Rhian Ramos to be paired with Aljur Abrenica in My Kontrabida Girl


Aljur Abrenica’s character in My Kontrabida Girl is named Chris Bernal. Also starring Rhian Ramos, this romantic comedy will open in cinemas starting March 14.


Isang "tipikal" na binata raw ang gagampanan ni Aljur Abrenica sa upcoming movie niyang My Kontrabida Girl, kung saan makakatambal niya si Rhian Ramos.

Sunod-sunod kasi na fantaserye ang proyekto ni Aljur sa Kapuso network—ang The Last Prince (2010), Ilumina (2010), Machete (2011), at Amaya (2011).

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur kahapon, Pebrero 22, sa pocket interview na ginanap sa 17th floor Executive Lounge ng GMA Network sa Timog Avenue, Quezon City.

Dito’y sinabi niya sa amin ang kaibahan ng kanyang karakter sa My Kontrabida Girl mula sa ibang karakter na ginampanan niya noon.

"No’ng nakaraan kasi ’yong mga characters ko dapat macho, dapat sexy, fantasy, [parang] Last Prince, Machete.

"Ito kasi ano, e, tao ako dito, e, ’yong sa tipikal makikita mo ’yong ganitong klaseng tao, hardinero lalo na sa probinsiya, hardinero ako dito.

"The fact na kakaiba ’yong character na ito, sobrang bait, walang kaanga-angas.

"Hindi namang malayong-malayo, kumbaga malayong-malayo sa mga ginawa ko previously."

HIS ROLE. Samantala, sunod namang binanggit ni Aljur kung ano ang magiging role niya sa My Kontrabida Girl.

"A, bale ang pangalan ng character ko dito is si Chris Bernal," nangingiting pagsisimula ni Aljur.

Ang pangalan kasi ng kanyang karakter ay katulad ng sa dati niyang ka-love team partner na si Kris Bernal, naiba lamang ang spelling nito.

"Si Chris Bernal ay simpleng tao na may simpleng pangarap, na lumaki sa probinsya.

"Dapat siya ’yong nag-aalaga ng, mayro’n kasi silang resort. Siya dapat mag-aalaga no’n, pero nang mamatay mga magulang niya masyado pa siyang bata [kaya] ang humawak no’n mga tiyahin niya.

"So medyo kawawa rin siya, ’yong family niya dito.

"Pero sobrang striving siya ’tsaka ’yong problema sa kanya sobrang bait, sobrang bait niya na tipong hindi siya marunong tumanggi na mas gugustuhin niya pang siya ’yong masktan kaysa sa ibang tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE FILM. Kung ang istorya naman ng pelikula ang pag-uusapan, sinabi ni Aljur na hindi raw ito isang "usual na love story."

"Ito kasi magsisimula ’yong bida as kontrabida, e," kuwento ng Kapuso actor.

"Kaya My Kontrabida kasi si Rhian Ramos is kontrabida dito— kontrabida sa pelikula at kontrabida din sa buhay ko.

"Kasi childhood sweetheart kami, may mga misunderstanding kami na what I mean sa misunderstanding is may mga event siyang pinuntahan na importanteng-importante sa kanya—’yong mga Sta. Cruzan, ’yong mga pageant, beauty pageant, mayro’n siyang mga gano’n na hindi ko siya napuntahan, na na-indian ko siya.

"E, sunod-sunod ’yong kamalasan niya hanggang no’ng pumunta siya ng Maynila, hanggang sa namuo ’yong galit niya, hanggang sa naging artista siya.

"No’ng naging artista siya sobrang galing niyang kontrabida. Ngayon, kaya siya sobrang galing na kontrabida dahil sa galit niya sa akin, sobrang bitterness niya.

"E, dumating ’yong point na na-burnt out siya parang nawala na ’yong galit niya, hindi na siya makaarte ng tama as kontrabida.

"So, nagtanong siya sa number one na kontrabida natin, si Bella Flores at in-advice sa kanya na kailangan niyang balikan ’yong tao na nakapagpasakit sa kanya ng husto.

"Tapos, sabay sabi ni Isabelle, ’si Chris Bernal,’ ako nga ’yon, so pinuntahan niya ako, binalikan niya nga ako sa probinsiya namin.

"May mga steps si Bella Flores, e, ’yong kailangan daw sirain niya ’yong buhay ko, lahat ng importante sa akin tanggalin niya, mawala raw, inisa-isa niya.

"Doon nagsimula ’yong kwento, pagbalik niya actually."

Ang iba pag kasama sa My Kontrabida Girl ay sina Jhake Vargas, Bea Binene, Ken Chan, Enzo Pineda, Kevin Santos, Sef Cadayona, at Chariz Solomon.

Ito’y ipapalabas na sa Marso 14, sa ilalim ng direksyon ni Jade Castro at produced by GMA Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN