Angel Locsin and John Lloyd Cruz’s love scenes in Unofficially Yours are "very intimate"


In Unofficially Yours, John Lloyd Cruz plays a guy who believes in traditional courtship while Angel Locsin plays a woman who believes in casual relationships. Cathy Garcia-Molina (inset) directs this romantic comedy that will open on February 15.


Ang handog ng Star Cinema para sa buwan ng mga puso ay ang kakaibang romantic comedy movie na pinamagatang Unofficially Yours na pagbibidahan nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz. Kakaibang John Lloyd at Angel ang mapapanood sa pelikulang ito dahil sinasabing dito makikita ang kanilang pinaka daring na karakter.


Sa press conference ng movie ay nakausap ng PEP.ph ang blockbuster director ng pelikulang Unofficially Yours at ito ang pahayag ni Direk Cathy Garcia-Molina tungkol sa pelikula na ipapalabas ngayong February 15.

SHORT SYNOPSIS:

"Basically, this is movie about a guy who believes in the traditional type of relationship who falls in love with someone who doesn’t believe, na ang gusto ay casual relationship lang. So, paano ma encourage ng guy na ito yung girl to believe to a normal kind of relationship, that I think na, naniniwala ako na, all of us still believe sa normal relationship na yun."

Hindi naman po ba after they watch the film ay parang na promote ang sex before marriage or okay lang ang one-night stand relationship?

"Hindi siya promotion, it is something na ipinakita as part of the reality na halos lahat nag gaganun na. Pero walang stand ang pelikula na ito, kung ano ang tama or ito ang mali, kasi naman at the end of the day, di ba, nasa inyo pa rin ang desisyon, e. At the end of the day kayo pa rin ang pipili kung anong klaseng relationship ang papasukin nyo, kung anong buhay ang gagawin n’yo. Sa movie na ito, ikukwento lang namin sa inyo na ito ang kwento namin, ito ang pinaniniwalaan ko, pero nasa inyo pa rin kung ano ang paniniwalaan n’yo."

Sinabi ninyong maraming love and sex scenes sina John Lloyd at Angel? Gaano karami po? Gaano ka intimate po yung love and sex scenes nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s more than three love and sex scenes. Very intimate na very intimate! Kasi ako, pag gumagawa naman ako ng pelikula, ang pinipilit kong i-achieve yung may pagka relatable. Ayokong ayoko na may magsasabi sa isang eksena ko..." Nangyari ba yan sa totoong buhay, parang hindi naman yata nangyari yan sa totoong buhay? Yan ang sobrang inaayawan ko, in anything, lagi akong naka base sa realidad, lagi akong naka base sa sasabihin ng mga manunuod na..." Ah oo, nangyari nga sa totoong buhay yan. Base on the relatable scenes na sinasabi ko, ibig sabihin, nangyayari siya, ibig sabihin, kalakaran siya. Marami silang intimate scenes dito. Maraming suggested, kasi, casual relationship nga siya, e. Kasi, sa ngayon bago ka naman talaga ma in love ano ba pupuntahan bago yun, hindi sa kwentuhan lang naman di ba, minsan intimate relationship agad di ba? Yan ang realidad at yang ang gusto naming ipakita sa pelikulang ito."

Kakaibang Angel at John Lloyd talaga ang makikita sa movie na ito?

"Kakaiba talaga, kasi for one, they’ve never done this of any of their films before, second, hindi lang rin naman nag sex sila kaya naiba. Iba, kasi, iba ang paniniwala nila sa buhay rito, iba yung karakter nila. Yung intimate scenes na yun kasi, it’s part of the story. Andun lang ako mas real na nangyayari sa tunay na buhay."

Buti po na encourage n’yo po si John Lloyd to show his skin sa movie na ito? How did you guide him doing that thing?

"Si Lloydie naman kasi after My Amnesia Girl na pinaghubad ko siya, sabi niya, ’Direk sagad na ito ha.’ Sabi niya sa movie na ito, ’Direk mas sinagad mo ako rito ha.’ May eksena talaga kami rito na talagang wala akong tinira sa kanya. Hindi ko naman totally nude siya, pero yun ang iniwan kong imahinasyon sa inyo. In guiding them, hirap na hirap kami, kasi in reality, pag nag se-sex ka naman di ba, wala naman ka namang damit di ba? Because this is a film, and gusto mong mapanuod ng mga tao yung realidad na yun. Sana lang wala kaming na offend sa movie na ito. Sina John Lloyd at Angel naman ay nagtiwala sa ’kin dito na magagawa namin ito na wala kaming ma offend after doing the film."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How did you encourage Angel and Lloydie to do the intimate scenes na hindi sila nailang sa isa’t isa?

"I had to make them believe in the story, matatalino yung mga artista ko, alam nila na kailangan ko yung mga eksena na yun at hindi ko gustong gawin yung scenes, para lang magpakita ng flesh. Wala ngang masyadong pinakita flesh, e. Hindi flesh ang importante sa film na ito, it’s the act of doing intimate scenes. Hindi intention ng movie na magpakita ng flesh, the intention of the movie is when you go into a sexual kind of relationship you go through this."

Nakita n’yo po bang kabado sina Angel at John Lloyd nung ginagawa nila yung intimate scenes na yun?

"Si Angel, masyadong kinabahan, ang lamig lamig ng kamay n’ya nung first shooting day namin, kasi first day, love scene agad yung tinira ko."

Paano niya po na overcome yung kaba doing the scenes? Paano n’yo po tinulungan si Angel na i-overcome yung kaba na yun?

"Kailangan na nararamdaman niya kasi na protektado siya, na hindi ko siya binabastos, na walang nambabastos sa kanya. Na kailangan ko lang siyang maghubad at mag plaster kasi kailangan ko sa eksena, na hindi ko gustong sabihin na "uy o si Angel o nakahubad,’ hindi ganun! Never the intention of the film yun. So, sa totoong buhay naman di ka naman pwedeng naka bra habang nakikipag sex di ba? So kailangan ko na naka plaster siya para protected."

How do you compare this sa Hollywood movie na Friends With Benefits, halos may pagkaka pareho po ba sila ng istorya?

"Nung pinanuod ko yung movie na yun definitely hindi tayo ganung mga Pilipino, mas mapuso tayo, mas malambing, mas makilig. Dun palang I think, nandun na yung difference, but of course, we have John Lloyd and Angel, iba namang umatake ng eksena yung dalawang yan. Saka iba, e, ang tanging similar lang naman, e, they will be in unofficial type of relationship but the story of how they met and how they fall in love and how they end is totally different."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ang Unofficially Yours ay ipapalabas na simula February 15, 2012 sa mga sinehan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN