pinagwagiang pelikula, at pinuno ng Star Magic na si Johnny Manahan.

Continue reading below ↓

May pahabol din si Ai-Ai, sa kanyang acceptance speech. "'Wag n'yo hong kalimutang panoorin, Enteng ng Ina Mo, sa Metro Manila Film Fest!"

VINDICATION. Ang napiling Best Director ng FAMAS ay si Albert Martinez para sa Rosario ng Studio 5 (Cinemabuhay).

Para sa actor-director, ang pagkapanalo niya ngayon sa FAMAS 2011 ay isang vindication. Matatandaan na ang period film na ito (starring Jennylyn Mercado) ay hindi napiling isa sa tatlong best pictures sa 2010 Metro Manila Film Festival. Natalo rin si Albert sa Best Director category ng MMFF nang manalo si Wenn Deramas para sa Ang Tanging Ina.


"Yeah... save the best for last!" masayang wika ni Albert.

"I'm thankful it [Rosario] was recognized [by FAMAS]," sabi ni Albert nang ma-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) immediately after the awarding ceremonies.

"I feel so good for my team; we worked so hard for the project, so, malaki ang pasasalamat naming lahat at nabigyan ng parangal ang Rosario.

Continue reading below ↓


"I was always hoping [to win]," sabi rin ni Albert. "I wanted Best Picture for Rosario, more than anything."

Sa kanyang acceptance speech nang gabing iyon, pinasalamatan ni Albert Martinez ang big boss nila sa TV5 at Studio 5 (Cinemabuhay) na si Manny V. Pangilinan for sharing his grandmother's story, na siyang kuwento ng Rosario, na pinagbidahan ni Jennylyn Mercado.

ABSENTEE WINNERS. Ang ika-59 na taon ng FAMAS ay dahop pa rin sa maraming taga-industriya ng pelikula, bilang tanda ng pagsuporta.

Maliban sa top winners na sina Ai-Ai at John Lloyd, wala ni isang nominee sa kani-kanyang kategorya, ang dumalo.

Maging ang winners (at isa man sa mga nominado) sa Best Supporting Actor (Allen Dizon, para sa Sigwa) at Best Supporting Actress (Eugene Domingo, para sa Here Comes The Bride) ay hindi dumating.

Ayon kay Mr. Stanley Peralta, producer ng Cinemalaya film na Sigwa, si Allen ay nasa ibang bansa para sa screenings ng pelikula na dinirek ni Joel Lamangan.

Continue reading below ↓

Ang dalawang recipient ng German Moreno Youth Achievement Awards, sina Julia Montes at Kathryn Bernardo, kapwa Star Magic talents, ay nasa bansa, pero "no-show" rin sa FAMAS.

Si Sam Concepcion, na ni-represent ng manager na si Carlos Orosa, ay nasa abroad din ito for a show.

Nagsabi si German ng kanyang saloobin tungkol sa hindi kumpletong attendance ng anim na recipients ng kanyang parangal.

"Nakakalungkot lang... sa panahong ito, pag nakikita mong hindi dumadating ang mga dapat tumanggap. Bakit kaya?

"Noong araw po, wag namang magagalit ang iba, sa awards night ay wala kayong makikita na kulang ang dumadalo, labis-labis pa."

Kuya Germs cited the days of Sampaguita Pictures (in the '50s and '60s) na aniya'y masigla ang attendance sa awards ceremonies.

"Kung nakikita natin ang Oscar's, hindi ba tayo naiinggit?" tanong ni Kuya Germs.

In contrast, ang tatlong kabataang bituin ng GMA-7, sina Alden Richards, Sarah Lahbati, at Louise delos Reyes, ay present sa affair and they shared centerstage with Kuya Germs.

Continue reading below ↓

Sa pagpi-present niya ng parangal sa tatlo, sabi rin ni German Moreno, "Ako po'y maligaya, proud, dahil nakatuntong ako sa bakuran [GMA-7] na kinikilala hindi lang po dito sa ating bansa, kundi maging sa ibang bansa, na lumikha ng maraming artista para sa industriya ng pelikulang Pilipino, mga artista na matatawag nating propesyunal..."



Ang iba pang special awardees nang gabing iyon ay sina Nora Aunor, Lifetime Achievement Awardee at Executive Secretary Paquito Ochoa, Presidential Awardee.



Tumanggap rin ng parangal ang Filipino Inventors Radio Program, Kita Mo Na? Galing Ng Pinoy; H.I.V., Advocacy Film for 2010 (Exogain Productions); Project: Noel, Loren Legarda Environment Award for Film (Carousel Productions, Inc.); and Emir, Rodolfo Biazon Patriotism Award for Film (Viva Entertainment, Inc).


Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa 59th FAMAS Awards:



BEST PICTURE

ANG TANGING INA MO (LAST NA 'TO)


BEST ACTRESS
Ai-Ai delas Alas (ANG TANGING INA MO)



BEST ACTOR
John Lloyd Cruz (MISS YOU LIKE CRAZY)



BEST DIRECTOR
Albert Martinez (ROSARIO)



BEST SUPPORTING ACTRESS
Eugene Domingo (HERE COMES THE BRIDE)


BEST SUPPORTING ACTOR
Allen Dizon (SIGWA)



BEST CHILD ACTRESS
Xyriel Manabat (ANG TANGING INA MO)


BEST CHILD ACTOR
Maliksi Morales (DALAW)


BEST STORY
Bonifacio Ilagan and Joel Lamangan (SIGWA)



BEST SCREENPLAY
Bonifacio Ilagan (SIGWA)



BEST CINEMATOGRAPHY
Carlo Mendoza (ROSARIO)



BEST EDITING

Marya Ignacio (MISS YOU LIKE CRAZY)


BEST SOUND
Addiss Tabong Albert Michael Idioma (SI AGIMAT AT SI ENTENG KABISOTE)



BEST MUSICAL SCORE
Jessie Lasaten (SI AGIMAT AT SI ENTENG KABISOTE)


BEST THEME SONG
MISS YOU LIKE CRAZY



BEST ART DIRECTION
Joey Luna (ROSARIO)



BEST SPECIAL EFFECTS
Dekdek Torrente Erick Torrente (SI AGIMAT AT SI ENTENG KABISOTE)


BEST VISUAL EFFECTS
Jay Santiago, Kim Erik Samson, Melvyn M. Quimosing (SI AGIMAT AT SI ENTENG KABISOTE)

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas and John Lloyd Cruz bagged the Best Actress and Best Actor trophies, respectively, during the 59th FAMAS Awards.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results