Asiong Salonga sweeps 37th MMFF Awards Night; Maricel Soriano and Dingdong Dantes win top acting honors


Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, starring Governor ER Ejercito (main photo), is the biggest winner at the 37th Metro Manila Film Festival Awards Night, bagging a total of 11 trophies; (insets) Maricel Soriano and Dingdong Dantes win Best Actress and Best Actor for Yesterday Today Tomorrow and Segunda Mano, respectively.


Humakot ng awards ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story sa Gabi ng Parangal ng 37th Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa Resorts World Manila Performing Arts Theater sa Pasay City kagabi, December 28.

Labing-isang tropeyo ang napanalunan ng Asiong Salonga.

Kabilang dito ang Best Picture, Best Screenplay para kina Roy Iglesias at Ray Venura, Gatpuno Villegas Cultural Award, Best Supporting Actor para kay John Regala, at Best Director.

BEST DIRECTOR. Naging interesante ang pagwawagi sa Best Director ng Asiong Salonga dahil ipinatanggal ni Tikoy Aguiluz ang kanyang pangalan bilang direktor ng naturang pelikula.

Lumikha ng kontrobersiya ang biopic dahil sa alitan sa pagitan ni Direk Tikoy at ng bida ng pelikulang si Governor Jeorge "ER" Ejercito at ang mga producer nito.

Nag-ugat ang problema sa pagre-reedit at pagre-reshoot ng mga eksena nang walang pahinutulot ni Direk Tikoy. Rason ni Governor ER, mabagal ang pacing ng unang bersiyon ng pelikula at ang prodyuser ang may last say.

Dahil dito ay hiniling ni Direk Tikoy na ipatanggal ang kanyang pangalan sa credits ng pelikula, kasama na sa promotional materials nito.

Ayon kay Direk Tikoy, hindi na masasabing pelikula niya ang Asiong Salonga dahil sa mga pagbabagong ginawa rito nang hindi niya nalalaman at hindi niya pinahintulutan.

Noong una ay hindi pumayag si Governor ER sa hiniling ni Direk Tikoy. Sunod ay humingi ng Temporary Restraining Order (TRO) si Direk Tikoy mula sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL).

Pumabor ang nasabing ahensiya sa kahilingan ng direktor kaya tinanggal na rin nina ER ang pangalan nito sa pelikula.

Hindi dumalo sa awards night si Direk Tikoy.

Sa awards night ay "Gary dela Cruz" ang tinawag na pangalan bilang direktor ng Asiong Salonga.

Pero lahat ng mga nagwagi mula sa pelikulang ito ay panay ang pagbanggit at pasasalamat sa entablado kay Direk Tikoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ACTING WINNERS. Si Maricel Soriano ang nagwaging Best Actress para sa Yesterday Today Tomorrow.

Hindi dumalo sa awards night ang Diamond Star, pati na ang iba pang cast members ng pelikula.

Ito’y sa pakikisimpatiya nina Maricel sa prodyuser nilang si Lily Monteverde ng Regal Entertainment. Nagdesisyon kasi ang festival committee na i-disqualify ang Yesterday Today Tomorrow sa apat na major categories: Best Picture, Best Director, Best Screenplay, at Gatpuno Villegas Cultural Award.

Ayon sa MMFF executive committee, nilabag ng Regal Entertainment ang MMFF rules kaugnay ng pagpapalit ng isinumiteng script nito. Nakasaad sa rules na hindi maaaring baguhin ang script na inaprubahan na.

Sumagot naman sa isang press statement ang Regal Entertainment producer na si Roselle Monteverde-Teo, kunsaan pinabubulaanan nito ang sinasabing major script change. (CLICK HERE to read related article.)

Ang mga nakatunggali ni Maricel sa kategoryang Best Actress ay sina Judy Ann Santos para sa My Househusband, Ai-Ai delas Alas para sa Enteng Ng Ina Mo, at sina Eugene Domingo at Maricar Reyes para sa kani-kanilang episodes ng Shake Rattle & Roll 13.

Hindi rin dumalo sa awards night ang Best Actor winner na si Dingdong Dantes.

Nanalo si Dingdong para sa pagganap niya sa suspense-thriller movie na Segunda Mano.

Tila dininig ang dasal ng co-star ni Dingdong sa pelikula na si Kris Aquino, na sinabing ipinagdadasal niya ang pagwagi ng aktor sa kanilang pelikula.

Panay rin ang bida ni Kris na ang Segunda Mano ay pelikula ni Dingdong, na nagbigay ng "performance of his life."

Tinalo ng Kapuso actor ang bida ng Asiong Salonga na si Laguna Governor Jeorge "ER" Ejercito, pati na sina Vic Sotto para sa Enteng Ng Ina Mo, Bong Revilla para sa Panday 2, Ryan Agoncillo sa My Househusband, Ikaw Na!, at Jericho Rosales para sa Yesterday Today Tomorrow.

Nakuha naman ni Eugene Domingo ang kanyang ikatlong Best Supporting Actress trophy mula sa MMFF. Nanalo siya para sa pagganap niya sa My Househusband.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una siyang nanalo noong 2007 para sa Bahay Kubo at nasundan ito noong nakaraang taon (2010) para naman sa Ang Tanging Ina Mo (Last Na ’To!).

Tinalo ni Eugene ngayong taon ang tatlong aktres mula sa Yesterday Today Tomorrow—sina Lovi Poe, Solenn Heussaff, at Carla Abellana.

Ang mga nakalaban naman ng nagwaging si John Regala sa Best Supporting Actor category ay ang co-star niya sa Asiong Salonga na si Baron Geisler, at sina Phillip Salvador (Ang Panday 2) at Jose Manalo (Enteng Ng Ina Mo).

Bukod sa pitong pelikulang kalahok sa Main Competition ng MMFF, namigay din ng awards para sa New Wave, o independent, films na kasali rin sa taunang film festival.

LIST OF WINNERS. Narito ang listahan ng mga nanalo sa 37th Metro Manila Film Festival Awards Night:

Best Picture - Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story

2nd Best Picture - Enteng Ng Ina Mo

3rd Best Picture - Shake Rattle & Roll 13

Best Actress - Maricel Soriano (Yesterday Today Tomorrow)

Best Actor - Dingdong Dantes (Segunda Mano)

Best Director - Tikoy Aguiluz (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Gatpuno Villegas Cultural Award - Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story

Best Screenplay - Roy Iglesias and Ray Ventura (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Best Story - Chris Martinez and Marlon Rivera ("Rain Rain Go Away," Shake Rattle and Roll 13)

Best Supporting Actress - Eugene Domingo (My Househusband)

Best Supporting Actor - John Regala (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Best Child Performer - Bugoy Cariño (Shake Rattle and Roll 13)

Gender Sensitivity Award - My Househusband

Best Cinematography - Carlo Mendoza (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Best Original Theme Song - "La Paloma" by Ely Buendia (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Best Musical Score - Jerry Lazaten (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Best Sound Recording - Mike Idioma (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Best Editing - Jason Canapay and Ryan Orduna (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Best Production Design - Fritz Siloria, Mona Soriano, and Ronaldo Cadapan (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Best Visual Effects - Ang Panday 2 (Riot Inc.)

Best Make-Up - Florencia Penero, Niccolo Medina, Jayvee Flores (Enteng Ng Ina Mo)

Best Float - Ang Panday 2

New Wave Section

Best Full-Length Film - Pintakasi

Best Actress - Iza Calzado (HIV)

Best Actor - JM de Guzman (Pintakasi)

Gender Sensitivity Award (Full-Length Category) - HIV by Neil Tan

Gender Sensitivity Award (Student Category) - Speechless (Miriam College)

Best Student Film - Payaso (De La Salle Lipa) and Mate (Colegio de San Juan de Letran)

Special Jury Prize - Biyahe Ni Barbie by Kookai Labayen (Dela Salle College of St. Benilde)

Special Awards

Lifetime Achievement Award - Eddie Garcia

Posthumous Award - Lito Calzado

SMDC Most Glamorous Stars - Iza Calzado and Ryan Agoncillo

Male Face of the Night - Richard Gomez

Female Face of the Night - Iza Calzado

Male Celebrity Sexiest Appeal of the Night - Jeorge Estregan, Jr.

Female Celebrity Sexiest Appeal of the Night - Judy Ann Santos

Male Kutis Ganda Award - Ryan Agoncillo

Female Kutis Ganda Award - Ai-Ai delas Alas


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN