Eugene Domingo took up voice lessons for the musical film I Do Bi Doo Bi Doo









Eugene Domingo admits that she had voice lessons in preparation for this mainstream musical film.


Hindi na raw kinakabahan si Eugene Domingo sa maaring maging pagtanggap ng tao sa musical film na I Do Bi Doo Bi Doo.

Dito’y makakasama niya ang ilang primiyadong mang-aawit tulad nina Ogie Alcasid, Gary Valenciano, at Zsa Zsa Padilla.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eugene noong Feberuary 27 sa set ng I Do Bi Doo Bi Doo sa Funenaria Paz, sa La Loma Cemetery, C3 Road, Caloocan City.

"Hindi na ko kinakabahan," sagot ng komedyante nang tanungin kung takot ba siya sa magiging pagtanggap ng tao sa isang mainstream musical film.

"Hindi ako kinakabahan kasi maganda ’yong script, napapanahon, maganda ’yong kanta ng APO Hiking Society, magaling ’yong cast at ’yong direktor namin—isa pang God’s gift, siya na!"

VOICE LESSONS. Samantala, noong araw na iton ang unang taping day ni Eugene para sa naturang pelikula, kung saan nakasama niya sina Frenchie Dy at Sweet Plantado.

Kuwento ni Eugene, "’Yong set natin super saya. Parang na-experience ko pa lang first shooting day ko sa Doo Bi Doo, si Sweet Plantado at si Frenchie Dy."

Biro pa niya, "ang saya, isang bilog, isang pahaba, ’tsaka isang sexy star—ako ’yon"

Gayundin, nabanggit sa amin ni Eugene na nag-voice lessons siya bilang paghahanda sa pelikulang ito.

Aniya, "nag-voice lesson ako, at saka meron naman talaga akong God’s gift naman talaga sa mga ganyan bagay.

"So, nagre-refresh na lang ako kasi parang nakalimutan ko na, e.

"So, ’yon naman okay naman naka-agapay naman ako kay Sir Gary, kay Divine Diva Zsa Zsa Padilla, at saka kay Ultimate Songwriter Ogie Alcasid.

"Okay alam mo na, pero ang talaga ka batch ko naman talaga dito ay si Sam Concepcion at si Tippy Dos Santos, sa kanila talaga ako nakaka-relate."

HER ROLE. Sunod naman nabanggit niya sa amin ay ang magiging karakter niya sa musical film na ito: si Rose Polotan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mayro’n akong very, very small scale catering business, at bread winner ako ng family kasi yung napangasawa ko played by Ogie Alcasid, siya si Paul Polotan, ano siya isa siyang musikero na napag-iwanan na ng panahon.

"May one hit wonder at ito nga ’yong ’Pumapatak Na Naman Ang Ulan.’

"Kinuha siya sa APO Hiking Society, kasi nga itong I Do Bi Doo Bi Doo features the songs, some of the songs of APO Hiking Society.

"Parang if you are familiar with the movie Mamma Mia, di ba, na-feature ’yong mga ABBA songs, dito naman APO Hiking Songs.

"Dahil ito ay musical, kakanta at sasayaw, at saka siyempre ang inaabangan ng mga tao ’yong ganda ng katawan ko at ganda ng katawan ni Ogie- magsasanib!"

Halata ang pagiging positibo ni Eugene sa pelikulang I Do Bi Doo Bi Doo, lalo pa’t makaka-relate daw talaga ang mga tao sa kuwento at awitin na kanilang gagamitin.

Ani ni Eugene, "E, super Pinoy ’to, e!

"Lahat ng mga classes, lahat ng ages, lahat ng pinagdadaanan ng tao mula bata hanggang ma-in love, hanggang mawala ’yong love, hanggang bumalik.

"Lahat ng gusto ma-in love o nag-i-imagine na in love—dapat manood kayo nito."

Bukod kina Eugene, Ogie Alcasid, Frenchie Dy, at Sweet Plantado, ang iba pang kasama sa cast ng I Do Bi Doo Bi Doo ay sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Sam Concepcion, Tippy Dos Santos, Kiray Celis, Gerald Pesigan, Jimmy Fabregas, Ishmael Aldefat, at John Mark Ibanez; sa direksyon ni Chris Martinez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN