Jim Paredes excited for APO music-inspired film, I Do Bi Doo, Bi Doo


Jim Paredes (in photo) hopes that I Do Bi Doo, Bi Doo will serve as an inspiration for other OPM artists. It is based on stories culled from APO Hiking Society’s popular songs.


Masaya si Jim Paredes sa ideya nang ibalita sa kanya ni Tony Gloria, ang CEO ng Unitel Productions, na magpo-produce siya ng pelikulang naka-base ang kwento sa ilang awitin ng APO Hiking Society.

Ang manunulat at direktor ng pelikulang I Doo Bi Do, Bi Doo ay si Chris Martinez, ang direktor na nasa likod ng award-winning independent film na Ang Babae Sa Septic Tank.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling entertainment press si Jim noong Disyembre 15, 2011 sa story conference ng naturang pelikula sa studio ng Unitel Productions sa Pablo Ocampo Extension, corner Zapote St., Makati City.

Hiniling nga mga producers na ipagpaliban muna ang pagsusulat ng artikulo tungkol sa pelikulang ito, kaya ngayon lamang ito nailathala.

Una’y akala ng batikang songwriter, aktor, at kolumnista na gagawa lamang siya ng theme song para sa isang pelikula.

Ngunit iba pala ang pakay ng producer sa kanya.

Kuwento niya, "Well, Tony Gloria called me and he said he wants to discuss a project with me. So, I probably thought that I’ll write a theme song or something.

"Then he told me that he wanted to make a movie that was based on APO music, the whole story will revolve around our songs.

"I got so excited, [it was] a year and a half ago, it took so long and then we didn’t talk na then he showed me the script.

"I apparently talked to several script writers and they came up with different themes and stories, and he sent me the one he has chosen. I stayed up until three in the morning reading it and really relishing the scenes ’no.

"I thought it’s so delightful, parang doon ko nakita na ano, I mean, from just a music person pwede pa lang gawing narrative at story ’yong mga kanta namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REVIVING APO. Matatandaan na noong 2010 ay naganap ang farewell concert ng APO na pinamagatang Paalam nAPO: The APO Farewell Concert Series sa Music Museum.

Ang concert na ito ang nagmarka ng "retirement" ng kanilang grupo sa OPM industry, at naging simula para bigyang pansin nila ang iba pa nilang interes sa buhay.

Masaya si Jim na sa pamamagitan ng pelikulang I Do Bi Doo, Bi Doo ay muling mananariwa sa mga tao ang makulay nilang mga awitin.

Kung ang mga kantang gagamitin sa pelikula naman ang pag-uusapan, noong una’y gusto raw ni Jim na siya ang maging musical consultant ng pelikula dahil siya rin naman ang nagsulat ng karamihan ng mga kanta.

Ngunit, matapos niyang marinig ang rendition na ginawa ng kanilang musical director na si Vincent De Jesus, nanabik at bumilib daw siya.

"I’m so excited!" bulalas ni Jim.

"Well, the story felt like... I thought it was a real winner.

"When I heard the music kanina, I was kinda worried being in the room and hearing the music because you know I might not be able to hide my disappointment if I didn’t like it ’no.

"But I loved it!

"’Yong ’Panalangin’ nga naluha na nga ko, e. Parang feeling ko [when] the cast started singing spontaneously, ’wow! Maybe we did write songs, maybe we did write the sound tracks of Filipino lives.’

"We just wrote it and didn’t even think about it."

THE FILM. Samantala, kapuna-puna na star-studded ang musical film na ito, na pagbibidahan nila Sam Concepcion at Tippy Dos Santos.

Hindi rin maipagkakaila na mahuhusay ang mga mang-aawit na kanilang kinuha para magsiganap.

Ilan pa sa kanilang mga kasama ay sina Eugene Domingo, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Neil Coleta, Frenchie Dy, Sweet Plantado, Kiray Celis, Gerald Pesigan, Jimmy Fabregas, Ishmael Aldefat, at John Mark Ibanez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman tingin ni Jim ay magiging "sing-along movie" ito.

"I’m sure magkakantahan ang mga tao kasi, you know parang the instincts are just right, e, the way they chose the songs for the situation.

"Some will be out of the box na magugulat ka like ’Ang hirap talaga magmahal ng syota ng iba,’ the situation is gonna be a very big, big surprise and I think APO music will have another life span after this.

"I mean, the young kids three years ago, four years ago no’ng lumabas ’yong Kami nAPO Muna na nag-top charts and everything, sana ganito na naman ulit mangyari."

Ang kwento ng I Do Bi Doo, Bi Doo ay tungkol sa magkasintahang Rock (Sam Concepcion) at Tracey (Tippy Dos Santos), na parehong nag-aarel ng nursing sa Maynila.

Maububuntis ni Rock si Tracey kaya naman uuwi sila sa probinsya upang ipakilala ang isa’t isa sa kanilang mga pamilya.

Si Rock ay anak ni Rose (Eugene Domingo) na isang caterer, at ng songwriter na si Pol (Ogie Alcasid).

Habang si Tracey naman ay anak ng may-kayang mag-asawa na sina Nick (Gary Valenciano) at Elaine (ZsaZsa Padilla).

Ang kanilang pagbabalik sa probinsya’y maaaring magpatibay sa kanila o maging dahilan upang magkahiwalay ang magkasintahan.

INSPIRE OPM ARTISTS. Kaugnay ng pelikulang ito, bukod sa pananariwa ng makulay na musika ng APO ay hangad din ni Jim na maging inspirasyon ito sa ilang OPM artists.

Kahit pa songwriter sila o mang-aawit, hangad ni Jim na kapag napanood nila ang pelikulang ito’y bumalik ang ideya na ang awitin ay para sa emosyon at hindi para sa salapi.

Ani Jim, "I realized that a lot of artists start with the instinct that we had. We are lucky that ’70s that are instincts, the way we made music was the way it was.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean, the industry worked that way.

"Tapos something changed from ’80s to ’90s na too much corporate thinking, and too much trending and surveys and all of that.

"I wish we could go back to just plain expression, ’yong parang this is how I feel and you know I don’t have to sound a certain way ’yong gano’n."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN