Will Angeline Quinto wear a swimsuit for her debut film with Coco Martin?










Angeline Quinto admits that she gets to know Coco Martin more as they shot the film You Light Up My Life .


Dalawang buwan din naudlot ang taping ng pelikula nina Angeline Quinto at Coco Martin na You Light Up My Life.

Noong isang taon pa sinimulan ang kanilang taping ngunit panandalian itong nahinto dahil sa taping ni Coco para sa teleserye na Walang Hanggan.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Angeline noong Biyernes, Marso 7, sa Cravings Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

"A, hanggang ngayon naman po tinutuloy namin ’yong pelikula," sagot ni Angeline nang tanungin siya tungkol sa pelikulang ginagawa niya.

"Medyo nag-stop nga lang po mula no’ng December hanggang no’ng January po, kasi nga po dahil sa Walang Hanggan, kaya medyo na-stop po ’yong shooting.

"Pero, ngayon pong February at March tuloy na po, kasi alam ko po medyo malapit na ’yong play date kaya minamadali na rin po."

ACTING PREPARATIONS. Inamin ni Angeline na malaking preparasyon ang kanyang ginawa para sa pelikulang You Light Up My Life.

"Siyempre kahit kayo alam naman po ninyo na singer lang talaga ako," pahayag ni Angeline.

"Kaya parang ang bilis na sa pelikula agad, parang nakakagulat po talaga. Hindi man lang ako napalabas sa MMK [Maalaala Mo Kaya] para gumanap sa buhay ng isang artista.

"Kaya ng nalaman ko nga po na magkakaroon ako ng pelikula, akala ko hindi totoo, e, kaya sabi ko, talagang ang bilis-bilis po ng pangyayari.

"Pero masasabi ko na, talagang ilang buwan akong nanonood ng mga lumang pelikula nina Ma’am Sharon [Cuneta], ni Ms. Regine Velasquez, ’yong mga idol ko po talaga, si ms. Nora Aunor, talagang pinanood ko ’yong mga pelikula nila noon. Tapos pinag-aralan ko po talaga ’yong bawat pag-arte nila."

Sa ilang buwan nilang taping ng pelikula, tiwala naman si Angeline na kaya na niyang "makipagsabayan" sa iba pang mga cast.

"A, para sa akin po, sa tingin ko naman po... A, kaya ko naman po siguro makipagsabayan sa ibang artista," nakangiti niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sa ngayon po nagsisimula pa lang ako, pero ginagawa ko naman po ang makakaya ko, tinutulungan po ako nila direk [Jerome Pobocan], lalung-lalo na po si Coco."

SWIMSUIT SCENE? Nabalitaan ng PEP na magkakaroon daw ng isang eksena si Angeline kung saan swimsuit lamang ang kanyang suot.

Wholesome ang image ni Angeline sa industriya, kaya naman inalam namin kung totoo ba ang balitang ito at kung sakali’y ano ang reaksyon niya dito.

"A, sinabi nga po sa akin ng direktor," pagpapatotoo niya.

"Pero feeling ko nga po parang binibiro lang ako, pero sabi nga po nila kasi totoo ’yon.

"Sabi ko nga, ’wag naman masyadong two-piece. Hindi po ako handa sa gano’n,’ sabi kong ganyan.

"Pero, kung pagsusuotin naman po ako ng swimsuit, ’yong medyo may balabal pa, parang gano’n po."

WORKING WITH VETERAN STARS. Malalaking artista ang makakasama ni Angeline sa pelikulang You Light Up My Life.

Kabilang na rito sina Eula Valdes at Albert Martinez.

Hanggang ngayon nga raw ay hindi pa rin siya makapaniwala na makakasama niya sa isang pelikula ang mga beteranong artista na ito.

"Sa totoo lang nape-pressure pa rin po ako kapag nakakaeksena sina Ms. Eula Valdes," pag-amin niya.

"Kasi hanggang ngayon po hindi pa rin ako makapaniwala na nakakasama ko ’yong mga taong ito.

"Kasi parang last year pinapanood ko lang sila sa TV, lalo na si sir Albert Martinez po.

"Talagang nagpapasalamat po ako na nabigyan ako ng chance.

"Ang bilis-bilis po talaga kasi pelikula agad."

Nabigla man sa malaking oportunidad na ibinigay sa kanya, may bago naman daw natutunan si Angeline.

"A, no’ng una po kasi, kapag umaarte ka, e, basta umaarte ka lang, ’yon po ang pagkakaalam ko talaga.

"So, wala pa po akong alam sa pag-arte, pero mahirap po talagang umarte.

"’Tsaka para sa akin po pareho pala ang pag-arte sa pagkanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, kapag hindi mo nararamdaman ’yong role mo, parang hindi rin mararamdaman ng tao ’yon, di ba?

"Kaya kailangan po pala talaga, kapag umaarte ka nararamdaman mo din sa sarili mo kung ano ka talaga sa pelikulang ’to."

WORKING WITH COCO. Samantala, hindi pa man sinisimulan ang paggawa sa pelikula’y inamin na ni Angeline na tagahanga siya si Coco Martin.

Kaya naman nang malamang gagawa sila ng pelikula’y lubos ang saya ng dalaga.

Simula nga raw ng gawin nila ang You Light Up My Life ay madalas kay Coco siya humihingi ng tulong sa mga eksenang gagawin niya.

Ano naman ang mga acting tips na ibinigay ng kanyang leading man?

"A, unang-una sinabi niya sa akin na huwag na huwag akong aarte hanggang hindi ako ready.

"Kumbaga kasi dapat bago ka umarte ihanda mo talaga ’yong sarili mo. Hindi pwede ’yong parang hindi mo nararamdaman ’yong ginagawa mo ’tsaka ’yong role mo sa pelikula.

"Kasi minsan ’yon talaga nangyayari sa akin, ’yong sa sobrang pagod na po nabablangko na ’yong utak ko kaya hindi ko na nararamdaman ’yong inaarte ko.

"Kaya dapat talaga mararamdaman mo muna, e."

CLOSER TO COCO. Inamin din sa amin ni Angeline na mula nang gawin nila ang pelikulang ito’y mas naging malapit siya kay Coco.

"Opo naman," mabilis na sagot niya nang tanungin kung mas malapit na ba sila ni Coco.

"Kasi dahil sa pelikulang ’to talagang mas nakilala ko siya, at saka ’yon nga sinasabi niya sa akin na natutuwa siyang mas nakilala niya din ako."

Ang pagiging malapit na ito’y nagsimula sa pagtulong ni Coco kay Angeline pagdating sa pag-arte, na lubos na pinagpapasalamat ng dalaga.

"Sobra-sobra din ’yong pasasalamat ko kay Coco kasi hindi naman po niya ako pinapabayaan sa bawat eksenang ginagawa namin," nakangiting sinabi ni Angeline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi alam naman po natin na si Coco Martin, e, napakagaling na aktor, tapos ako nagsisimula pa lang.

"Kaya minsan ’pag may oras po na nahihirapan talaga ako sa eksena, talagang siya ’yong sinasabihan ko na, ’Coc’s nahihirapan ako dito, ano ba dapat gawin ko?’

"Talagang tinutulungan naman po niya ako ’tsaka ’yong direktor namin [Direk Jerome Pobocan]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN