Daniel Padilla says he wants to grow old with Kathryn Bernardo

Daniel Padilla's album, Hinahanap-Hanap Kita, includes a song dedicated to Kathryn Bernardo. This 6-track album is now certified Gold.


Patuloy ang pag-arangkada ng career ni Daniel Padilla, hindi lamang sa larangan ng pag-arte, maging sa pag-awit. Noong June 17, pinarangalan si Daniel ng Star Records sa ASAP 2012 dahil in 10 days daw ay nagkaroon na ng Gold Record Award ang kanyang debut album.

Released by Star Records, ang first album ni Daniel titled Hinahanap-Hanap Kita ay naglalaman ng anim na awitin mula sa actor ng Princess and I.

Bukod sa carrier single na “Hinahanap-hanap Kita,” bahagi rin ng album ang mga kantang “Pagsubok,” “Paniwalaan Mo,” “Prinsesa,” “Grow Old With You,” at “Ako’y Iyo Ika’y Akin Lamang” na idine-dedicate raw ni Daniel sa kanyang onscreen leading lady na si Kathryn.

Matapos ang ASAP 2012 ay nagkaroong ng pagkakataon ang PEP.ph na makanayam si Daniel Padilla tungkol sa success ng kanyang album, at ito ang kanyang ilang pahayag:

Anong masasabi mo na in 10 days daw ay nag Gold na agad yung 1st album mo sa Star Records?

“Nakakatuwa siyempre dahil pinaghirapan ko ito at lumabas naman ng maganda. Salamat sa support ng fans, kasi sila ang dahilan kung bakit nag Gold agad yung album ko. Yung kanta at banda trabaho ko lang siya, wala sila obligasyon para bilhin yung album pero ginawa nila bilang suporta sa akin, kaya natutuwa ako sa mga fans na sumuporta.”

Sinabi mo before na kinakabahan ka kasi baka di tangkilikin ang album mo. Ngayon natanggal na ba yung kaba mo dahil nag Gold na nga ang album mo at ganun karami talaga yung sumusuporta sayo?

“Di pa rin ako kumportable, eh, kasi limited lang naman talaga yung fans ko. Ayaw ko lang maging kumportable kasi pwede rin kasing magsawa ang mga fans perosanahindi nga sila magsawa sa akin.”

Sa palagay mo, ano ang meron ang album mo na ito na tinangkilik ng mga fans mo?

“Siguro, dahil may feelings yung mga kanta ko rito kaya nagustuhan nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano kanta dito sa album mo na ito ang inialay mo kay Kathryn Bernardo?

“Yung Grow Old With You, kasi I wanna grow old with her.”

Ibig sabihin ba nito na gagawa ka pa ng another album kasi successful nga itong 1st album mo?

“So far, sobrang laking bagay na nag Gold ang album, para ganahan pa akong gumawa ng mas marami pang album, andyan pa naman yung mga inspirasyon ko, siyempre yung mga fans ko tapos si Kathryn, di ba?

Paki-kwento mo nga sa amin yung kaguluhang nangyari daw dun sa mall tour mo sa Isetann Recto?

“Hindi ako natuwa sa nangyari dun, kasi may mga taong nagpunta roon na nasaktan. Siyempre nagpunta sila doon para mapanuod nila akong kumanta, tapos di ko naman natapos yung kanta kasi nagkagulo na nga. Sayang lang po yung pagpunta ko. Tina trysananaming ayusin, kaso, pinull-out na kami kasi nga daw nagkagulo na yung mga fans.”

Sinabi mo rin na kinakabahan ka rin sa pagkanta kasi di ka naman kamo magaling kumanta, ngayong Gold na ba yung Album mo, nawala na yung kaba mo?

“Hindi naman bigla akong gumaling kumanta, eh, ganun pa rin yung boses ko kaya kabado pa rin ako. Pero I try naman my best to improve it more, mas kumakanta po ako madalas ngayon to improve it.”

Paano ba naisipan ng Star Records na gumawa ng album para sa ‘yo?

“Nagsimula kasi yun noong nag guest ako sa Gandang Gabi Vice na pinakanta ako ni Vice Ganda. Pero, dati pa, sinasabi na sa akin ni Mama [Karla Estrada] ko na, ‘DJ, maganda yung boses mo, kumanta ka.’ Sabi ko, ayaw ko dahil nga sobrang mahiyain ako, tapos nung pinakanta na ako sa GGV, ayun na, dun na nagsimula ang lahat at nagkaroon na nga ako ng album.”

Looking forward ka din ba na sana mag Platinum din itong album mo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Aba, siyempre gusto ko rin na mag Diamond din sya. Pag nag Diamond ang album ko na ito…Oh My God!”

Kamusta na kayo ni Kathryn ngayon?

“Okay naman kami, hindi naman kami pero yung friendship namin: sobra!”

Ano pa ang aabangan sa Princess and I?

“Marami pang aabangan sa Princess and I, maraming pagbabagong mangyayari. Feeling ko aabot pa ito ng 4 years. Joke! Hindi, feeling ko aabot pa ng one year yung show namin.Sana!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN