The Road will be screened in almost 50 cinemas in North America starting May 11


The Road will take part in the 30th Brussels International Fantastic Film Festival that will run from April 5 to April 17, 2012. It will also compete at the 8th Fantaspoa International Film Festival in Brazil. Its international premiere will take place on May 9 at Los Angeles, California. Starting May 11, it will be screened in almost 50 cinemas in the U.S. and Canada. This horror flick stars TJ Trinidad, Carmina Vaill


Hindi makapaniwala ang Kapuso actor na si Alden Richards sa tagumpay na natamo ng pelikula nilang The Road.

Nakasama niya sa naturang pelikula sina TJ Trinidad, Renz Valerio, Rhian Ramos, Carmina Villaroel, Marvin Agustin, Barbie Forteza, Louise delos Reyes, Derrick Monasterio, Lexi Fernandez, at Ynna Assistio.

Nakatakda kasing ipalabas ang The Road simula May 11, 2012, sa halos 50 sinehan sa Amerika at Canada.

Kasama din ang nasabing pelikula sa 30th Brussels International Fantastic Film Festival simula Abril 5 hanggang Abril 17, at lalahok sa 8th Fantaspoa International Film Festival sa Porto Alegre, Brazil.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden kahapon, Pebrero 22, sa presscon ng The Road sa 17th floor Executive Lounge ng GMA Network sa Timog Avenue, Quezon City.

"Goose bumps," mabilis na sagot ng aktor ng tanungin namin ang reaksyon niya sa tagumpay na natamo ng The Road.

"A, sobrang when I heard about the news automatic tumaas ’yong mga balahibo ko, e.

"Kasi never in my life did I imagined na gagawa ako ng isang horror film na would go international.

"So, parang sa akin okay na nagawa ko ’yong film, okay na nagawa ko ’yong role ng maayos.

"Pero to think na sobrang daming blessings ng The Road, ang daming blessings ng GMA Films for this opportunity.

"So, we won’t waste it, hopefully we’ll be in States on the premiere and sana maging maganda ’yong feedback from the American audience."

INSPIRED ACTOR. Ang tagumpay na ito ng nasabing pelikula’y nagbigay ng inspirasyon kay Alden bilang aktor.

Bukod pa rito, tinulungan din daw siya ng pelikulang ito na malaman kung ano ba talaga ang kanyang kakayahan bilang isang baguhan sa industriya.

"Kasi when I started kasi I’m not interested in acting," pag-amin ng 19-year-old na aktor.

"Kasi before I did a commercial, then sa commercial na ’yon I had 25 takes sa isang action lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, parang na-realize ko sa sarili ko no’n, ’ay, hindi pala ako marunong umarte.’ Pero ngayon, no’ng nag-start ako sa showbiz, ’yong Alakdana then ’yong Tween Academy, then this, The Road parang there’s the realization na I can do this pala.

"I can excel on this and I can do better in this field.

"Na-inspire ako in a sense na kaya ko pala umarte, na ne-realize ko na in showbiz pala talaga you learn something new, you learn from your previous experiences, and it makes you better, it makes you passionate about...passionate as an actor.

"It makes you feel na may mga bagay palang kaya mong gawin hindi mo lang alam."

INTERNATIONAL SHOWING. Samantala, ikinuwento naman ni Yam Laranas, ang direktor ng The Road, kung paano naging possible ang international showing ng pelikula.

Katuwang kasi ng GMA Films sa international film distribution na ito ang Freestyle Entertainment.

Ani Direk Yam, "This is the first time, it is the very first time na a Filipino movie produced by GMA Films, this is the first time that we’ll be showing in mainstream cinemas in U.S."

Kuwento ni Yam, "My previous connections from the past film I made in L.A. was able to be contacted by my agent and introduce The Road to them.

"Then eventually, we were given choices or selection nga. Then you know, right now we’re partnering with Freestyle Entertainment, and we’re very lucky that The Road will be released in the U.S.

"GMA Films is lucky to partner with Freestyle because Freestyle is also working with PR groups who will appear with marketing groups, and will be working hand in hand with GMA.

"This is the same PR group who handled PR for Little Miss Sunshine, Rush, and other indie Oscar winners."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang premiere night ng The Road ay magaganap sa May 9, sa L.A. Live sa Los Angeles, California.

Noong una’y sa Mann Chinese dapat magaganap ang kanilang premiere, ngunit binago nila ito ayon na rin sa iminungkahi ng Freestyle Entertainment.

"The first one is Mann Chinese Theater, we want to do Mann Chinese Theater in Hollywood Boulevard," pahayag ni Direk Yam.

"But our partners in Freestyle has proposed or came up with a better venue—and I think again, first time for Filipino movie to be there or even a Filipino event—we will be in L.A. Live, we will be in L.A. Live where Nokia Theater is contained.

"L.A. Live is where they do Emmy [Awards], Grammy [Awards] is held—we will be there."

Bukod pa sa commercial showing nito sa mga sinehan, ire-release din simultaneously sa May 11 ang The Road sa Video-on-Demand, Amazon Prime, NetFlix, at iTunes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN