Rayver Cruz can relate to children who have parents working abroad


Rayver Cruz (right) comforts Pokwang as she tearfully recounted her hardships as a mother working abroad for her children. The two will topbill the family drama, A Mother’s Story, that will open in cinemas by January 8.


Panganay na anak ni Pokwang ang role na ginagampanan ni Rayver Cruz sa pelikulang A Mother’s Love na ipapalabas sa January 8, 2012. Katulad ni Pokwang, malapit din sa puso ni Rayver ang kuwento nito dahil lumaki rin daw siya na ang ina rin niya ay nagta-trabaho sa ibang bansa bilang miyembro ito ng banda.

Bata pa lang daw ito noong umaalis din ang mommy niya.

"Nasa Japan po sila. Nag-stay sila roon ng matagal, so, sobrang na-miss ko ang mommy ko. Sa story, papaano pa kaya yung seven years na hindi mo siya nakasama?"

Rayver was asked kung wala raw bang naging epekto sa kanya yung matagal na pagkawalay sa nanay niya at naiiwan siya sa ibang tao noon. Sa ibang case, may mga batang nagiging matigas ang ulo dahil wala nga ang proper guidance ng magulang.

Ayon naman kay Rayver, "Hindi naman po tumigas ang ulo ko. Hindi ko rin po masabi kasi, yung sa amin naman po, mga one year-one year na mahigit lang po. Mga ganoon.

"Aminin na natin kung sobrang tagal, may mamumuong tampo or kahit papaano, may hinanakit ka sa magulang mo kapag sobrang tagal ka ng hindi binalikan kasi nga, nanay mo yun. Kailangan mo siya. Kailangan n’yo ng magulang.

"Ang nanay kasi--well, ang tatay kasi ang nagta-trabaho na nakasanayan nating mga Pinoy. Tapos yung nanay talaga ang hands-on sa mga babies nila. So, siyempre, may mamumuong tampo talaga. Mabuti na lang sa akin, bumalik agad ang nanay ko."

Ngayon naman, hindi maitatanggi kung gaano nga ka-close si Rayver sa mommy niya. Isa rin daw yun sa naging realization niya habang ginagawa ang pelikula.

Kuwento nga ni Rayver, "Siguro yung pagmamahal mo sa ina mo. Kahit ano pang tampo ang meron ka sa kanya, nandoon na yun, mahal mo pa rin siya. Kahit pagbali-baligtarin pa ang mundo, nanay mo pa rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At kung hindi dahil sa kanya, wala ka rin talaga. And ako, sobrang mahal ko rin ang nanay ko, mga magulang ko at sa istorya, grabe ang pagmamahal ng nanay sa mga anak niya, nag-sakripisyo. So, yun siguro ang para sa akin na naapektuhan ako sa story.

"At noong binasa ko ang script at nagkaka-eksena kami [Pokwang], iba, iba ang pakiramdam. Kahit ako, nagulat ako sa kanya. Nakasama ko siya as comedienne. Pero noong nakasama ko siya rito, ibang-iba ang performance niya so, ibang klase talaga.

"Kaya sobrang excited po ako sa movie na mapanood ng lahat," sabi ni Rayver tungkol sa A Mother’s Story na produced ng Star Cinema at The Filipino Channel (TFC).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN