Jed Madela will perform showband songs during his May 18 concert at the Music Museum

Jed Madela's Back to Basics concert will take place this Friday, May 18, 2012, at the Music Museum in Greenhills.


Five to six years pala munang naging miyembro ng banda ang singer na si Jed Madela, bago ito nag-solo at nagsimulang gumawa ng sarili niyang pangalan sa local music industry.

Ito ang hindi alam ng publiko, dahil mas nakilala si Jed as a solo artist. Taong 2003 nang madiskubre siya ng Universal Records, and as they say, the rest is history. Kabilang sa kanyang early achievements ay ang makuha niya ang Best Male Singer award sa Voice of Asia.

Taong 2005 naman nang manalo siya ng grand prize sa World Championship of the Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood,California, kunsaan tinalo niya ang 3,000 singers mula sa 52 countries. Hanggang sa naging regular singer-host na siya ng ASAP ng ABS-CBN, kunsaan "humahataw" siya ng kanyang signature "birit" songs na nagustuhan ng publiko.

Sa kanyang bagong concert titled Back To Basics na gaganapin ngayong Biyernes, May 18, 2012, 8:00 PM sa Music Museum (Greenhills, San Juan), nais ni Jed na ipakita sa kanyang loyal audience and supporters ang kanyang "roots" -- ang pagiging band member/ singer bago pa man siya nakilala bilang solo concert-recording artist.

Dapat sanaay ipu-pursue na nito ang pagiging flight attendant for Northwest Airlines noong 1990s, pero na-realize ni Jed na hindi siya masaya dito.


“My tita who is my manager that time saw that I really wanted to sing," balik-tanaw ni Jed nang ma-interview siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kamakailan sa Max's Restaurant, Scout Tuazon St., Quezon City.

"So, she put me in my first band Pose, which played in Fashion Café in Glorietta during the '90s. When my dad found out, he got angry and brought me home to Iloilo. Ayaw niya ako mag-banda, kasi hindi raw stable. Pero sumali pa rin ako sa isa pang banda, 'yung Dyevest [sa Iloilo]."

One year lang ang ni-request niya sa kanyang dad upang makipagsapalaran siya sa Manila as a new singer. Hanggang sa sumali na siya sa singing contests, at nadiskubre na nga ng Universal Records ang kanyang husay sa pag-awit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa pagba-banda ko, doon talaga ako na-train. I never had formal [music] training. Sa band ko natutunan kung paano i-strengthen ang boses ko kasi gabi gabi ang puyat. May nag-i-smoke pa sa loob ng bars, so siguro, doon ko na-build ang resistance ko.

"Doon ko rin siguro natutunan that not every song is sung the same way...Para hindi siya monotonous pakinggan."


GOiNG BACK TO HIS ROOTS. Makakasama ni Jed ang bandmates niya sa Prime Council upang mag-perform sa Back to Basics concert nito na produced ng actress-turned-concert and events producer na si Lara Morena ng UEP. Ang naturang concert ay co-presented by Champion Detergent Bar and Powder.


Jed will perform with his former bandmates Aliyah Parcs, Gail Blanco and Radha para sa mga showband songs --pop, rock, upbeat, ballads, etc.


Looking back, Jed and company offered a wide range of songs noong band members pa lang sila sa Strumms, Hard Rock, Ratsky and other bars.

"Sa concert, gusto kong gawin 'yung mga dati kong ginagawa sa banda na hindi alam ng tao," sabi ni Jed. "Noong nagbabanda kasi ako, ako lang ang front man, ako lang ang singer, so I had to sing lahat -- from pop, to rock, to dance, ballads, 1990s music... Bascially, 'yon yung concept ng concert.

"Idea namin ang concert na ito. Kasi, from a big concert in CCP last November, we wanted naman na maging intimate, like Music Museum. Pati yung crowd. At balikan ko yung pagba-banda ko.

"Akala kasi ng mga tao, love songs lang ang kinakanta ko, kasi nga galing ako sa singing contest. Pero hindi, sa banda ako nag-start talaga. So, my repertoire is going to be a mixture of songs I used to sing in the band in the late '90s and early 2000s.

"Comfortable ako sa power ballads, pero siguro, dahil sa exposure ko sa bands, kahit na anong klaseng songs, nakakaya ko naman. Like even sa ASAP, if they have a concept sa production numbers namin, if it's rock, kailangang tunog rock talaga. If it's novelty, kailangang tunog novelty siya. Siguro, natutunan ko yun sa banda."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon lang ba sila magre-reunion ng bandmates niya?

"Hindi naman, everytime naman na may show ako, sila naman yung session musicians ko. Ang kinaibahan lang is the line up [of songs]. Kumbaga, it's like looking back to what I used to perform sa mga bar.

"Nakaka-miss kung minsan. Kasi, yung Prime Council na banda ko dati, naggi-gig pa rin sila hanggang ngayon. So, 'pag may time, pumupunta ako at nagdya-jam. May ASAP kasi and most of the time ay out of town and out of the country concerts."

Ang concert producer niyang si Lara Morena ay baguhan rin sa larangang ito. Lara used to be active in the local movie industry noong 1990s. Paano sila nagkakilala ni Lara?

"I think they contacted my manager. I knew her when she was still active in acting, pero ngayon lang talaga kami nakapag-meet."

Ayon kay Lara, bilib siya kay Jed bilang isang singer kaya sinugalan niya ito upang i-produce ng concert for the first time. Ano'ng reaction niya?

"Nakaka-pressure lang! Nakaka-pressure 'pag gano'n ang sinasabi ng producer."

"Lara wanted sana na a big concert, sabi namin, 'wag muna. Sabi namin, 'Let's take it slow.' And para magamay niya kung papaano ang pagpo-produce. Kasi, it's not an easy job to produce a concert. Tulung-tulong muna kami, so maliit muna, and she's planning to do a bigger one."

Mga ilang songs ang kakantahin niya sa concert?

"I think mga 18-20 songs, so around mga 2 hours ang show. Mga favorite songs ko and mostly requested banda songs, like songs ng Earth Wind and Fire, mga gano'n. So, halos lahat, makaka-relate sa songs.

"Puwedeng ma-remind ang fans of the bands, all it takes lang naman is to re-introduce it to the people eh. Kasi, pansin ko ngayon, ang audience natin is kinda spoiled. Na kung ano yung ihahain mo sa kanila, yun ang susuportahan nila. So, let's re-introduce the band or good talents."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Since isang balladeer si Jed, kinakabahan ba siya kung papaano siya tatanggapin ng kanyang fans sa pagkanta ng "band" songs this time?

"Hindi naman," sagot niya. "Actually, I'm excited. Kasi, the fans and my friends will be able to see a different side of me, na hindi nila nakikita sa akin sa TV or in any of my concerts.

"Kasi, usually, 'pag concerts, mga birit-birit, classical songs, Broadway, ballads... This time, it's really stripped down to typical banda songs. Something different kaya sobra akong excited. Actually, more excited than nervous 'coz this is where I'm more comfortable at -- singing songs noong nagba-banda ako."

Sino'ng musical director ng concert niya?

"Wala kaming musical director, joint effort talaga kami ng Prime Council. Parang reminiscing, or flashback kami, on how were we noon as a band. So, tulungan sa pagbibigay ng input. We have the line up and nagre-rehearse na kami by now."

Mae-expect ba ng kanyang fans ang mga "birit" songs na identified nang kinakanta niya nang madalas?

"Merong mga birit [songs]. Yun talaga ang hinahanap ng mga tao sa akin eh. Napansin ko, everytime I do shows, there are times na pag medyo relaxed lang ang mga songs na kinakanta ko, yung mga tao, okay lang, palakpak lang.

"Pero once na naghi-hit na ako ng mga high notes, doon sila nagigising. So, yun talaga, hinahanap pa rin."

Sa pananaw ni Jed, ano ba ang pagkakaiba ng banda noon (mid 1990s to early 2000s) sa banda ngayon?

"Pansin ko, ang banda noon, they cater to what the people want. Kumbaga, ang priority nila is to make the people enjoy their night out. Pansin ko sa banda ngayon, they play they own music. Kumbaga, 'Kayo ang mag-adjust sa amin', parang gano'n ngayon ang banda eh.

"They play their original material. Kumbaga, bumaligtad. Sila na ang sinusundan ng audience kung ano'ng music nila, compared to before na 'yung banda ang nag-a-adjust sa gusto ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think it's good naman kasi, we've been stuck to this idea na puro revivals and wala nang original songs, puro covers di ba? Now that these bands are trying to bring out their own music, their own sound, I think, it's good, kasi bagong material.

"Iilan na lang kasi ang mga bagong banda eh. Pero siyempre, nandiyan pa rin ang mga batikan like Side A, South Border..."

Bakit hindi siya magge-guest ng may pangalang guest performers sa concert niya?

"We're staying true to the title na Back To Basics na kung ano si Jed Madela dati, yung pagbabanda niya. Ano ang ambiance? Ano ang set up? Kaya that evening, you won't see me wearing suits or the usual outfits na ginagamit ko sa ASAP.

"I will perform with the people that I used to perform with. Mga year 2000 ako nag-start mag-band. Nag-stop lang ako nu'ng kinuha na nila ako sa ASAP and they started to package me as a balladeer, kaya doon na napalitan ang mga jeans and banda outfits ng mga suits and formals."

Bakit nga ba ngayong 2012 niya nais ipakita sa publiko ang kanyang "roots"?

"'Yun nga, after our CCP big concert in November lasst year, it showcased my talent as balladeer, the performer... big ballads. We decided to make it down a little naman, and at the same time nga, para sa mga hindi nakakaalam kung papaano ako nagsimula, dito ko ipapakita how I really started in the business.

"Talagang I started from step one sa banda. Yung suweldo ko, talagang tamang-tama lang pag-uwi. We just did it for fun.

"May mga times na mag-o-audition kami, may times na rejection talaga. Minsan, they will treat us na talagang parang tauhan lang talaga. I experienced talaga na walang pahinga, 'Maraming tao, 'wag na kayong mag-break!... Kasi, 'pag baka nag-break kayo, 'yung hype o momentum ng tao ay baka mamatay.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-experience ko rin na tumugtog na walang tao. Isang table lang. At yung table na yun, manager ko pa ang nakaupo doon!

"Name it, na-experience ko 'yun. Like may mga bastos na audience, 'Tama na! Palitan na 'yan!' Mga rude audience, we experienced everything... Okay lang naman, kasi kumbaga, naging matatag rin kami. Kasi, all kinds of rejections, all kinds of pambu-bully at pababastos, naranasan na namin.

"Mas importante ang mga taong pumunta para manood. These experiences made me stronger," pagtatapos ni Jed Madela.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN