Jessy Mendiola will be Enchong Dee’s love interest in the upcoming barkada movie, The Reunion










Jessy Mendiola will get to work with Enchong Dee, Xian Lim, Kean Ciriano, and Julia Montes in the youth-oriented movie titled The Reunion.


Naging kapansin-pansin ang kagandahan ni Jessy Mendiola noon nang mapabilang siya sa youth-oriented series na Boystown kunsaan ka love team siya nina Enchong Dee at AJ Perez. Naging bida naman siya sa ABS-CBN teleserye na Sabel at naging parte rin ng Gimik 2010.

Sa kasalukuyang ay ginagampanan ni Jessy ang karakter na Jackie, ang love interest ni Gerald Anderson sa advoca-serye na Budoy.

Malapit nang mapapanood si Jessy sa big screen para sa kanyang first lead role sa movie, ang The Reunion. Noong Linggo, Marso 4, nakausap ng PEP.ph si Jessy sa ABS-CBN compound tungkol sa kanyang unang movie.

After Budoy, what’s next for Jessy Mendiola?

"I have a soap, pero di ko pa pwede sabihin kung ano pero maganda yung soap."

May upcoming movie ka ba?

"I have a new movie, yung The Reunion, under Star Cinema, kasama ko sina Enchong Dee, partner ko siya."

Tungkol saan ang The Reunion?

"Yung The Reunion [naiiba] siya sa ibang character na ginampanan ko, kasi boyish ako dito. The story is about four boys tapos isang girl na boyish na kabarkada nung apat, ako yun! Parang magkakaroon kami ng road trip, magkakasama kami, ako lang yung girl sa barkada. Tapos babalikan namin yung mga past nila, yung story namin dati, bago kami mag reunion. Isang malaking reunion yung magaganap, dun mag start yung gulo. After the reunion dun na magsisimula yung journey namin sa road trip. Mami-meet namin yung mga ex girlfriend nila, yung mga past love nila, tapos kung ano yung magaganap sa ending, yun ang aabangan n’yo."

Anong reunion ang tinutukoy sa movie?

"College and high school reunion. Parang mag kaka batch kami nina Enchong Dee, Enrique Gil, tapos magkakaroon kami ng isang malaking reunion. Dun na mangyayari yung gulo tapos after ng reunion, dun na namin mare-realize na, yung isa may gusto pala kay ganito, yung isa mahal pala si ganyan, yung isa nalaman nya na mahal pala sya ni ganito, yun yung mangyayari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isa itong malaking barkada movie kasi napansin namin lately yung mga movie na pinalalabas ay puro rom com [romantic comedy], puro drama, ngayon, kakaiba yung movie na ito, fresh for summer ang movie naming The Reunion, talagang barkada film siya. Para itong trip movie.

"Saka I’m grateful kasi it’s my first movie, I can say na ang ganda n’ya kasi pag ginagawa namin yung mga eksena, tawa lang kami ng tawa, comedy kasi siya, e. Masaya lang."

Kamusta naman ang paggawa ng first movie mo?

"Nakakatuwa, kasi frst movie ko, tapos first lead role din,so parang jackpot! Kasi first movie ko nga tapos lead character pa, so napaka thankful ko sa Star Cinema na pinagkatiwalaan nila ako, kasi nag audition ako para sa role na ito, e, at natanggap ako."

Kamusta ka love team si Enchong sa movie na ito?

"Masaya naman. Matagal ko nang naka trabaho si Enchong, Boystown pa lang, so ngayon muli kaming magsasama together. Parang ang dami na naming napag daanan after Boystown, ang dami na niyang naging trabaho, ako rin ang dami ko nang naging partner at trabaho. Nakita ko, na nag improve na siya sa acting nya, ako din. Nagugulat kami sa isa’t isa na marunong na kami, and masaya kami na magkaka trabaho uli kami after Boystown na kung saan doon ako nagsimula, talagang reunion din naming dalawa na mag ka trabaho uli at sa movie pa yun."

Paano niya ikukumpara ang Enchong na nakatrabaho mo sa BoystownThe Reunion? dati sa Enchong na katrabaho mo ngayon dito sa

"Mas maharot siya ngayon, kaysa dati. Kung maharot siya dati, mas maharot siya ngayon. (sabay tawa)"

Kamusta naman ang Jessy noon sa Jessy ngayon?

"Kung dati, bagets siya, ngayon, lady na siya, pero dito sa movie naming The Reunion, boyish siya. Oo! Lalaking lalaki ako dito sa movie, nakakahiya nga mga pinag gagagawa ko rito. Di ko akalain kaya kong mag tomboy tomboyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aside kay Enchong at Enrique, sino pa ang ibang makakasama mo rito?

"Kasama rin namin dito sina Xian Lim, Kean Cipriano, Megan Young, Bangs Garcia at Julia Montes."

ON THE ADVOCA-SERYE BUDOY.

Maiba tayo Jessy, wala ka kasi nung presscon nung Budoy. Tinanong ng press sina Janice de Belen, Tirso Cruz III, Zsa Zsa Padilla at Gerald Anderson kung ano ma miss nila sa Budoy. Ikaw ano ma miss mo sa Budoy?

"Mami miss ko yung bonding naming lahat, ang babait nilang lahat, walang beterano, walang baguhan, walang sikat, walang hindi sikat, pantay pantay kaming lahat, isa kaming malaking pamilya. Mami miss ko yung ganung bonding. Lalo na Gerald bilang siya ka love team ko rito. Ma miss ko si Budoy."

Nakaka eksena mo ba si Ms. Zsa Zsa Padilla? Sinabi nya nung last presscon na kayo daw ang nagiging outlet niya sa mga problemang pinag dadaanan nya sa buhay niya ngayon? Isa ka rin ba nasasabihan niya ng problema n’ya tungkol sa kalagayan ni Tito Dolphy?

"Opo, nagku kwento siya na after ng taping ay dumidiretso siya sa ospital, dun siya natutulog kasi sa tabi lang siya ng hospital bed natutulog. Ganun siya. Saka lahat naman kami, willing to listen to Tita Zsa Zsa, very sweet and lovable kasi si Ms. Zsa Zsa."

Nakatakdang magtapos ang Budoy ngayon Biyernes, March 9.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN