GMA Films gears up for more movie projects


Director Chito Roño (left) will be directing a Sharon Cuneta-Robin Padilla movie. Billy Crawford (right) reportedly signed up for a movie that will pair him up with Nadine Samonte.



With the unqualified success of Ouija, produced by GMA Films and Viva Films, more new movies are being planned, aside from those previously reported.

Sa thanksgiving party ng GMA Films and Viva Films last August 2, celebrating the P60M one-week gross ng Ouija (Judy Ann Santos, Jolina Magdangal, Rhian Ramos, and Iza Calzado), napag-usapan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng GMA Films executive Noel Ferrer ang mga susunod na projects ng film arm ng Kapuso Network.

Nasa pre-production na raw sila ng Dagao na ididirek ni Chito Roño starring Richard Gutierrez and Dingdong Dantes. Ito ang uunahin nila bago ang mga pelikula nina Sharon Cuneta-Robin Padilla at ang Regine Velasquez-Ogie Alcasid.

Baka isunod ng GMA Films ang kina Sharon at Robin, pero mauunang mag-shoot si Sharon sa Star Cinema project, katambal si Aga Muhlach at sa direksyon din ni Chito Roño.

Sa presscon ng Enervon TV commercial ni Vhong Navarro sa ABS-CBN, nakausap naman namin si Direk Chito at kinumpirma niyang magsisimula na nga siya ng Dagao for GMA Films. Ito ang uunahin niya bago ang Star Cinema movie nila nina Sharon at Aga.

Sa presscon ng CD Jeans signing nina Nadine Samonte and Andrew Schimmer, may nasagap kaming balita na pumirma na rin sa GMA Films si Billy Crawford for a movie na gagawin niya rito and possibly with overseas scenes. Balitang si Nadine daw ang makaka-partner ni Billy.

Malamang na next year na ipalalabas ang Sharon-Robin, Regine-Ogie, Billy-Nadine, at Ouija sequel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN