The Stylistics will perform in Manila and Cebu from April 12-13












Muli ay mapapanood ang grupong kinagiliwan ng mga mahilig sa tunog at awit ng mga The Stylistics bukas, April 12, sa Araneta Coliseum, alas 8:00 ng gabi sa pamamagitan ng concert na The Stylistics Serenades Filipino Fans.

Magkakaroon din sila ng show sa Waterfront Hotel, Cebu mgayong Biyernes, April 13. Makakasama ng The Stylistics sina Rico J. Puno at Elizabeth Ramsey.

Matatandaang nabuo ang nasabing grupo noong 1968 kung saan ang original members ay ang lead na si Russel Thompkins, Jr., Herbie Murrel, Airrion Love, James Smith at James Dunn.

Nagkawatak-watak sila noong '80s, pero nagpatuloy na nag-tour sina Love, Murrel at Thompkins hanggang 2000 at ipinasok ang dalawang bagong miyembro; si Harold Eban Brown at Van Fields.

Sa pag-alis ni Fields, pumasok naman si Jason Sharpe.

Ayon kay Jason na 15 months nang nasa grupo, “It’s been great. It’s been a pleasure working with the guys and it’s a lot of fun.”

Hindi rin daw nahirapang mag-adjust sa grupo si Jason dahil matagal na siyang fan ng The Stylistics na nagbigay pa ng sample at kinanta niya ang 1972 hit song ng grupo na “I’m Stone in Love with You.”


The Stylistics ay ang gumawa ng mga hit songs tulad ng "Betcha by Golly, Wow," "Break Up to Make Up," and "You Make Me Feel Brand New."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN