Anjed launches debut album, Fly High

Fourteen-year-old Anjed joins the local music industry with the launching of her debut album, Fly High, which contains nine all-original compositions.


Isa na namang baguhang singer ang nadiskubre sa pamamagitan ng YouTube.

Ito ang 14-year-old student mula sa Butuan City na si Anjed.

Sa tulong ng kanyang tiyahin, nag-upload ng kanyang video si Anjed—Marjed Millana—habang kumakanta sa YouTube.

Ang tatlong videos na pinost ni Anjed ay “I Have Nothing” ni Whitney Houston, “Listen” ni Beyonce, at “And I Am Telling You I’m Not Going” ni Jennifer Holliday.

Napanood daw ito ng composer-producer-writer-director na si Joven Tan at kinontak siya agad nito para magkaroon ng recording career.

“’Tapos nag-record po ako last year, September to October,” banggit ni Anjed.

Ngayon nga ay tapos na ang recording ng debut album ng baguhang singer at ini-launch na ito noong June 26 sa Centerstage sa Tomas Morato, Quezon City.

Ang title ng debut album ni Anjed ay Fly High na iprinodyus ng Millawave Multimedia at Total Entertainment Production, at ire-release ng Heroes Records.

All-original compositions ang siyam na kantang nakapaloob sa album: “Ewan Ko,” Damdamin,” “Fly,” “Kailan Ba?,” “I Love You Again,” “Sabi Mo,” “Pangarap,” “Kulang ang Pasasalamat,” at “Pangako.”

Walo sa siyam na kantang ito ay nilikha ni Joven Tan.

Ang carrier single ng debut album ni Anjed ay “Ewan Ko,” na kasalukuyan nang naririnig sa ilang FM stations.

Ang “Kulang Ang Pasasalamat” naman ay ang theme song ng upcoming indie film na Ang Maestra, na idinirek din ni Joven.

DREAM COME TRUE. Ayon kay Anjed, sobrang saya niya nang matapos ang recording niya at lumabas na ang kanyang album.

“Pag-uwi ko ng bahay, tumatalon-talon po ako. Sino naman po ang hindi?

“Pangarap ko na pong maging singer since four years old pa lang ako.

“Dream come true po talaga para sa akin na magkaroon ng album. Bata pa lang po ako, isa na ito sa pangarap k.

“I hope din po, kahit na kalahati lang po ng narating nina Charice at Jessica [Sanchez] ay maabot ko po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang hinahangaan daw niyang singer talaga ay si Sarah Geronimo.

Ipinaliwanag din ni Anjed kung bakit Fly High ang titulo ng kanyang album.

“Kasi po, fly high. It’s like you’re flying high to reach your dream,” sabi niya.

SINGING SEARCH. Tinanong naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anjed kung bakit hindi siya sumali sa alinmang singing contests sa telebisyon.

Karamihan kasi ng sikat na singers ngayon ay nagmula sa mga singing search na ito.

Sabi ni Anjed, “I never had the chance po kasi nandoon po ako sa Butuan at saka malayo po dito [sa Manila].

“’Tapos one time naman po, I was planning na sumali sa PGT [Pilipinas Got Talent] kaya lang ang sabi, ang audition, 5 [ang date], e, 2 naman pala.

“So, noong pumunta kami do’n, wala na.”

Pero sa Butuan naman daw ay sumasali siya sa mga singing contests at madalas ay nananalo siya.

Dahil sa pagpasok ni Anjed sa music industry, nagdesisyon ang ama niyang dito na sila sa Manila tumira at mag-aral.

May bahay sila sa Greenhills, San Juan at sa Sta. Rosa, Laguna.

Nag-aaral si Anjed sa Dominican College.

Sa dami ng mga nagsusulputang singers ngayon, ano ang masasabi niyang edge niya sa kanila?

“Siyempre we all have different talents naman po. For example, we have different genres. I like pop-rock, Taylor Swift’s country, yun po,” sagot ni Anjed.

Ang mga crush naman niya sa showbiz ay sina Jake Vargas, Daniel Padilla, at David Archuleta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN